Archive for the ‘Summer’ Category

ang palatawa na kambal

Eto yong big smile ni bebe Marc!
Ayan nakita nyo medyo klaro na yong ipin nya may dalawang tumubo at si bebe Mike naman wala pa pero medyo namaga na rin yong gums nya.

Ganito kapag nilalaro mo sila nag eecho ang buong bahay sa mga tawa nila, kakatuwa grabeh. Sabi ng grandma at grandpa nila, super palatawa daw ang kambal since one month pa sila nun talagang madali mo silang ma pasmile.

Identical talaga. Nakakatuwa minsan dahil mapagmasdan mo talaga na magka parehas sila ng action basta daming movement na talagang masasabi mo na… ganito pala kapag identical twins. Ewan ko sa dalawang ‘to laging nakalabas yong dila at nag lalaway, mga ilang minuto basang basa yang damit nila sa laway. LOL
sabi ng dalawa bleehhh…

  • 15 Comments
  • Filed under: Daily Post, Summer
  • mag-ina

    Si hubby ayaw nya na ikarga sa shopping cart ang babies kapag nag grocery kami, gusto nya nasa stroller sila kase safety daw. Pero na kumbinse ko sya nung Sabado na subukan lang namin kaya tig isa kami ng shopping cart. Pero ayaw na nyang maulit uli subok lang daw yon. Karamihan naman dito nilalagay yong babies nila sa shopping cart pero si hubby ayaw talaga nya. Strikto!
    Eto yong dalawa nung Sabado.
    Si bebe Mike, gustong gusto nya pero ayaw ng daddy nila.

    Si bebe Marc gustong gusto din nya, sobrang behave nga nila.

    Walang magawa ang mag ina, nakasimangot ang isa si bebe Mike dahil di nya ako masabunutan, at si bebe Marc todo kagat at hila sa buhok ko.

    Nagalit si bebe Marc dito kaya sinubsob mukha nya. LOL

  • 7 Comments
  • Filed under: Summer, daily Post
  • we love nature

    Nabobored lagi ang mga anak ko kapag dito lang kami sa bahay, kaya kelangan mailabas ko sila lagi, kahit sa sasakyan lang kami nag aaksaya ng gasolina at buti nalang ay summer dito. Minsan nakaka sawa kase dito lang kami naglilibot lagi sa neighborhood at isa pa mainit, pinapawisan talaga kili-kili ko sa kakatulak ng twin stroller.

    Ready to drive…
    Dahil summer dito, mainit talga sa labas kaya habang nag aaksaya ng gasolina napadpad kaming tatlo sa lugar na presko yong hangin at naisip ko para maiba naman sa kambal kaya nag nature walking kami.

    As if… the lost twins, pano kaya sila makauwi nasan ang mommy nila.

    As if… The lost mom, nakatulog. lol

    Oh boy, sarap talaga mag lakad-lakad sa nature presko yong hangin at hindi mainit.
    Happy TGIF!!!

  • 9 Comments
  • Filed under: Summer
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: