Archive for the ‘Spring’ Category

The Way you can help…

Yay! malapit nang mapupuno ‘tong elephant ko.
Tuwing ako’y naglilinis o kaya sa bulsa o wallet na may 1 cent…2 cents..5 cents
iniipon ko yan at inihulog sa elapante ko.


Nung unang dating ko dito sa bahay ng hubby ko - tuwing ako’y naglilinis
andaming mga centavos sa sulok basta kahit saan nakikita ko. Eh, binaliwala lang yon ni hubby-
sayang naman pano maging ONE EURO kapag kulang ng 1 cent diba? Ang ginawa ko iniipon ko yon at
inilagay sa malit kong bag basta ayokong masayang sya na natatapon lang. Porke’t bronze lang yan, may halaga pa rin pag 10 cents na kase kulay dilaw na sya bali yong 1 cent, 2 cents at 5 cents yon lang ang bronze at yon nga ang iniipon ko.

Nang dumalaw yong mom inlaw ko at eksaktong nakita nya yong maliit na bag ko
na sa tingin nya medyo mabigat nga. Natanong nya
aanuhin ko raw yong mga 1 cent, 2 cents at 5 cents - sabi ko,
sayang naman kaseng natatapon lang yan.

Pag dalaw uli ng mom inlaw ko-may dala na syang elepante, shempre tuwang tuwa ako
nun. Hanggang sa napuno sha - pero ang tagal ha, mahigit isang taon ko yon iniipon.
Pero wala pa rin akong idea aanhin ko nga ba! - hangang sa nabasa ko yong “donate africa,
your gift may be large or small”

sa simbahan (Church of God) dito
kami nag sisimba. Dito ko rin naisip yong pinag iipon kong mga cents- makikinabangan din pala,
shempre naman. Ang ginawa ko binalot ko ng transparent plastic at nilagyan ng ribbon.
At dun ko ipinatong sa may donation box grabeh andami
talaga - Shempre di nila alam kanino galing yon. Inisip ko kapag papalitan ko yon sa banko
siguradong di ko na sya ma donate baka sa mall pa ang bagsak nun hehe… Hindi ko naman binibilang basta
estimated amount hindi lalagpas ng 50 euro. Kahit papano nakakatulong na rin yon
sa mga taong nangangailangan dun sa Africa.

Sa isipan ko’y mahirap ang bansang pinas - pero mas may piiinaka mahirap pa sa’tin. Ma swerte
pa rin ang mga naghihirap sa pinas may preskong tubig pa silang mainom,
samantalang sa bandang Africa kahit tubig ulan wala silang maiinom. Talagang nakaka lusaw ng puso.
Tuwing mapanood ko sa tv yong mga ganun para akong temang naiiyak,
ika nga kung ako kaya sa ganung sitwasyon? diba nakakaiyak talaga.

Yang pic sa taas panibagong ipon ko yan, medyo matagal na rin pero di pa sya na pupuno
iniipon ko ‘to last August 2005 tas hanggang ngayon di pa sya puno Kalahati pa lang tas mabigat na. Inilabas ko lang
at pinktyuran.
Pag napuno na ‘to -
eto na yong pangalawang ipapatong ko dun sa donation box mula nang dumating ako dito sa
Luxembourg. Alam ko meron din kayong mga cents jan na nasa sulok - subukan nyong
ipunin nakaka tulong din yan. Yong iba kase pag sentimos binali wala lang isa na hubby ko nyan kaya ako yong taga ipon. Sayang kase diba. Tas pag may naipon na kayo hwag nyong papalitan sa banko dahil siguradong sa shopping mall yan mapupunta hehe…

Everything is precious with not a
moment to waste.

  • 41 Comments
  • Filed under: Spring
  • Kapre…


    Hello everyone. Hope everyone had a wonderful weekend. We are
    having a powerful sunshine at the moment that could knock you out.
    Gusto ko sanang mag payong kaso pinag tawanan ako ni hubby, baka daw mapagkamalan
    akong bahliw hehe… Naka payong lang yong mga tao dito pag umulan, tas pag
    mainit naman naka naked pa nga sila.

    E kwento ko senyo nung unang eksperyans ko dito pag summer. Bumisita kami ni
    hubby dun sa bahay bakasyonan ng parents inlaw ko sa may south of France. Laking gulat
    ko nun, isipin nyo nakikita ko yong nag ba bike na babae’t lalaki naka hubad walang saplot
    hehe… Kala ko nga tutubuan ako ng kulikot o kaya pigsa sa mata. Mga kapre kase yong
    nakikita ko - andami. Pati nga dad inlaw ko nakalabas din yong kapre nya hahaha gusto kong
    tumakbo, pero anong magawa ko ama ko na rin sya. Sa totoo wala silang malisya - pero
    jusko, bago palang ako nun, alam mo pag pinoy. Shempre naninibago talaga ako.
    Isang linggo kaming nag stay dun, kami lang yong may damit kase bisita nga.
    Tas nilibot namin yong buong south of France. Ang masasabi ko uber ganda.
    Parang Switzerland din.
    Tuwing palabas na kami sa compound na yon, shempre may masalubong kaming nakahubad.
    Alam nyo palagi akong naka yuko, ika nga ako yong nahihiya sa sarili nila haha…
    Minsan, talaga aaminin ko senyo ha, nag tataka kase ako kaya
    tinitigan ko na rin yong ibang kapre hahaha. Sobrang kyoryos lang ako sa mga hitsura,
    kase ba naman may iba-iba akong nakikita ha. Kaya natanong ko tuloy kay hubby
    baket at anong nagyari nung ibang kapre na medyo may pagka iba ng hitsura - tas yong
    reaksyon ko sa sagot ni hubby,.ay..
    *Ganun? hindi pala lahat dito na pinoy cut!?* haha…ma swerte pala ako.

    Hay naku nakaka baliw dun, ako yong parang baliw tumatawang mag-isa. Shempre di naman
    ako tumatawa sa harapan ng mga tao, kagat dila nga eh. Alam nyo saan ako tumatawa?
    sa kubeta dun ko inilabas yong umaapoy kong halakhak. Palagi nga akong nanugngubeta dun
    di naman naiihi tumatawa lang sa loob, pati na rin si hubby nadadamay sa reaksyon ko.
    Nakakasakit pala sa tyan pag pinipigalan mo yong halakhak mo hahaha…
    Every year kaming bumibisita dun, sa ngayon medyo nasanay na ako. Pero
    sa kubeta pa rin yong tambayan ko pag tumawa, natatawa kase ako sa mga
    babaeng nag ba biking na walang saplot eh, maganda nga
    sila pero panget pa rin. hahaha..

    Eto pala yong weekend namin, grabeh enjoy kami sa weather. Parang pinas
    nga yong init kahapon eh, pero pinigilan ko pa ring mag payong hehe… Nasa yacht
    ang sarap ng feeling kase mainit na mahangin kaya talagang enjoy kami.

    Yang itik sa taas bigay pala yan sakin, ang kyut nya kaya dinikit ko jan. Ewan baket pink ang kalabsan sa layout na ‘to inisip ko namang gawing pastel.

    Sa mga nag submit ng dreamhaus, grabeh ang gaganda lahat - makikita nyo sa friday.sali na!

  • 41 Comments
  • Filed under: Spring
  • Car or Life?…

    Yay! uminit na dito as in di na ako masyadong nalamigan 25 degrees lang naman at least
    hindi naging below 10.

    Ang saya ng mga tao nag wawalking, nag jojoging sa forest. Mas maraming naglalakad sa
    gubat keysa park.
    Ang linis ng forest dito ang sarap mag walking naamoy mo yong nature
    ika nga presko yong feeling mo. Dati natatakot ako, kala ko may ahas kagaya ng pinas takot
    akong maglalakad sa gubat dahil may sawa nga at abbusayaf - pero dito walang sawa o ahas, ang makikita
    mo ay mga bambi, fox at ibat ibang whistles ng mga ibon.
    Naisip nyo ba pano
    nabubuhay yong mga wild animals tuwing winter? Binibigyan din sila ng pagkain, dried grass.

    Pero habang ika’y nag jojoging tas nung pauwi kana pag pasok mo lang sa sasakyan
    naka totok yong baril sayo at hinihingi yong susi ng sasakyan mo? Ika nga car or life?
    Shempre ibigay mo yong susi at pauwi kang nag jojoging uli, nakakapagod ata anoh?.
    Eto yong narinig kong balita kahapon, isang couple nag jojoging at yon nga ang nangyari
    kinuha yong susi ng sasakyan nila. Nakakatakot - kase dun pa sa lugar na paborito din naming
    pasyalan.

    Tuloy nawala ang trust ko sa mga kaklase kong maiitim (african). Tuwing
    may narinig akong bad news, tulad nga kahapon at noong nakaraang mga buwan
    isang babae hinoldap at dinala sa may gubat, gabi ang pangyayaring yon. Eh, ala namang
    dalang cash yong mga tao dito, shempre ATM at credit card yong kinuha. Hiningi yong
    code number. Para ma sigurado ng holdaper na tama yong code na binigay,
    nilagyan yong panyo ng chloroform tas pinasinghot dun sa biktima.
    Tenisteng yong ATM kong tama nga ba. Hindi naman nila
    pinatay yong babae pero ang haba yata ng tulog nung babae dahil sa chloroform.
    Ang sama anoh? sinong may kagagawan? ganung kulay pa rin (maiitim).
    Bihira lang ako maka rinig ng bad news - kase ba naman mahigit 400,000 lang yong
    population dito, ang liit diba!? Kaya madali ring mahuli yong mga salarin.

    Kasalanan ko bang mawala yong tiwala ko sa mga kaklase kong maitim (african)? Lahat kase ng mga
    kaklase kong maiitim mga refugee sila. Ang swerte nga nila, libre yong school pati books,
    libre ng pamasahe ma train o bus, may ipakita lang silang papel na sila’y refugee nga.
    Tas libre yong pagkain binibigyan pa sila ng pera sa gobyerno, at may sarili silang
    tirahan, bali mga refugees lang yong nakatira dun. Ang swerte diba?. Pinapa-aral
    para matuto ng lenggwahe upang makahanap ng trabaho. Tapos gagawa pa ng masama? o baka
    gawain talaga nila yong ganun sa bansa nila. Tsk tsk.
    Pero alam ko namang hindi lahat
    masasama, kagaya din nating mga pinoy, may masasama din. Tsaka walang lugar yata dito sa mundo na wlang masasama, talagang magkasama ang good at bad.

    :::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
    Kaibigan kong pinay dito, kararating lang nya galing pinas. Yay! di ko inaasahang may
    pasalubong pala akong daing at polvoron. Ang sarap, ang tagal ko ng di nakakain nito. Pero natawa ako
    kala ni hubby pagkain ng doggy kase daw yong amoy parang ganun nga. Hhmft! ang sarap nga
    nito sabi ko. Tas naka kamay pa ako, pinakain ko nga si hubby eh. Sabi ko, pag di mo yan
    kainin - di mo ‘ko mahal - tumikim sya pero iniluwa din at sabay sabi nya, *”patawad di ko talga
    kaya, pinakasalan kita at minahal hindi yong dried fish na yan,”* hehe…
    Kaya
    napilitan syang ubusin yong binigay ko na isang pirasong pinipig polvoron kase pag di nya ubusin, di nya talaga ako mahal.
    Inubos talaga nya na may katabing isang basong tubig hehe.. pinaglaruan ko lang si
    hubby ko. Tanggap nya sa buong buhay nya ang pagka malambing na salbahe, ako.

    Extended pala yong outline coloring, dahil na busy ako tas di pa rin ako nakapag kulay. So next Friday na yong submission. sali na!

    Happy weekend mga kafatid!!!

  • 51 Comments
  • Filed under: Spring
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: