Archive for the ‘daily Post’ Category

minsan praning

Minsan praning ata ako. lol

baket, paano?

Minsan pagka kasi ako’y nagising kalagitnaan ng gabi babangon bigla at diretso sa kwarto ng kambal, iniisip ko lagi baka nakawin ang mga babies ko. At di lang yan, ilang beses ko pa tinitignan ang mga pintuan at bintana kung nakasarado lahat. LOL

Pag gabi kunting ingay lang marinig ko sa bebe phone takbo agad ako sa kwarto nila. Siguro normal feeling lang ‘to sa mga mommy anoh? Minsan praning. LOL

Si churhcill (doggy) ang gwardya pwesto nyang matulog sa may pintuan ng kambal. Kahapon sabi ni MIL mag bakasyon daw muna si doggy sa kanila after new year. Shempre less work din sakin pag wala si churchill dahil wala akong vavacuumin na mga balahibo araw-araw. Pero isip ko, lalo akong ma papraning nito pag mag bakasyon ang gwardya, di ko naman pedeng hindian si MIL dahil love na love din nya si doggy.

Haay..ewan ko nga ba baket ganito ‘ko. grrrr!

LP 38: Karoling

Sumali po ako sa Litratong Pinoy at eto ang kauna-unahang poste ko, para sa temang karoling. Ang hirap mag isip para sa temang ‘to, siguro kung nasa pinas madali lang. Wala naman kaseng nangangaroling dito sa Europa, ibang -iba ang paskong pinoy.

Ang aking mga cutie babies, bow!

Tuwing nag papatugtug ako ng paskong kanta sabay tingin naman sila sa mga krismas dekorasyon. Siguro feel na feel din nila ang pasko. lol

Ang mausisang hitsura nila, o diba mukhang nangangaroling din hehehe.

..at mapakialam sa lahat ng bagay.

yahoo music

Mag ala una na dito pero gising pa ako, kaya eto update muna kahit nonsense ganda kase ng mga love song sa yahoo music eh. Kinonek ko kase ang lappy ko sa stereo e di very soft yong music na talagang ang ganda pakinggan.

E try ko sana sa audio comment ko ang music di umipek siguro sa snow plugins ko nag hahang lagi.

Di pa kase ako inantok, ang kambal aga na nilang matulog wahoooo… alas nuebe pa lang tulog na sila, grabeh epektibo talaga ang book guide namin ni hubby.

SweetKendi

Recent Comments

I Joined

BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

Litratong Pinoy

Archives

Categories

Visitors


Author


    Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
    -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

MacMik Logo