1 Sep
Hello senyong lahat muzta na mga prens.
Gumanda ang panahon dito lumabas si mr. sunshine mula kahapon, sana aabot ng one week na ganito sa labas plis.

Kahapon lumabas ako at eto yong nakita ko, flower babies na puzzle.

Kala ko 100 puzzle lang, kase yon
ang nakita ko eh, bah! pagdating sa bahay 1000 pala, ngeeh pano ko kaya ‘to matatapos. nakiusap ako kay
huby na, help me naman nito. Sinagot ba naman ako, binigyan ko raw ng problema ulo ko, pero nag pramis
sya tutulungan daw ako kapag nasa mood sya, waaahhh! Buong mesa namin sa sala niladlad ko ‘to isa-isa
ang hirap pala nito, malapit na akong sumuko wala pa akong na porma. Ina asam-asam ko ‘tong matapos
kase ang kyut nya pink eh, sana matatapos ko ‘to bago mag 2007 hehe…
Pinalitan ko pala header ko pansamatala lang ‘to, love ko si charmy kitty kaya ibalik ko yon.
O cge guys hanggang dito muna,
medyo busy ako sa kaka porma sa puzzle talagang
kayod na ‘to hehehe..
At pasensya na kayo sa walang kwentang post ko.
Maraming salamat sa lahat ng bumibisita dito sa site ko, happy weekend senyong lahat.
bloghop muna si lola. Labyo all !!!
30 Aug
Muzta na kayo!
Lumabas ako kanina grabeh ang lamiiig, mukhang tapos na ata ang summer dito. Sandali
lang talaga yong summer tas ang haba haba ng winter. Reklamador ako kapag tag lamig na,
pero sa tag-init di masyado.
Tanong ko lang baket kaya naka tihaya ‘tong isang fishda ko? Mahigit isang buwan na syang ganito.


May sakit kaya ‘to? Nung una kala ko sobrang busog lang, kase minsan kapag nadamihan ng pag pakain
halos silang lahat naka tihayang buhay hehe…Pero sa lahat isa lang ‘tong baligtad, nilagyan ko ng
gamot tas andami pang trabaho noh, putol putol yong mga kuko ko sa kaka linis. Pero ok lang at least
malusog sila.
At yon nga, anong nagyari sa isang ‘to baligtad sya. Aktibo naman, kumakain at malinis yong hitsura
i mean walang gasgas o puntik puntik na puti sa katawan. Ilang beses ko na yatang ginamot pero,
haay baligtad pa rin baket kaya?!
Matagal na rin ‘tong mga fishda ko mahigit tatlong taon na pero sa paningin ko di lumalaki. Isang
klaseng golfish lang yong pede nang e fry eto sya, yan lang yong malaki sa lahat.

Sa umpisa sampo yan sila tas yong iba na deadbol. Minsan kase di ko alam pina pakain
ni hubby eh pina pakain ko rin, nasobrahan sa pag pakain kaya ang resulta bumaligtad, patay!
Kaya apat nalang ang natira kasama yong dalawang janitor anim lahat.
O cge guys blog hop muna ako. At maraming salamat sa lahat ng bumisita sa site ko. Labyo all!
28 Aug

Anong ginagawa nyo kapag kayo’y nag da drive?
Ngeek! shempre kelangan aktibo yong dalawang paa mo, pwera sa automatic na sasakyan
isang paa lang ang kelangan.
At higit sa lahat konsentrasyon sa pag mamaneho. Kahit makipag daldalan kapa sa katabi mo,
basta concentrate kalang lols. Ganun ako super daldal ng kahit ano habang nag mamaneho.
At shempre nakikinig ng musik, yong station na pinakiggan ko ay may
mga panawagan din.
Ganito yong unang panawagan;
Isang pusa nag run away kulay puti, kung sino ang naka kita paki tawag sa number na’to ….at pag-aari
ni blah blah. At sabay sabi ko kay hubby na, kawawa naman yong pusa sana makita nila.
Pangalawang panawagan ay ganito;
Isang ibon nag fly away, kung sino ang naka kita paki tawag sa number na’to ….at pag-aari
ni blah blah.
Habang narinig ko ang panawagan na yon,
sinabayan ko naman ng pagka lakas lakas na halakhak. At biglang nag red light kaya todo
brake naman ako at huminto. Nagtaka si hubby anong
nakakatawa sa panawagan na yon, kaya habang naka red pa yong traffic lights, nagpaliwanag ang lola sa
pelosopo na pag-iisip ko. Diba, malaya na yong ibon siguro umabot na yon sa Afrika…na getz nyo
baket ako tumawa? kakaiba kase yong panawagan na yon, at nag talo pa kami ni hubby kase sabi nya not funny daw.
Narinig
ko nalang yong pagka lakas lakas na mga bosena sa likuran ko, eh pano naka green light na pala. ‘tong si lola
nabigla dahil sa kadadaldal at mabilis din ang kanang paa ko. Oops… biglang namatay yong makina, waahhh
nasa 2nd gear pala, kaya pano tatakbo ang sasakyan, eh manual car yong dina drive ko.
Sa totoo lang ha, nag panic ang lola nyo dahilan sa nakaka bingeng poot-pootan sa likuran ko.
gash! ako yong pinagtatawanan ni hubby as in lakas pa ng tawa nya,
tinanong ko sya anong nakakatawa nun? sabi nya natawa daw sya sa napapala ng isang daldalera.
Sa totoo lang nanginginig yong buong kalamnan ko noh, kase nga baket ayaw tumakbo nung sasakyan,
jusko kapag natataranta ka pala nawawala lahat ng konsentrasyon mo, yan ang napala ko
nung sabado.
May kunting updates pala ako sa adoptables, paki view nalang kahit di nyo gusto.
Eto oh, sweet dollies at Beary cute.
Have a great week to all.
Recent Comments