Archive for the ‘Spring’ Category

sandal o shoes…

Paalala ang post na eto ay may konting kahabaan, psensya na ha. Dahil tamad din akong mag basa sa mga mahahabang post hehe… ayan inaamin ko talaga. Kaya naiintindihan ko rin kayo, na minsan yong comments off topic hehehe…

Mahilig ako sa sandals at bags, actually, hindi ako nakakalabas pag wala akong bitbit na bag
kaya kelangan yong sandals ko bagay yong kulay sa bag.
ika nga, mahilig sa fashion as long as its looks good to me naman noh.
Hindi ako maarte at ayaw ko rin sa mga maaarte, simpleng ka kikayan lang ang type ko.

Nasa europe ako kaya summer lang talaga maka pagsandal
at flip flop. Sasabihin ko nalang senyo dalawa lang boots ko, pramis! pang winter lang hehe…
kong kaya ko lang talaga ang lamig dito, aba, bakit mag boots pa ako.
May bad experienced din ako sa boots, na slide ako! kahit may spikes pa nga.
buti kong snow
ang binagsakan ko. Eh, snow naging ice kaya masakhet talaga yong butt ko.

Pag sobrang snowy at icy roads, yon ginagamit ko, kaya mukhang new pa rin hetong boots ko.
mas gustuhin ko yong simpleng sapatos na katulad nito,at eto pa klaro[ psensya na kayo, gutom lang tong alaga ko.]

ikwento ko na rin yong karanasan ko sa sandal.
Dati nung studyante blues pa ako, shempre kinukupit ko yong extra sa tution fees,
bali sinusubrahan ko yong paghinge kay mama, vibes kami ni mama kaya nagbigay agad yon hindi na
nagtatanong bakit medyo malaki yong tution fee ko.
[hwag nyong sabihin dihins kayo nangungupit, gawaing estudyante yan] lols.
ginagawa ko yon minsan lang naman hehe… Ang sama ko talaga anoh! Patawad sa parents ko hehe…
Tapos yong na kupit ko, ipambili ko yon ng mga pang kikay na abobot. At shempre hindi ko
talaga malimutang bumili ng sandal kahit sa bangketa lang may tawad pa diba,
at least nakisabay na rin sa uso hehe..

May summer class ako nun, naka sandal ako lagi. Aba nung uwian na, nakaabang ng jeepney.
Pipili pa ako ng jeepney yong hindi puno, kase alam nyo na, Kapag puno ng pasahero yong jeepney sa unahan ka
talaga uupo sa may likuran ng driver, at ikaw pa yong gawing konduktor *[taga abot ng bayad]* na minsan nahuhulogan ka pa ng nangangating balakubak
ni mamang driver. At pag swertehin ka talaga may power sa kilili yong iba.

Pero yon, hindi lang ako ang namimili ng jeepney ibang estudyante din. kaya yon akyatan na
kaming lahat, *[hindi sa puno ha]*. Aba pag hakbang ko pa’y naiwan yong kaliwang sandal ko, kase ba naman, inapakan nung
mamang estudyante, jusko as in sira talaga. Inabot pa sa’kin. As in hiyang hiya ako noh,
gusto kong umiyak an sarap bigyan ng sipang kabayo yong umapak, lahat pa naman nakatingin sa’kin.
wala akong magawa, kaya patagilid na rin akong umupo, yong paningin ko sa labas
habang tumatakbo yong jeep. Napansin ko nalang may ningunguya pala akong
chewing gum kaya iniisip kona anong dapat gawin 2 rides pa naman ako nun, bali yong
pangalawang rides ko motorela o trisikad na.
Tsaka ala akong paki, kong alam din nila yong balak kong gawin, basta sinigurado ko lang
yong chewing gum na hindi na matamis para didikit sya.
Imagine pag baba ko ha, ayaw pa rin humiwalay yong mga mata nila, bitbit ko yong
kaliwang sandal na sira pero bagong bili yon, sa may bangketa nga.

Kaya yon, dinikit ko talaga yong chewing gum. Tapos sinuot ko na yong sandal ha, padahan-dahan talaga akong naglalakad patungo sa hintayan ng mga motorela at trisikad.
Mukhang napilayan talaga. Pero alam nyo ba, umabot lang
ng tatlong hakbang sira na naman. Hindi umepek yong chewing gum. Haay.. lalo akong napahiya
kaseh kala nung nakatingin sa’kin talagang napilayan ako, yon pala’y sira yong sandal ko.
Karma ko na yata yon sa pangungupit kay papa at mama anoh? kaya, talagang binitbit ko nalang noh.
Walang pag-asa, kasi di naman pedeng talian strappy style sya hindi yong tsinelas type. Sumakay ako ng
trisikad, at least ako lang ang pasahero at si mamang trisikad lang ang nakatingin na isang
paa lang yong suot ko na sandal lols.

