5 Feb
Ganito kaming tatlo super ingay namin.
Minsan naiinis ang isa dahil gusto nya sa kanya lahat ang attention. LOL
Identical nga sila pero super magkaiba ang ugali.

Sori sa photo effect nag iimbento ako ng kung ano ano at eto nga ang resulta.
26 Dec
Smart preemie twins.
Di ko akalain sa ganitong edad ng babies ko ay marunong na silang bumasa. Huh?
Since birth ng aking kambal sinaisip ko talaga ang sinabi ng Pedia na “not to compare your child to full-term babies and follow their adjusted age also known as corrected age or real age“.
I’m a super busy mom. Yes, it’s true.
Daming trabaho lef and right - gawaing bahay at blogging.
Minsan pag nasa mood ako tinuturuan ko ang babies mag basa.
Imagine… 2 infants tinuturuan mag basa? Helloooo…?!
Oo tinuturuan ko sila, mga ilang minuto nakikinig sayo tapos di kana pinapakinggan, kaya nakakatamad mag turo. LOL
Pero ang masasabi ko ay.. talagang good listener ang babies ko. Tuwing may marinig silang nag uusap nakikinig din sila na parang sila ang kinakausap mo. Tuwing kinakausap mo naman sila naka titig sayo na parang sina pyscho ka. LOL
As a mom ang masasabi ko ay talagang smart ang babies ko. Kunting salita lang ang alam nila eto yong mga words na lagi mong maririnig sa kanila “papa, mama, tata, tete, ateh, pooh”. At higit sa lahat nakaka intindi sayo.
Yes! They can.!
Dati iniisip ko kung anong dapat na lengwahe ang gagamitin namin sa pag sasalita dito sa bahay. Pero sabi ng doki kahit ilang lenggwahe walang problema dahil fast learner ang babies.
Dito pag pre schoo German then later French. Si hubby kinakausap nya ng Luxembourgish ang kambal. Barok ako sa mga lenggwahe dito kaya english, visayan at tagalog ang maririnig ng kambal sakin. LOL
Naging multilingual nga sila.
Next month birthday nila.
29 Nov
Paalala lang po. Blogger din ako kagaya nyo kaya hwag nyo po sanang bigyan ng ibang kahulugan ang post na ‘to. At isa pa para naman may update ang bloggie na ‘to. LOL
Nadagdagan na naman ang edad ko ibig sabihin matanda na ako pero isip bata pa rin nyaahhh… Happy Beerday to me!
Nung Martes may cartoon naka patong sa mesa. Tinanong ko si hubby anong laman sa maliit na cartoon, para kanino.
…sagot naman nya wala! at bubuksan ko lang daw sa Sabado.
Eh, ako pa. Kala nya maka pag hintay ako. Nag agawan pa kami kase ayaw talaga nya pa buksan, eh bakit kase pinakita sakin.
Shempre nung martes ko rin to natanggap birtde gift daw nya sakin. Susme camera lang pala. Iba yong gusto ko na regalo hindi camera, gumagana pa naman kase yong old cameras ko eh. Well, ok na rin ‘to natanggap ko rin. lol

Eto naman bigay ni MIL ko, perfume at kunting pang shopping.

Ang handa sa birtde ko ay pritong isda, sinawsaw sa toyomansi. At ako lang mag isang kumain naka kamay at naka patong yong paa. HEAVEN!!!
Recent Comments