22 Oct
Nagulat ako nung nakaraang araw dahil may natanggap akong email from Saudi Arabia. Yes! galing sa prend ko. Nagkakilala lang kami nito sa Manila. Pareho kase kami ng agency na inaaplayan nun papuntang abroad. Hindi lang sya ang naging ka klos ko nun, marami kami. At sya yong piiinaka mabait, maalalahanin at higit sa lahat mapagmahal sa kaibigan. Super bait talaga nya kaya lab ko ang prend na ‘to. I lab yo Carl.
Sa aming lahat ako yong naunang umalis pa Dubai. I tried my best din talaga na makasama ko rin sila sa Dubai dahil sa agency din ako nag work, pero sugo nang tadhana na magka hiwa-hiwalay kaming lahat. Siya napunta sa Saudi, yong iba sa Australia.
May plano syang mag tour dito sa Europe at shempre welkam na welkam sya dito sa bahay kubo ko sa Luxembourg. Sana magka totoo Carl na magkita uli tayo, tas mag batuhan tayo ng snow. hehehe…
Paalala sa lahat ng hostees ko eto yong domain names na malapit na ang expiration. As I said, yong hosting ko ay walang expiration bali domain nyo lang ang e renew nyo. Honga pala ni remind ko lang ‘to sa kanila dahil ako kase yong nag register sa domain.
Kikay-site.net -Expires on: 01-Nov-2008
ally4u.net - Expires on: 21-Nov-08
akoni.info - Expires on: 03-Dec-2008
roanne-suyosa.com - Expires on: 30-Nov-08
gwapasila.com - Expires on: 17-Feb-09
Kharlota.com - Expires on: 24-Feb-09
Guys contact me HERE kung pano nyo e renew. Honga pala di na ako tumatanggap ng free hosting domain ngayon dahil busy na me masyado.
11 Oct
Malinis na uli ang bahay ko. Sa wakas.
Nagagawa ko na ang dapat kong gawin. Basta busog lang ang kambal ilagay ko lang sa nursery o “twins room” at tambakan ng mga laruan maglalaro yan sila hanggang sa makatulog.
At shempre pinaka importante may bonding time pa rin kami, nilalaro ko sila, kinakausap, tinuturuan etc. etc. at higit sa lahat minamasahe. Buti nalang at marunong akong mag masahe at nagamit ko rin yong napag aralan ko nun.

Premature ang babies ko (10 weeks early) kaya kinakailangan nila ang bebe massage. Dito sa Luxembourg may bebe gym for premature babies, as long premature ang anak mo wala kang babayaran, libreng offer ng ministry of health. So, probably next week mag umpisa na ang kambal sa gym nila. Di ko pa alam kung anong gagawin sa bebe gym nila, siguro may masahe din at kung may swimming go go na rin ako dahil dumating na yong MIL ko from long long vacation, pwede ko syang tawagan para matulungan ako.
Ibang topic naman, autumn also known as fall na talaga, at eto sangkatutak ang lilinisin araw araw andaming dahon na wawalisin. Ang gaganda na rin tignan yong mga puno.

2 Sep
First solid food!
Pinakain na namin ng solid food ang babies, pero sabi ng pedia ONLY FRUITS muna then antayin nalang namin ang next signal ni doki kung kelan sila pwede kumain ng vegetables at meat. Nag change na rin sila ng formula milk from Nan pro-1 to Nan pro-2.
Siguro naimagine nyo na ang hitsura ng babies sa first solid food. Sa over capacity ng hard disk ko kaya di ko ma upload ang video, sayang.
Parang tomato sauce yong food nila cherries kase yong flavor.
Si bebe Marc aka Macmik eto yong unang subo.

Si Macmik uli, medyo nasira yong mukha dahil ayaw sa lasa. LOL

Si bebe Mike aka Mikmac unang subo palang galit na. LOL

At eto galit na nga ayaw na nya. LOL

Recent Comments