9 Sep
Ang dalawang macoolit. Habang nag mamower ang daddy nila sinasakyan din nila ang makina nag aagawan pa yan - kala kase nila auto para sa kanila :) Iba kase sa paningin nila kumpara nung lumang mower na red - eto mentgreen ang kulay kaya excited sila at naninibago sa hitsura ng mower akala auto. Ang tagal kaya natapos nag mower ang daddy eh may dalawang sobrang napaka kulit. lol
6 Sep
Mahilig sa music ang kambal at mahilig kumanta.
Kapag kumakanta sila takbo agad ako para kuha ng video, pero tuwing may hawak na akong video saka pa ayaw kumanta. Pero eto na video as in naka timing ako ika nga behaved sila. Pagnakita kaseng may hawak akong cam lalapit yan sila sakin at gustong panoorin ang nakikita sa screen. lol
Kuha ko ´to nung nakaraang buwan pa hanggang ngayon di pa rin uli ako nakatiming sa pag video. Marami silang alam na kanta lalo na mga German songs. Kelangan lang talga timing, ang kukulit lalo na paghawak ko na ang video cam, susme ayaw nang sumunod. :)
Eto ang kyut video, psensya na 2 years old pa lang kase ang little singer. At ang isa nanood lang sya wala sa mood kumanta. :)
At eto naman super hilig sa keyboard. Marunong mag pindot sa kahit anong buttons, napakaingay namin dahil to the max volume talaga yan. At kahit saang room sa bahay sila naglalaro bitbit din ang keyboard. lol
Eto ang little pianist, psensya na kung wala sa tono 2 years old palang kase. :)
4 Sep
Kanina pumunta kami sa Schueberfouer. (The Schueberfouer is the biggest funfair of Luxembourg).
Super enjoy ang kambal sa mga spinny rides na pambata at kami ni hubby ang nahihilo na sa kakaikot, eh sinong di mahihilo maliit lang yong iniikutan kase sa pambata lang, pero kelangan naman naming sumakay kase maliit pa ang kambal kumpara sa ibang mga bata na medyo malalaki na sila at pede nang di samahan ng magulang.
At eto yong ride na ayaw umalis ng kambal dahil gustong gusto nila. Ilang beses kaming umiikot at palitan kami ni hubby kase talagang nahihilo na ako. At talagang nagwala ang kambal. Siguro kung malaking cirle lang yong iniikutan di nakakahilo. Pero oks lang at least enjoy na enjoy ang day namin dahil may sunshine pero malamig na talaga di ko kayang lumabas na walang jacket. :)
Recent Comments