24 Dec
Kanina na surpresa ang byuti ko sa gift na ‘to.
Eh pano walang pangalan ng sender, inisip ko nalang na galing kay santa pero yong address di naman galing sa north pole. :)
Halos mag isang oras akong nag isip, tinanong ko si hubby kung sya ang nag bili nito sa online. Malaking hindi ang sagot.
Hinalungkat ko talaga ang buong envelope at yon nakita ko ang pangalan na CHIKAI sinulat lang sa napakaliit na papel. :)
Chikaikai sarap mo talagang kurutin sa singit buntit, I feel special talaga. Thank you sooo much mwaahhh.
Ang ganda talaga anoh?

Maligayang pasko sa lahat!
21 Dec
Minsan praning ata ako. lol
baket, paano?
Minsan pagka kasi ako’y nagising kalagitnaan ng gabi babangon bigla at diretso sa kwarto ng kambal, iniisip ko lagi baka nakawin ang mga babies ko. At di lang yan, ilang beses ko pa tinitignan ang mga pintuan at bintana kung nakasarado lahat. LOL
Pag gabi kunting ingay lang marinig ko sa bebe phone takbo agad ako sa kwarto nila. Siguro normal feeling lang ‘to sa mga mommy anoh? Minsan praning. LOL
Si churhcill (doggy) ang gwardya pwesto nyang matulog sa may pintuan ng kambal. Kahapon sabi ni MIL mag bakasyon daw muna si doggy sa kanila after new year. Shempre less work din sakin pag wala si churchill dahil wala akong vavacuumin na mga balahibo araw-araw. Pero isip ko, lalo akong ma papraning nito pag mag bakasyon ang gwardya, di ko naman pedeng hindian si MIL dahil love na love din nya si doggy.
Haay..ewan ko nga ba baket ganito ‘ko. grrrr!

18 Dec

Sumali po ako sa Litratong Pinoy at eto ang kauna-unahang poste ko, para sa temang karoling. Ang hirap mag isip para sa temang ‘to, siguro kung nasa pinas madali lang. Wala naman kaseng nangangaroling dito sa Europa, ibang -iba ang paskong pinoy.
Ang aking mga cutie babies, bow!
Tuwing nag papatugtug ako ng paskong kanta sabay tingin naman sila sa mga krismas dekorasyon. Siguro feel na feel din nila ang pasko. lol
Ang mausisang hitsura nila, o diba mukhang nangangaroling din hehehe.

..at mapakialam sa lahat ng bagay.

Recent Comments