29 Dec

Di ko inaasahan na may bwesita pala si hubby ngayong Lunes (new year), kaya todo linis ang lola,
lahat ng dumi sa 2006 kinalikot ko na, haay nakakapagod sobra lalo na
‘tong paglilinis sa fish tank, argh! sarap prituhin ang mga isda para wala na
akong lilinisin. At isa pa rin ‘tong si doggy palagi sa
labas pag pasok ang dumi dumi ng floor, sarap din putulan ng paa. Na imagine nyo ba
trabaho ko? hwag nyo nang isipin baka kayo din mapagod hehe…
Kaya wala akong natapos na siggy para sa mga linkies ko. Daming dapat unahin na trbaho ang
lola nyo kaya psensya na, pramis ko pa naman. tsk tsk!
Dinadaan ko sa lambing si hubby, sabi ko mas maganda na
kukunin nalang namin yong pinsan ko sa pinas para may kasama ako sa paglilinis.
Pero dahilan sa European Union law, bawal daw ang kumuha ng ibang worker sa labas ng
europe pwera kong may approval papers na wala ka ngang mahanap dito., what?! Susme, kala ko
matulungan ko si pinsan, sa isip ko kahit 500 euro kada buwan masaya na yon. Pero
makukulong din pala ako sa ganung halaga, dahil minimum sahod dito 1,500 euro with
complete insurance pa at ibang ka ek ekan, Kaya si pinsan walang pag-asang
maka punta rito. Haay! Kakayanin ko nalang ‘to at shempre kaya ko naman,
gusto ko lang naman kaseng matulungan si pinsan.
Walang kwentang kwento…LOL
Tinamad akong mag tayo ng Christmas tree nung pasko, pero etong si hubby pasaway talaga.
Bumili sya ng ready made christmas tree na itatayo mo lang then tadaa.,
one day before Christmas nya binili LOL, yong tree na inisprayhan nang parang snow
with blue lil bulbs. Hanggang ngayon nakatayo pa, tutumbahin ko ‘to after 3 kings.
Mas mahirap nga to iligpit kase yong puti puti lumilipad parang dust kase.
Todo vacuum na naman si lola nito sa pag ligpit talagang pasaway si hubby.
Pramis ko senyo na e upload ko yong video, pero talagang naabutan ako sa hiya. Sa totoo
lang ha, natatakot akong pag sabihan ng ewww… kaya bihira lang ako nag sshare ng pics
dito o video, may time na kumapal yong mukha ko, kaya ayon maka pag share minsan. Pero
ngayon makapal nga mukha ko, LOL. Eto yong sa parents inlaw ko, hwag na yong may nalasheng kakahiya eh, LOL. Makikita nyo jan parents inlaw ko, sisters ni hubby,
mga pamangkin na bulilit at pamangkin na mga binata, anak ng tandang kapatid ni hubby na babae yang naka black pullover, si dad inlaw ginawang toy ng mga bulilit at si churchill our four legged boy. LOL
Wishing you all a very happy and sparkling New Year!
Ich wünsche Euch allen ein wunderschönes neues Jahr!
Schéi Feirdeg a vill Gléck am Neie Joer!
Je vous souhaite une très bonne et heureuse nouvelle année!
Ilang oras nalang CIAO 2006.
Tenkyo sa mga cutie gifts from sissy Janine ko at kay Elie. May new angel pala si Sashicko.
27 Dec
Ngayon lang ako naka pag post, kase kase… hwag na! :)
Muzta ang noche bueana nyo?! kami naman nag enjoy pa rin sa ham at salmon. Okay lang busog as in.
salamat sa lahat ng greetings, i labyo all… at sa lahat ng mga cutie gifties mula kay Reyn, hanmae,lhadymitch, gayle from pinas, irish, sherica, Gayle from Hawaii, Elie, Kate, Lexy at kay Nika at Rachel. Pasensya na at di ko na upload yong mga cuties nyo, pero nakaipon lahat sa gifties folder ko. Basta maraming maraming salamat senyong lahat. Sa mga di ko nagawan ng cuties sori talaga, babawi nalang ako sa new year, tiyak di ko na kayo malilimutan.
May natanggap din akong ragalo mula kay Carlota grabeh sobrang kyut nya, tenkyo choco mwaahh the best ka talaga. Eto pala yong regalo ko from Choco, ang kyut may hello kitty pa na damit awww…sweet!

Maraming Salamat din sa mga snail greetings card, na galing nila Amy, Prescy, Vicki at Lanie Grant. Tenkyo so much guys! Nakurat jud kaayo akong beauty uy, unsa kaha ug lechon ang inyong gipadala noh? :)
Kwento…
Nag snow pala ng kunti dito nung pasko ng gabi, kunti lang naman pinaramdam lang siguro ang white christmas. :)
Nung Monday, may party din sa parents inlaw ko, masaya kwentuhan, tawanan at ang resulta lasheng! LOL. Sa next post siguro e post ko yong video namin, pero sana di ako sumpungin ng hiya hahaha kakahiya eh,.
Eto nalang kunting pic nung Monday!
Pagbigyan nyo na ang lola ngayon lang ‘to plis. LOL


Honga pala, nagloko yong email ko buti nalang inayos ni hubby, di ko napansin mula pa nung Friday pala yon, pero ayos na ngayon.
Binalik ko yong old layout ko na pang winter, my kunting edit lang sa kulay,.
Wala na akong ma kwento, sige dito nalang muna bibisita pa ako sa mga tahanan nyo. See yah!
Edit:// I hate this layout!!!
5 Jul

Nung sabado umpisa ng Le Tour De France, ang pinag kaabalahan ni hubby ngayon, kulang nalang e glue yong mata nya sa tv. Dati nung wala pa
syang pinag kaabalahan na AKO one of the cyclist din sya dito sa Luxembourg.
Pero yong powers nya ay di pede sa Tour De France ika nga pang national
lang yong powers nya. Di kaya ang pang international powers.
Kahit pang national lang sya, maraming awards
din syang natatanggap nung panahon ni kopong-kopong pa yon ha, shempre proud ang lolo. Kinilig naman ang lola.
Kahapon, nag half day sa work nya - you know why? dahil sa Tour De France.
The sixth time in its history, the world’s most famous cycle race returns to Luxembourg last Monday.
Kaya ayon nanood kami live, naks jumping jumping wid matching clapping din ang lolah nyo. Kaya lang namimili pa ako
ng peborit racer. wala na kase yong
Lance Armstrong ko, inagaw ni Sheryl Crow! hehe.. yeah, my favorite ever,. I’m really amazed the power of
the legendary Lance Armstrong of his successive victory, after he had operated and was declared…cancer free!
And yesterday at around noon, riders set off from diff. places here in Luxembourg before crossing
into Belgium, then nag end sa Holland tapos balik sa France. Aside, Luxembourg’s sole representative on this year’s tour ay si Frank Schleck, [peborit ko na rin] who under for the CSS team
and he’s hoping to help Italian representative [Ivan Basso] against
Germany [Jan Ulrich] ang paborito ng bayan to take Armstrong’s title. Nailabas ang issue ng doping na
disqualified ang dalawang paborito ng bayan. Haay, naku normal yata sa laro ang may dayaan ng powers.
Tas sabi ni hubby sasali daw sya uli ngayong September
competition dito sa Luxembourg, let see! Pero sabi ko, kaya mo pa kaya yong 200 km
haha..kahit mag doping kapa, no chance pa rin. Aba! ni look down ko raw sya. Haay naku
hwag na! baka sya pa yong first to the last! kulang sa training
e pano palaging busy sa lola nyo. 
Kahapon 3 yong na injured, argh! kawawa talaga - sayang yong effort nila. Tas yong nauna sa finish line taga Germany,. .
pero im soo sad naman dahil talo ang Germany vs. Italy sa football.
super ingay ng mga italyano dito, sarap ngang bazookahin. Tas mamayang gabi Portugal vs. France, yokong manood, ako’y takot baka manalo ang Portugal, talagang ma bazooka ko na sila. Eto pala yong ibang kuha ni hubby kahapon 1, 2, 3 (Le Tour De France).
nawala na yong emote ko, na busy kase sa passport ni doggy churchill andaming ka ek ekan ng veterenaire nya para sa bakasyon namin, di kase pedeng maiwan sama kahit saan.
Recent Comments