31 May
Laking gulat ko nang makita ko sa revue magazine Luxembourg ang pic ni Mikmik as the sweetest baby for the month of May, si grandpa pala nila ang may gawa at sabi nya baka next month din mapili yong pic ni Macmac. Sa totoo lang ngayon ko lang alam na pamilya ni hubby bumibisita pala dito sa bloggie ko, bebe pics lang yong tinitignan kase di naman nila naiintindihan ang blog kew. LOL

eto yong sweetest pic ni Mikmik.

At eto lagot ako pag nakita ni hubby ‘to, nauntog daw sya sa garahe inopen nya ng kunting open lang kase nag lilinis sya, at habang inilabas nya yong naipon nyang dumi kala daw nya tama lang yong pag yoko nya palabas ahehehe kasalanan nya baket di nya inopen ng buo e di na untog tuloy. Di nya alam piniktyuran ko sya, binalot yong ice at nilukdo. Naawa ako at tumatawa, eh tumawa din sya as in tawanan kaming dalawa. lol

29 May
My trilingual babies. At balang araw matuto rin kayo sa wikang Pilipino at shempre dyalektong bisaya. LOL

Siguro naisip ni Mikmik..Tea?! Ewwww….

25 May
Nung Friday pumunta kami sa Doktor for hearing test ng kambal. Keylangan kase yan sa lahat ng babies dito sa Luxembourg, kapag ini ignore ng parents ang appointment for hearing test diretso nila e cut ang pera ng babies na matatangap kada buwan. Normally from infancy hanggang 18 years old may pera silang matatangap galing sa gobyerno at kapag patuloy ang pag schooling ng anak mo hanggang 27 years old ang suporta ng gobyerno.
Unang hearing test ng kambal nung nasa NICU pa sila ay parehong failed sa test, I mean pareho silang tig isang tenga lang yong may response. Sabi ng doktor dahil preemies sila kaya yon daw ang dahilan, ika nga hindi pa sila fully develop kumpara sa mga full term babies. Lahat ng mga preemies sa NICU may test pa rin dahil kinakailangan, kaya nung Byernes another test ng kambal shempre fully develop na sila sa corrected age na 2 months.
Thanks God pumasa na sila sa hearing test.
Sa totoo lang natatakot ako sa mga test ek-ek noh, siguro ganyan talaga ang feeling ng isang ina kahit OK ang lahat kapag may kung anong test di maiwasan yong pag-alala. Pinag tawanan nga ako ni hubby eh, at sabay tanong kung sa pinas lahat ng babies sa hospital bago sila iuwi may hearing test ba daw, simpley lang sagot ko WALA dahil ako mismo di naranasan ang ganyan. LOL
Next hearing test ng kambal kapag mag kinder na sila dahil requirements din bago mag kinder ang anak mo kelangan ang hearing test at eye test. Si hubby nung kinder sya nag umpisa mag glasses dahil sa eye test result nya kinakailangan na syang mag eye glass. Sana hindi kagaya sa kanya ang kambal super aga nag eye glass.
Naglalaro kaming tatlo, kagagaling lang namin sa doktor nito.

Sinumpong si Mikmik nagpa karga.

Recent Comments