31 May
Hello mga prens, muzta kayong lahat. Medyo busy ang beauty ng lola nyo dito.
Kahapon gala kami ng klos pren kong klasmeyt taga Belgium sya nag dinner kami sa labas. kami kami lang busy si hubby ko at busy din yong asawa nya kaya nag sosolo kami heheh.. *”duet pala”*.
Nangungulit kase kelan
daw kami magbakasyon sa pinas sasama silang mag asawa.
Grabeh sobrang busog , yummy yong
kinain namin “*ham wid salad & fritten*” bilib me ang sarap talaga. Pero hanggang 10 pm
lang kami kase may curfew sya, whew! kelangan 10 pm nasa bahay na sya ang higpit ng
asawa nyang may matres hehhe.. parehas naman silang may matres eh, *”lesbian couple”*.
Kaya pala may curfew kase baka daw iinom sya - uminom nga naman ng kunti 2 glasses of
champagne - ininom ko soda water lang takot akong malasheng uli sa champagne, kahit
one glass umiikot na ang mundo ko nyan. Pag- uwi sinundo ako ni hubby, kase
pano ako maka uwi ala akong sasakyan, di ko kase alam yong lugar ng resto ayokong
nag daddrive tas tumitingin pa kaliwa’t kanan sa paghahanap takot akong mabangga.
Kaya inihatid ako ng hubby ko sa resto na yon. Balik tayo sa pren ko,
sanay daw syang mag drive kahit nakainom - sanay nga! nakauwi pa rin sa kanila.
eto yong mga mukha namin, pasensya na sa mga mukha na yan. 

Tapos kaninang umaga may rendez-vous ako sa Doktor ng mata, cguro inisip nyo dahil sa kaka
blog ko nasisira na ‘tong mata ko. Oo dahil sa pixelling na yan hehe..
Kinausap ako ng Doktor anong problema sa mata ko - sagot ko pag nakaharap ako ng puter
naiiyak ako hehe.. tumutulo kase yong luha ko. Natawa yong doktor. Ininpeksyon yong
mga mata ko. Sabi nya, walang problema sa mata mo “*everything is clear your retina & cornea*”
tsaka pinabasa sakin yong mga alphabet - nabasa ko naman lahat. Pero nangungulit pa rin
ako. *Dok gusto ko yong mata ko hindi sya luluha pag nakaharap sa puter lalo na pag nag
pixelling ako* hehe.. aba natawa sya! sabi nya kaya daw luluha yong mata ko dahil nalimutan
ko na raw kumurap hehe.. totoo nga sya! Kaya payo ni Dok hwag
daw sobrang pagurin ang mata hehe..niloko na naman ako ni hubby. Hay naku yon lang ang
payo ni Dok *hwag pagurin ang mata* nagbayad agad ako ng 50 euro ang mahal ng laway nya
anoh? Pero oks lang 80 percent binabalik naman ng insurance.
Yong mga nag submit ng pixels, gash! ang gaganda ng mga resulta tiyak magugulat kayo
makikita nyo sa byernes i popost ko lahat.
Bye muna guys after ng hoping ko
mag kukulay ako ng outlines para sa premyo nyo hehe.. pixels din pala ang premyo.
To Pamz tenkyo sa certificate hehe happy me!
Love you all…mwaahh
29 May
Ang laki ng mata ni dinky ko, hehe…
Hello senyong lahat psensya na talaga ngayon lang ako naka update medyo busy eh.
Pag weekend kase kumakati ‘tong paa ng hubby ko kelangan labas talaga kami. Kahit
nga umulan dito, hala sige pa rin.
May rendez-vous ako kanina 9:45 tapos yong alarm clock ko 6:00 am kaya pinatay ko muna
yong alarm. Kunting hiling 5 mins lang saka ako tatayo. Pero alam nyo yong 5 mins.
naka tulog pala ako - nagising ako 8:30 na. Mag drive pa ako ng 1hr. 50 km yong layo
ng pupuntahan ko.
Hala parang kenkoy yong kilos ko - agad sa banyo
naliligo, jusko yon na yong pinaka express shower ko. Tapos 20 mins. nakaharap sa cabinet
nag iisip anong dapat isuot. Lumabas ng bahay di nakapag suklay - inisip na may suklay ako sa
sasakyan. Nag mamaneho basa yong buhok at heater to the max yong sasakyan lamig eh.
Eksakto yong dating ko. Bago lumabas ng sasakyan nag lipstick konti at perfume
at hinanap yong suklay. Aba wala - walang suklay. Nilinis ko pala yong sasakyan last week
tas lahat ng abobot ko kinuha at ipinasok sa loob ng bahay.
Ayon kinamay ko nalang buhok ko. Ngayon medyo napagod ako sa sobrang speedy kaninang
umaga. hay buhay parang bato its too hard. (sabi ni fafi KD).
::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
Eto na yong inaabangan nyong resulta sa pa kontes ko hehe…
Both your pixels are lovely, kaya
nga medyo nahirapan ako ng kunti. Pero kelangan ako pa rin ang mag decide kong sino
talaga ang dapat manalo diba?.
Sa mga hindi nanalo shempre may matanggap pa rin kayo.
Tungkol dun sa Polls hehehe.. oks lang kong ano yong mga ginagawa nyo basta ang importante
masaya tayong lahat dito sa blogworld diba?.
May ginawa akong special award sa most popular pixels-pero isa lang yong pinili ko.
Guys, katuwaan lang natin ‘to diba? kung sa tingin nyo baket di nanalo pixel nyo
sori po kong may mali sa desisyon ko. Basta kelangan praktis tayong lahat mag pixelling
at coloring para lahat tayo marunong diba.
So, tingnan nyo BEST ARTIST sino ang mga nanalo.
tsaka may kunting comments ako dito basahin nyo na rin. Sana puhliss… hwag kayong mgagalit sakin ha!
Labyo guys!!!
Sa mga huli na talaga nag submit, sori talaga! Pero may matanggap pa rin kayo.
Game uli tayo ha,
Eto pala yong new outline ko at kukulayan natin, shempre may premyo sa sinong pinaka magandang resulta. Surpresa yong premyo ha!
::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
Why it is important to learn English when
you live in the United States? ang sagot…….gets nyo?!
Happy Monday guys!
26 May
Edited: Guys, may mga late nag submit ng pixel tsaka may dahilan naman baket sila late. So ang Polls ngayon 2nd batch na yan, yong first batch shempre ni record ko yong mga points.
TGIF “*Thanks God its friday*” at sana naman may sunshine kami para masaya ang weekend.
Isang linggo na pala ‘tong weather namin na ulan-init at pag gabi naman frozen sa lamig.
Haay naku, balik heater na naman kami.
Kahapon, holiday pero sobrang panget talaga ng panahon walang init-malamiiig brrr…
Oh, haring araw nasaan kana. 
Kaya sa bahay lang kami kahapon - na kong ano-ano nalang yong
pinagka abalahan namin ni hubby. Lumabas lang kami dahil may binili tas balik agad.
Kaya nag babad na naman ako kahapon sa puter ko, inaayos ko yong hosting site ko. Abangan
nyo malapit ng matapos, di ko muna ipalam senyo ang domain name baka makita nyo hehe..
Salamat sa lahat ng sumali sa Best Artist Award nahirapan akong mag judge. Lahat
kase maganda, guys tulungan nyo ko, iboto nyo yong pinaka best sa paningin nyo.
Sa
lahat ng sumali paki kuha ng button na ginawa ko. Idikit nyo yan sa site nyo para
makita ng iba at malamang iboto pa kayo diba.
Paki click ng button “*best artist*” at kopyahin ng maayos
yong code.
===================================
Honga pala nanalo ako sa pa contest ni Sherica, tenk you sa bumoto sakin - eto pala award ko, ang ganda talaga ng award na ‘to inlab na inlab ako sa kulay. Tenk you sissi.
![]()
===================================
Inutusan ako ni Idealpinkrose, gawin ko raw ‘to.
instructions: name 10 of life as simple pleasures that you like the most,
then pick 10 people to do the same. try to be original and creative,
and not to use things someone else has already used.
1-Shempre pag narinig ko ang “*i love you*” everyday.
2-Yong biruan namin ni hubby at parehas kaming natutuwad sa tawa.
3-Yong kahit kasalanan ko inaamin ni hubby.
4-Pag tinatanong ako anong gusto kong kainin para lutuin nya.
5-Weekend dahil kasama ko si hubby kahit saan.
6-Pag nag walking kaming tatlo, “*doggy yong pangatlo.*”
7-Bakasyon sa peborit kong lugar “*Switzerland & Austria*”
8-Phone call ni hubby pag nasa work sya.
9-Yong kaming dalawa ni hubby mag lilinis ng bahay.
10-Phone call ng parents inlaw ko.
Sa wakas tapos na ang assignment na ‘to. Ngayon kayo naman guys
Sonia ~
Ghie, ~ Amy, ~ Babette, ~ Chikai, ~
Laine, ~ Nyurnie, ~ Janiine.
===================================
May new graphics pala ako tingnan nyo baka gusto nyo.
Happy Weekend guys, labyo all…!
Recent Comments