Archive for the ‘Spring’ Category

My super active twins

Super ingay ng babies ko sumisigaw, siguro nag uusap din sila. LOL

Bro. naughty tayo kay mommy, di natin sya patutulugin ha!

Kasalanan ko ‘to, kaya nasanay sila, haaay…
ayaw na ng kambal matulog sa crib nila gusto lagi sa bouncing cradle. Sakit ang braso ko sa kakayugyog at higit sa lahat nakaka sekse pala kapag kambal anak mo, eka nga buto’t balat baka hahabulin na ako ng aso nito.

Pinilit ko talaga na matulog uli sila sa crib, umiiyak ang dalawa, hinayaan ko. Umiyak talaga ng to da max, iyak na halos di na huminga waaahhh… tigas ng ulo ayaw huminto sa kakaiyak. At yon pag tingin ko ang laki ng luha at naliligo sa pawis sa kakaiyak.

Resulta. Ako yong umiyak dahil sa sobrang awa. Kaya pramis ko sa kanila- di ko na kayo papaiyakin pa anak ko, tatanggapin ni mommy na talo siya, babies ko ang masusunod.

Yugyog…yugyog…lahat ng kanta na alam ko nauubos ko na sa kakanta. Sus ginoo.

Bahay namin parang dinaanan ng bagyo.

Eto naman ang bago, ayaw na nila ng pacifier dahil thumb sucking na. Kahit anong alis ng kamay, sinisipsip pa rin, sarap nga itali ang kamay nila hehehe… sila na naman ang nasusunod sige na thumb suck na nga.

Kapag gising naman gusto nila e entertain ko sila, kaya sori haus di kita malilinis ng maayos.

  • 5 Comments
  • Filed under: Spring
  • Hindi sa kaartehan

    Lahat ng gamit ng kambal ay arrange na arrange ko ang kulay magka parehas sila kagaya ng mga damit parehas sila ng kulay pwera sa mga regalo na natatanggap nila.

    Iisa lang ang ibig sabihin dahil pantay ang pagmamahal ko sa kanila. Feeling ko kase kapag magka iba sila ng gamit parang di pantay ang pag care ko sa kanila.

    Ewan, kong na getz nyo ako basta ako lang ata ang nakakaintindi sa feeling ko.

    Kagaya nito sa mga bibs ng kambal na pang araw-araw, minsan may gyera kami ni hubby. Nung isang araw natulog ako tas pag gising ko pinapakain pala ni hubby ang babies, susme uminit agad ang ulo ko nang makita ko na magka iba ang kulay na ginamit ng kambal. Bawat kulay may day mark kase yan.

    Kahit isang beses di naranasan ni hubby na mag palit ng damit sa kambal, yoko kase baka di nya e pareha ang kulay ng damit, alam nyo na ang mga lalaki.

    Alam ko tama sya, anong masama kung magkaiba sila ng kulay?! Pero ewan bakit ganito ang feeling ko parang di nga pantay ang pag care kung magka iba sila ng gamit. Strange feeling, ewan. Hindi sa kaartehan.

  • 7 Comments
  • Filed under: Spring
  • piktyur piktyur kahit ano

    Relax talaga ang lola kapag weekend, kaya eto kahit ano nalang ang inaupdate. Love na lova ko talaga piktyuran yong mga paa, tenga, kamay, ulo na panot, ah basta kahit ano nalang as in loaded na ‘tong lappy ko sa mga pics ng kambal. LOL

    Piniktyuran ko ang kamay ng dalawa hawak yong insurance card nila. LOL

    Family Passport!
    May passport na ang kambal pero wala munang bakasyon this year kase maliit pa ang babies tsaka ubos na rin yong days ni hubby for vacation kaya no chance talaga. So, ngayong summer dito lang kami maglilibot sa Luxembourg. Passport ko lang ang naiba jan, tsaka wala akong balak na palitan yan (never) pero dagdagan ko lang, mag aaply muna ako ng dual citizenship. LOL

    Ang tatlong boys ko sa buhay :)


  • 15 Comments
  • Filed under: Spring
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: