22 Jan

Muzta! Happy Monday…
Kagabi sobrang nag alburoto ang tyan ko, dahil sa inimom kong tea. Yong klaseng tea na
ininom ko ay “pam” pampalambot ng sama ng loob na dapat ilabas. 
Ganito ako mula nung bata pa, medyo nahihirapan mangubeta. Kase, di mahilig uminon ng
tubig, di mahilig sa prutas. mas lalo na dito winter, pinakamataas na yang dalawang baso
buong araw. Kaya buong linggo dalawang beses lang mag deposito ang beauty ko.
Oo na, hindi healthy ang ganun, pero healthy naman ang pakiramdam ko.
Kapag gusto ko nang mag deposito, natatakot ako. Natatakot ako sa sakit noh, shempre parang
troso yong lalabas. Kaya kapag feel ko na, kelangan iinom muna ng tea ang lola.
Kagabi, gumawa ako ng layout pero di pa tapos, pasaway yong ibang code ayaw sumonod sa
gusto ko. Kaya medyo nainis ang lola, ayon tuloy nautusan si hubby “mahal tea plis” shempre alam nya at dali-daling
gumawa ng tea at binigay sakin. Gash! 2 bags pala yong nilagay nya kaya pala sobrang tapang.
Nakalipas ang isang oras, nag rumble na yong tyan ko. Takbo! alam nyo na saan ang tungo at
haay…nakaraos din. Pagkalipas uli ng ilang minuto, takbo na naman! At paulit ulit akong
tumatakbo.
Tinanong ko si hubby, baket nagka ganun, yon pala’y 2 tea bags nga ang nilagay nya. Kaya
pala sobrang tapang, pero inignore ko lang ang lasa busy kase sa code na pasaway. Ang resulta
laging tumatakbo at sinisisi ko pa si hubby baket kase dalawa yong nilagay nya. Susme, kala
ko nga sa kubeta ako matulog kagabi.
Kaya bumili ng ibang tea si hubby na berries yong flavor, masarap sya. Hindi ako mahilig sa
tea, iinom lang ako ng tea kapag yon nga. Pero eto susubukan ko na gawing kape tuwing umaga.

At pag umepekto eto, itapon ko na yong “pam” pampalambot na tea. Sakripisyo kase yon.
Honga pala, sinong 2.0.5 version na WP jan, hindi raw secure ang version na ‘to.
Kaya kelangan e upgrade sa 2.0.6, grr… kaka upgrade ko lang ng 2.0.5, maya ko na ‘to
tatrabahuin. bibisita muna ako sa site nyo. CIAO and happy Monday!!!
To my lurker visitor na si Leila from Germany, welcome sa Europe sana may blog site ka rin
para de ma bobored beauty natin jan hehe…
18 Jan

Kahapon galit ako, dahil nga sa tita ko. Haay!
Dahil sa mood ko kahapon, nawala yong gana ko na bibisita sa mga tahanan nyo. Sori talaga!
Sobrang bigat ng loob ko kahapon grabeh. Hindi nga ako pumasok sa school kahapon.
kaya ayon nag movie marathon ako sa pinadalang CD ni
inday Loloy, alam nyo ba anong video yon,
TFC - ni record nya at pinadala sakin, see?! ang bait nya noh? hahaha…kompleto rekado yong
show, may PDA, XXX, Asap at atbp. Wala kase kaming TFC connection sa Lux, mag se search pa daw
si hubby kung san mag subscribe. Kuntento naman ako sa buhay na walang TFC at least
enjoy naman sa pag bablog. LOL, halatang blog adik noh?!
Tenkyo talaga dae Loloy, nag enjoy ako kahapon pati si hubby nanood na rin hehehe..
at hindi pa nga ako nangalahati sa unang CD.
Pero mga alas 11pm kagabi, pramis ko na mag reply ako ng email sa dapat kong replyan, after
ng pag eemail ko. Gash! biglang nag black yong monitor ko as in wala talaga.
Kinabahan ako, naisip ko kase baka nasira ang hard disk ko. Patay! pano na yong lahat
ng files ko. Iniisip ko agad yong mga outlines pixels ko ala akong cd backup.
Buti nalang tsinek ni hubby, kase nag panic na ang lola nyo. LOL
Yon pala, yong pc monitor ang sira. Kinokonek ko kase ang laptop ko sa pc monitor. Feeling
ko kase perfect yong contrast sa pc monitor keysa laptop ko, lalo na sa pixelling
clear na clear yong kulay.
Ngayong sira na ang monitor, mismo nasa laptop na ako, grrr… nanibago ang mata ko.
Di ko ma klaro yong kulay parang light talaga kahit sobrang dark. Naiinis na ako sa
kaka change pero parang light pa rin kakainis uy!
sana maayos ‘to ni hubby, sayang yong pang valentines pixels di ko sya matatapos
sa pag kukulay. 
Ngayon, medyo oks na ang mood ko. Feel ko nang bibisita sa mga tahanan nyo with smile.

Karma ang matatanggap ng tita ko sa mga ginawa nya.
Bahala na nga si batman sa kanya.
Pero iniisip ko pa rin ang sitwasyon ng bunso namin, sana maitama ang lahat. At
maraming salamat sa lahat ng mga payo nyo, talagang gumaan yong pakiramdam ko. At least may idea na kami kung saan dapat lalapit. Tenkyo talaga senyo. God help us!
Paki visit sa new angel si Abbigail eto yong site nya.
At sa lahat ng user sa angelic-pink.net, kung di nyo alam pano gumawa ng personal backup sa buong files nyo, please email me, para ma send ko yong tutz. Kelangan safety ating mga pinag puyatang mga files, dami na kaseng bad sa net.
8 Jan

Senyong lahat pahinga muna ako, kahapon nag babad ako sa puter pero ngayon di ko na talaga kaya. Im sure gagaling agad ako dahil galing na ako sa Dok, pero kelangan ko lang talaga ng pahinga. Im sooo tired talaga.
Babawi ako pagbalik ko, pramis! Love you all…
Recent Comments