Dobleng parusa, ayaw pa naman akong ihatid sa tinutuluyan ko kase bawal daw pumasok yong
mga trisikad kaya nilalakad ko pa talaga. Grabeh, sobra talaga yong karma na yon hehe…
Pagdating ko, nawala yong gutom at umiyak muna ako bago kumain at umabsent sa afternoon class ko, kasi
yong parang nalilito utak ko epekto yata sa sobrang hiya anoh? hehehe… kayo kaya nun cguradong lalagnatin din kayo. lols.

Ano kaya kong sa jeepneyng yon, sumakay din yong crush ko haha…

  • 35 Comments
  • Filed under: Spring
  • Miz ko lang ang sis ko…

    May mga pangarap na kay daling abutin, meron din namang mahirap. Pero alam nyo ba mas mainam pala kung
    ang Dios ang syang gagawa …
    Pero bakit naman ugali ko’y ganito,
    always in a hurry. totoo! I can easily be very impatient, and, when I want something, I usually want it now.
    But i’ve had to learn that God doesn’t function that way.

    Kaya naalala ko yong kabataan ko, Kapag ipangako ng magulang ko na isama ako
    sa lakad nila o kaya’y bibilhin yong gusto ko. *Kapag pangako’y napapako,* iiyakan ko
    yan buong linggo.
    Yes, its true im the most stubborn person on this earth. I always heard that from
    my parents when im a kid, at hanggang ngayon kay hubby ko na naman naririnig. May pagka spoiled konti, but i tell you im really mabait naman.
    Love my own ba? pagbigyan nyo na, ngayon lang ‘to!

    Balik tayo sa pangarap… kay raming naabot na mga pangarap ko sa buhay.
    Pangarap ko at pangarap din ng panginoon para sa’kin. Eto ako ngayon, masaya
    at patuloy pa ring nangarap. At sana sa lahat ng inaasam-asam kong mga pangarap
    patuloy pa rin ang mga biyaya.
    Siya, *[in my old post]* isa sa mga pinangarap ko, na sana hindi na tuluyang maglaho ang lahat.
    I know, only God knows the best timing for answering my many prayers… His love doesn’t include the obligation to hurry.

    Kaya lubos ang paniniwala ko’y makasama ko syang muli. Mahal kong kapatid.

    Success in any endeavor depends on the degree to which it is
    an expression of your true self. ~Ralp M~

    Psensya na rin kayo sa music ko, miz ko lang kaseh ang li’l sis ko eh, pero nasa Dubai sya ngayon.
    Congrats pala kay Chikai graduate na sya ng college! wahoo..
    Go gurl!!! Dra. na jud ka hehe…

  • 36 Comments
  • Filed under: Spring
  • Pasan ko ang mundo…

    Ang bilis ng araw, weekend na naman.
    Tapos sa lunes may pasok na ako, 2 weeks na vacation walang ibang ginawa pa gala gala lang.
    Kami ng kamasa ko, eto sya
    naka front seat palagi yan, ayaw umupo sa likuran at eto pa..
    Ilang days pinag bigyan kami ni haring araw hanggang ngayon, feeling summer nga eh. Pero malamig pa talaga.

    Eto ako ngayon naka simangot, parusa na yata ‘to. Haay andami talaga! Uunahin ko muna ang pagbablog lol.
    Madali lang maglaba ilagay mo lang sa makina at paglabas tuyo na.

    Pero ang pag paplancha ang pinaka ayoko na trabaho, kakapagod talaga. Pero wala akong
    magawa, uumpisahan ko ‘to mamya.
    Jusko, andaming gawain sa loob ng bahay ngayon, mag vacuum, mag mop sa floor,
    buti nalang hindi na ako maghuhugas ng pinggan isa pa rin ‘tong trabaho na ayoko.
    Salamat kay dish washer “machine”, malaking tulong ka para sa tulad kong masipag mag blog.
    Wala naman akong problema sa pagluluto, hindi ko yan trabaho may chief cook ako…si hubby.
    Sa totoo mas masarap talaga ang lutong pinoy, grabeh sobrang miz kona.
    Pero alam nyo ba pag gutom kana lahat masarap diba, kaya kahit anong lutuin
    ni chief, pag ako’y gutom lahat yummy. Kaya eto ako buto’t balat, kulang sa
    sustansyang pagkaing pinoy.

    Mga guys, pasan ko ang mundo ngayon andaming gawain maging forest na rin ang garden
    ni churchill.

    May new update pala ako sa pixels for layout click here may mga pixelled characters
    from sanrio, like hello pretty(kitty), baby cinnamon, little twin stars at dinagdagan ko yong sticky.
    aaminin ko, isa rin ‘tong pinagka busyhan ko. Pixelling.
    Maglilinis muna akowhuhu… Happy weekend snyong lahat!

  • 38 Comments
  • Filed under: Spring
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: