Archive for the ‘Fall’ Category

Babies gender…

Siguro nakita nyo yang image sa may ibaba.
Yan ang ka una-unahang gamit na binili ko kanina, after ng OB visit ko.
Buti nalang at dalawang test tube lang yong kinuhang dugo sakin, kada visit pala dito sa OB kukunan ka ng dugo.

Then, tinignan ang babies - they’re both healthy. Thanks thanks God!
Yup! 2 boys ang babies ko, sina Marc at Mike. Napasigaw si hubby sa sobrang tuwa. Pati si dok napasabay sa tuwa ni hubby. Shempre ako rin sobrang saya grabeeh. LOL

Hindi pa kami nakarating ng bahay tumawag agad si hubby sa mommy nya, at pinaalam ang gender ng babies. shempre sobrang tuwa ang maging grandma at granpa. May bibilhin daw sila para sa twins, ewan ano, basta surpresa daw. LOL

eto ang unang gamit na binili ko. :)

Feel ko rin talaga sa umpisa na lalaki sila. Identical twins kaya same sex and I’m sure parehas din ang mukha. Kaka excited tuloy. LOL

Excited na akong mag ayos ng twins room kase alam ko na ang dapat na kulay. At excited na rin bumili ng mga gamit. good bye pink! Ma busy na ako nito sa kakaayos. LOL

May allergy pala ako, yong parang bungang-araw as in napakakati. Binigyan ako ng pang stop
ng kati at pag ayaw umepekto, mag pa derma ako, yan ang sinabi ng OB ko. Sana di na kumati.

  • 60 Comments
  • Filed under: Fall
  • nippy Monday…

    It is a nippy Monday morning here for sure as we sit at 8ºc at least hindi negative.
    Sinilip ko sa labas huminto yong ulan pero parang gabi na.,
    as in reklamador ako kapag taglamig kase ginawin ako eh.
    Sinong makipag exchange weather jan, hehhe.. kung pede lang no?! naloloka na ata ako
    sa lamig dito.

    May natanggap pala akong aginaldo galing kay manay Neng, awww..talaga manay sobrang
    bait mo talaga as in mapag bigay, kagagaling nya sa pinas at eto may pasalubong ako.
    Grabeh, ang bait nya. Danke manay Neng mwaahh…Kinain ko na yong iba, at gustong gusto ni
    hubby ang nagaraya :) sa kanya nalang daw at akin ang sirena at bida, sarap!
    hwag na kayong manghingi jan kulang pa ‘to sakin noh?! hehhe… at may pang sigang pa
    tamang tama malamig sa labas.

    paki click para klaro :)

    May bagong 2 angels sina Mariz
    at Melle.
    At kay Hoth tenkyo sa sweet gift ang sweet! :)

    Sa mga pink angels, kung gust nyo ang siggy angel na ‘to yell ka lang with your name. :)

    Baka sa next update ma upload ko yong ibang cuties at layee :)

    O cge guys, I hope you all had a nice weekend and will have a super week.
    Take special care everyone.
    And don’t forget to put sun screen if you enjoying hot weather. LOL

  • 48 Comments
  • Filed under: Fall
  • kunting update…


    Kagabi matagal si hubby natulog at ako’y antok na antok na talaga.
    Hinihintay ko naman sya kase takot akong mag isa sa kwarto eh. Hanggang sa nalibang yong
    mata ko sa paggawa ng layout at dalawa pa ang nagawa ko, parehas lang naman ng style
    pero magkaiba lang ng kulay. Kung gusto nyong ma view paki click DITO.
    dagdagan ko pa yan ng purple, blue at red at gagawa din ako ng pink
    para sakin, :) wala lang nilibang ko lang sarili ko malamig kase sa labas.

    Ang pinagka busyhan ni hubby kagabi, nilipat pala nya ang lollipop.lu sa ibang server.
    Tsaka alam nya, pag nag down ang site ko umaandar ang pagka kinder garten ko.
    Siguro inaantok na rin sya kaya nagka mali mali sya sa paglipat. Tas bago kami natulog, sabi
    nya okay na lahat at shempre nanigurado ang lola okay nga naman.
    Pero, nagkamali pala sya dahil inaantok na nga, kaya sobrang down yong site ko
    kagabi, ewan ilang oras. Pero site ko lang ang down yong mga hostee ko
    hindi sila apektado.

    Honga pala weekend na naman, sobrang lamig na dito grabeh. Tas ilang tulog nalang
    pasko na, haay tinamad akong mag decorate sa taon na ‘to. Christmas stockings lang
    talaga yong decoration ko dito sa bahay, tinamad ako sobra. Siguro ilabas ko rin yong mga
    lights, medyo madali lang yon iligpit diba?! Halatang tamad talaga ang lola.

    May new update pala ako dito, baka may magustuhan kayo, ngeek! meron nga kaya
    pangit kase yong nagawa ko.

    Maraming maraming salamat sa lahat ng bumati sa beerday ko! Tenkyo guys i labyo all.
    O cge ingat kayong lahat at happy weekend!

    Grrr.. at last gumana na, gumana na nga ba?!

  • 57 Comments
  • Filed under: Fall
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: