Archive for the ‘Daily Post’ Category

Disaster area

May bisita si hubby ngayong darating na linggo kaya todo linis naman ako. As in general cleaning na ‘to hanggang sabado, hindi ko naman talaga matapos pag one time lang kaya iniisa-isa ko yong pagkakalikot ng bahay.

Inakyat ko ang pinaka tuktok na parte ng bahay, pinangalanan ko ‘to na disaster area, at dito ko tinatambak yong mga gamit na minsan lang namin magamit, at di na nagagamit. Normally yong laging umakyat dito ay yong taga linis ng chimney.

Dito ako dumaan sa folding stairs na super bigat e open at e close, at si churchill naiinggit kase eto lang yong parte ng bahay na di nya naapakan. Gusto nyang sumunod sakin pero napaka tuktok nang hagdanan kaya no chance.

Sa wakas may laman na ang cabinet na yan, tinambakan ko ng mga gamit na walang silbi, sana di makita ni hubby magagalit yon kapag iniipon ko yong di nagagamit. Di ko alam anong purpose ng malaking pipe na yan tsk tsk. Nasa side view ako nag piktyur nito kase baka makita nyo hitsura ko sa salamin na super haggard.

Sinirado ko na rin yong mga bintana dito kase malamig na, baka bigla pang mag snow. At walang heater sa lugar na ‘to kaya giniginaw ako habang nag aayos jan.

Super hirap umakyat na may bitbit, buti nalang magaling ako umakyat ng kahit anong puno nun kaya nagawa ko rin yong mga bagay na gusto ko ilagay sa lugar na ‘to.

Ngayon gabi na dito, sumakit yong tahi ng CS ko, masakit igalaw. Pero di ko pinaalam ni hubby dahil siguradong mapagalitan ako ng sobra sobra, wala syang kamalay malay sa mga ginagawa ko kanina. Siguro sa sobrang work ko lang ‘to, lalo na yong folding stairs na super bigat. Nainat lang ata yong muscles ko sa bandang may tahi kaya siguro sumakit.
Sana walang mangyari sakin, dami ko pang gagawin sa 2nd floor at sa basement, how I wish na may magic wand ako.

Another topic…
Butterfly award from Charchar and Lily. Thank you guys.

Then, I would like to give this award to Chikai, Scart, Irel and Carlota.

Rules:
Put the logo on your blog.
Add a link to the person who awarded it to you.
Link 10 other bloggers whom you wanted to share this award to.
Give a reason why you consider that person’s blog cool.

  • 15 Comments
  • Filed under: Daily Post
  • si fat ass

    Habang binihisan ko ang kambal, biglang may nag doorbell.
    Takbo naman ako pababa sabay silip sinisigurado ko lang kung tao yong nag door bell. Pag silip ko anjan pa si Mr. post man kase may bitbit syang package.
    Binuksan ko agad, shempre kala ko para sakin yong package.

    Sabi nya…pwede iwan ko senyo ang package na ‘to kase alang tao sa kabilang bahay, para kase yan sa kapit bahay nyo. At sabay tanong sa family name ko at ako pa yong nag perma.

    Ako naman…shempre OO.
    Pag tingin ko sa pangalan ng package, waahhh…kung alam ko lang, di ko sana binuksan si Mr. postman. Eh, yong package para kay fat ass kong kapitbahay.

    Iniisip ko talaga kung pano ko iabot sa kanya. Ang sama kase ng ugali nya, as in di makain ng aso, sobrang inggitera jusko.

    Kinahapunan may nag doorbell, di ko na sinilip. Pag bukas ko si fat ass. Diretso akong bumalik sa loob at inabot yong package nya.
    Tapos sabi nya…may note kaseng iniwan na andito daw yong package ko, thank you so much, sabay ngiti at dumaldal pa nang… naku marami na naman tayong lilinisin sa labas kase fall na.
    Ako naman as in nabigla sa reaksyon nya at sinagot ko rin sya. kanina ko lang talaga sya nakitang naka ngiti at kumausap sakin ng matino.

    Di ko alam kong plastic lang yong pag mumukha nya kanina.
    Sana bumait nga sya.

  • 14 Comments
  • Filed under: Daily Post
  • nakakasama ng loob

    Nakakainis na talaga.
    Naiinis ako dahil may mga taong ayaw talaga umintindi.
    Sapagkat ganun ang iniisip nila wala akong magawa.
    Okay lang, madamot ako at nakakasama ng loob.

    Fine.

    Masakit man yon, pero ok lang.
    Di mo kase naiintindihan eh.
    Di ko rin inaasahan na maiintindihan mo ‘ko.

    Good luck nalang sayo.

  • 6 Comments
  • Filed under: Daily Post
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: