5 Aug
My preemie twins.
Ngayon ay Aug. 5 at eksaktong 7 months na ang kambal. Pero sabi ng pediatrician dahil nga preemie ang babies ko, kelangan susundin ang kanilang corrected age. Yong developmental milestone nila ay nasa corrected age talaga na 5 months old sa ngayon.
Iniisip ko nga, yong pag labas ng babies ko. 10 weeks early, di naman pedeng mangyari na mag start yong milestone nila after one month. Huh?! You can read my twins miestone HERE.
Yay! End of this month, sabi ng pedia mag start na sila ng solid food, pero fruits muna, antayin nalang daw namin ang signal ni doki kung kelan sila pwede kumain ng meat at vegetables. Excited me!
Si bebe Marc, nasa kulungan nya. LOL

Si bebe Mike, nasa kulungan din nya.

Si bebe Mike, ginaganyan nya lagi ang toy na yan dahil may parang salamin nakikita nya yong sarili nya. LOL

Si bebe Marc, natawa ako dito dahil di nya makuha yong colors yumuko nalang sya
kinain. LOL

More pics HERE.
2 Aug
Pag mamahal ng ina sa anak.
Ganito kami kalambing kelangan pantay silang dalawa. Di ko kase kayang tignan na ang isa ay nag hihintay kung kelan matapos ang isa. Kaya dapat ganito kami lagi. Maimagine nyo ba pano ko gawing mag isa? op kors kayang kaya basta para sa mga anak ko.

Umiyak man sila iisa lang ibig sabihin na bored at kelangan laruin at patawanin di naman sila sanay na kinakarga kaya ganito kami.

Pag mamahal ng isang ina hindi nauubusan ng pasensya, kahit gano pa sa sobrang pagod natatawa pa rin ako sa hitsura ng dalawa. LOL

I love you anak ko! Ang sarap talaga ang maging mommy noh?!

30 Jul
Tuwing pinapalitan ko sila ng pampers, minsan pag open pa lang ayun haba ng fountain, ang resulta basang-basa ang mommy nila, o kaya habang pinupunasan ayun may fountain din parang sinasadya para basain ang mommy. LOL
At eto pa, kala mo utot, yon pala utot na may halong poop at diretsong dumikit sa damit ng mommy. Mapasigaw ka talaga kakagulat eh! LOL

Recent Comments