31 Aug
Kanina schedule ng kambal para e check uli ang mata nila. Unang checked nila nung last week ng July at sabi ng eye doktor kelangan every three months ang check up, kase posibleng mag glasses ang kambal. At kanina 2nd time check up.
Eto si bebe Marc -
Sa unang checked up at ngayon ay parehas lang ang resulta, hindi tumaas yong nakitang deperensya dati.
Eto si bebe Mike -
Ang kay Mik naman tumaas yong deperensya pero hindi pa nya kelangan ang glasses. Thanks God. Ayokong mag glasses sila sa ganitong edad.
Kanina bago kami nag drive papuntang doktor nilagyan ko muna ng Augentropfen ang mata nila para diretso agad ang check up. Ganito pala pag sa mga bata may ilagay na eye drops para pag tinitignan ng doktor yong eyes nila hindi naka sarado ang eye´s lens. Hindi nahihirapan ang doktor kase mahilig ng lights ang mga ganitong edad kaya naka titig talaga sila sa light.
26 Jun
Ang dalawang cuties ko.
Ang hirap patulugin sa tanghali super duper active.
Eto afternoon nap, kala ko natutulog yon pala sinisira yong wall paper tas nag tatawanan, coolitan grabeh as in best buddy talaga silang dalawa. Ang liliit ng mga kamay pero ewan bakit nasira pa nila yang wall paper na yan, pati nga laptop ko nawawala na yong ibang letra sinira din.
Nag lalaro lang yan sila at minsan nag rewrestling ang mga yan. Lagi silang nag uusap ika nga silang dalawa lang nakakaintindi sa mga salita nila, kakatuwang tignan, lagi akong natawa tuwing pinagmasdan ko silang dalawa. Saka lang yan sila mag reklamo pag gutom na, sabay sabi “nam-nam” at pag nauuhaw naman sasabihin sayo “tea tea”. lol
At dahil super likot ang mga cuties, bumili ng baby helmet ang daddy nila para iwas bukol hehehe ang problema ayaw naman suotin shempre disturbo sa ulo nila. Tuwing pinapasuot ko sila sa helmet, sinasabi ko agad na hwag tanggalin at shempre nakakintindi kaya di naman tinatanggal pero yon nga super iyak dahil nagagalit sakin haha.. eto yong hitsura ni MikMik kapag sinabi kong hwag tanggalin haha.. parang nag makaawa sa mommy at sabay sabi sakin “naughty Du” ibig sabihin ng “DU” ikaw (German), binabaligtad pa, ako daw ang naughty, ganyan lagi nyang sasabihin kapag binabawalan mo sya, sisigaw yan ng “naughty du”. lols
23 Jun
Smart preemie twins.
Exactly 1 year and 3 months old.
They love to read. They are both becoming great readers.
Nakakaintindi kapag kinausap ko, sumasagot kapag tinatawag pangalan nila, pero ang sagot ay..HA?!
Marami nang alam na salita at pinaka talkative is bebe Marc pero parehong makukulit at dangerous babies dahil kahit saan pumupunta akyat dito akyat doon, iniexplore buong bahay namin.. kung pwede lang matagal ko na hinahang bahay namin.
Parehong matalino kapag tinanong mo saan ang “lights” pino point nila, saan ang banana at apple punta agad sa mesa kase alam nila yong mga prutas nilalagay ko sa mesa. :) Kapag nag ring ang telephone sila na mismo ang kukuha at mag aagawan dahil ang alam nila ang daddy nasa linya. Kahit nasa work ang daddy kinakausap nya ang kambal. lols
Minsan naisip ko, nung super liit pa nila, naimagine nyo ba 6 months and 2 weeks lumabas na. kapag naisip ko yong time na yon basta bigla nalang tumulo ang luha ko. At ngayon malalaki na sila, at super talino pa. I’m not bragging.. I’m sooo proud lang talaga. Thanks God!
Eto parehong nagbabasa habang nag poo.. lols
Recent Comments