24 Dec
Pasko na naman.
Haay kaka miz talaga sa pinas.
Namimiz ko yong mga masasarap na pagkain.
Na miz ko lang yong pinoy foods hehehe
Kahit namiz ko ang pagkaing atin.
Masayang masaya naman ang pasko namin napakaraming blessings na dumating. Ang bait talaga ni Lord. Thank you God.
Sana masaya din ang pasko nyo katulad sa’min. :)

24 Dec
Kanina na surpresa ang byuti ko sa gift na ‘to.
Eh pano walang pangalan ng sender, inisip ko nalang na galing kay santa pero yong address di naman galing sa north pole. :)
Halos mag isang oras akong nag isip, tinanong ko si hubby kung sya ang nag bili nito sa online. Malaking hindi ang sagot.
Hinalungkat ko talaga ang buong envelope at yon nakita ko ang pangalan na CHIKAI sinulat lang sa napakaliit na papel. :)
Chikaikai sarap mo talagang kurutin sa singit buntit, I feel special talaga. Thank you sooo much mwaahhh.
Ang ganda talaga anoh?

Maligayang pasko sa lahat!
21 Dec
Minsan praning ata ako. lol
baket, paano?
Minsan pagka kasi ako’y nagising kalagitnaan ng gabi babangon bigla at diretso sa kwarto ng kambal, iniisip ko lagi baka nakawin ang mga babies ko. At di lang yan, ilang beses ko pa tinitignan ang mga pintuan at bintana kung nakasarado lahat. LOL
Pag gabi kunting ingay lang marinig ko sa bebe phone takbo agad ako sa kwarto nila. Siguro normal feeling lang ‘to sa mga mommy anoh? Minsan praning. LOL
Si churhcill (doggy) ang gwardya pwesto nyang matulog sa may pintuan ng kambal. Kahapon sabi ni MIL mag bakasyon daw muna si doggy sa kanila after new year. Shempre less work din sakin pag wala si churchill dahil wala akong vavacuumin na mga balahibo araw-araw. Pero isip ko, lalo akong ma papraning nito pag mag bakasyon ang gwardya, di ko naman pedeng hindian si MIL dahil love na love din nya si doggy.
Haay..ewan ko nga ba baket ganito ‘ko. grrrr!

Recent Comments