Archive for the ‘Summer’ Category

apple tree…

Hello mga kaibigan, muzta na kayo…ako naman dito ok pa sa alright! Thanks God!
Nakabili ako ng manggang hilaw kahapon, ngeek nang binalatan ko kanina. Ay! hinog na sya. Ang panget, pero
ok lang matamis naman. Bihira lang kase dito maka bili ng manggang hilaw. Sana kinain ko nalang to
kahapon, tsk tsk..

Naalala ko nung h-school pa ako, tuwing recess tym lumalabas kami sa campus. kase dun yong nag titinda ng
manggang hilaw na may toyomansi, o kaya manibalang na papaya wid suka na maanghang o kaya yong
singkamas wid suka din na maanghang at higit sa lahat yong pritong mani na maanghang. aww..ang sarap
sarap talaga nun. Sobrang takaw ko sa pritong mani na maanghang, pati balat nilalamun.
Dahil hinog yong mangga nilagay ko sa ref. ipakain ko yon kay hubby mamya.
Hhhmm.. nag iisip at sinilip ko yong garden namin sa likod ng bahay. Pinagmasdan yong apple tree. At yon, inakyat ko, pusa ko ata ang taga salo hehe..

Whew! eto ang napag tripan ko, green apple hini-hiwa ko yan at sinawsaw sa toyomansi.
O di heaven ang feeling ko hehehe…iniimagine ko nalang na manggang hilaw ‘to. Eh, maasim naman kase
green apple nga. O cge kain lang kayo, masarap sya! mamimitas pa ako.
Teka lang, indi ako buntit ha! Minsan kase na mimiz ko yong mga ganitong klaseng pagkain. O may pinas!

Kagabi nasa computer room ako, si hubby naman sa baba nanood ng tv mag-isa. Biglang umakyat at kinausap
ako ng ganito. *mahal - grabe naman sa pinas yong mga bata nasa kulungan, blah bah…* Katanungan mula sa asawa
mong puti, anong feeling mo? shempre nahihiya ako. Ewan ko senyo, basta magkaiba naman tayo ng pakiramdam diba?!
Tas yon tinanong ko sya, san nya nakita. Sagot nya sa German channel info. Alam ko matagal ko na rin yang
napanood sa CNN, kakahiya nga ng bansa natin subalit proud pinay pa rin ako.

Baket naman kase nag siksikan sa Manila, anak pa ng anak.
Napakalawak sa Mindanao, kahit bahay kubo lang meron ka, may makakain naman araw araw.
Ang pagka alam ko sa Manila, kapag wala kang trabaho, wala ka talagang makakain. Alangan mag tatanim ka ng camote sa harapan ng mga malls?! Sa Mindanao, andun ba talaga si Abbu-sayad?!
Haay naku, pango din yon - kaya di kayo aanuhin nun.
Tamad nyo lang mag araro. Lahing Juan tamad nga tayo.
Happy hump day and labyo all…

  • 43 Comments
  • Filed under: Summer
  • Happy Monday!

    Since i’ve had a new job [blogging], my hubby has been doing the dog walking.
    Walk the dog is highly recommended by veterinarians.
    Pero kapag umatake si KATAMaran ko.
    Hinahayaan ko nalang si churchill sa garden namin mag walking.
    Hubby said, *exercise is good for you and your dog.* Alam ko!
    Pero may araw na, tinatamad ako. Pati nga sa pag bablog natamad din ako.

    Yesterday was nice and had a long walk in the forest. It smelled wonderful, seeing the birds and chipmunks is quite enjoyable. isn’t it?! Mawala talaga yong stress mo.
    Enjoy na enjoy si doggy and im sure
    i’ll be the greatest hero in his life hehe…

    Oh, boy! I was wearing a jacket so it was not that hot, but at the end it could be a popsicle …
    pinag pawisan na eh!
    Yon lang ang weekend namin. Psensya na sa post ko, halatang wala sa mood. Maya na ako mag hoping pramis!
    Labyo all…

    [edit//]

    Sayang ang peborit ko na si Floyd Landis, parang naniniwala ako sa scandal laban sa kanya tsk tsk…

  • 38 Comments
  • Filed under: Summer
  • pcko!

    Muzta mga kaibigan ko!
    Pumapatak na mga butil ng ulan mula sa langit, haay… ang sarap matulog ng mahimbing.
    Pero teka lang, uunahin ko muna ang pag bablog kakatapos ko lang mananghalian, eh hapon na pala.

    Ang bilis talaga ng panahon ano po! Weekend na naman, pero uulanin ata kami sa linggong ‘to, hhmm
    di kami maka gala sana may sunshine bukas.

    Kanina bago bumalik si hubby sa work nya, medyo iniba ko muna yong mood ko. Yong tipong galit
    na parang naiinis. Kinokonek ko kase tong laptop sa pc, eh ang lalim ng instruction
    di kaya ng powers ko. German kase tong windows ko.
    Eh, tuwing may problema ako sa puter, at pag sinabi ko kay hubby na…help me naman - wid
    lambing pa yan ha.
    Tas ganito lang yong isagot nya, ok 1 minute tas yong 1 minute
    maging one hour at maging bukas pa. O kaya sagutin ako ng, ok later!

    Kaya naisip ko kanina ibahin ko muna ang lagay ng aking kalooban, para di ako sagutin ng 1 minute.
    Ayon, diretso tinulungan ako, siguro naisip nya na baka tuluyang umandar ang buhawi sa ulo ko.

    Habang kinakalikot nya yong instruction, tinanong ako, kung oks lang ba sakin ‘tong hitsura ng
    pc ko,. Pina upo ko muna si churchill at pinktyuran para makita nyo gaano ka messy.

    Ang gulo daw, hehehe.. bat andaming papel sa gilid. Sagot ko naman, ooppss..importante yan.
    Aba! kinukulit pa ako, alin daw yong mas madali at safety, sa lotus o ganito yong nakadikit
    lang sa gilid. Ah basta! para sakin mas madaling hanapin yong ganito, hehe. Alam nyo ba
    anong nakasulat nyan, mga password yan lahat - nakikita nyo ba?! Andami dahil sa mga subdomains ko rin.

    Kaya buti nalang pinaalala ako ni hubby, e transfer ko ‘tong lahat mamya sa lotus. Ganito din ba
    desktop nyo hehe…kakahiya ko talaga noh.

    Pero at least tinulungan akong mag konek kanina ni hubby,
    Di ako sanay mag pixelling sa laptop, kaya eto alang magawa ang lola nyo.
    Happy weekend senyong lahat! God Bless…

  • 48 Comments
  • Filed under: Summer
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: