25 Jul
Ewan, anong nangyari sa lappy ko, kaya eto tinamad mag update.
Gusto ko sanang ayusin ‘tong layout na ‘to, kaso lang nakaka high blood
ang laptop na ‘to. Malapit ko na talagag itapon.
Nagkulay ako sa mga lineart ko, pero eto lang ang natapos ko kase
pinahirapan pa ako pati PSP, instead kelangan ko ang brush, eraser ang lalabas at
yon nabubura lahat. Ewan, baka nagka virus ‘to.

Yong isang site ko, di pa natapos the-princess.us, isip kong tapusin pero pag
naka upo na ako sa harap ng lappy ko, iba ang nasa isip ko mag pixelling at
eto tinupak ang laptop ko ngayon, tuloy walang nagawa.
Mas mabuti siguro, matulog nalang ako ng matulog baka tumaba pa ako.
I heard pag preggy daw sarap kumain, naks bakit ako hindi, nahihirapan ako sa pagkain
ngayon, lahat hindi masarap. Kahit gutom ako, pilit ko pang isubo yong pagkain
para magkalaman lang yong sikmura ko. Hindi naman ako nasusuka basta wala akong
interest sa pagkain ngayon. Pinipilit ko pa yong sarili ko na kumain. Haay!
20 Jul
Nung isang araw sobrang sakit ng ulo ko, ganun ako kapag sobrang nasaktan yong kalooban ko.
Pero ngayon medyo okay na ang pakiramdam ko.
Minsan sa ugali natin, kahit sobrang understanding ka, may mga bagay din na nasasaktan ka o nakakasakit sayo. Sana man lang, kahit anong tingin mo sa isang tao, kelangan talaga natin ang konting respeto para e respeto ka rin.
Siguro kung ako’y isang bastos na pagka tao, dapat hindi ganito ang topic ko ngayon.
okay!
Doggy ko kapag natutulog sya, minsan ganito ang posisyon hehehe oops!
nakita yong botlog. LOL


Happy weekend sa lahat sana may sunshine ang weekend namin dito. Haay!
18 Jul
Galing ako sa OBE kanina, ouch! 8 tubes yong kinahang dugo sakin.
And here’s the result of my first scan, and guess what? It’s twins.
Yup! tama ang nabasa nyo KAMBAL ang dinadala ko. WAHOOO…

Ang bait talaga ni LORD doble yong blessings na binigay samin. Thanks GOD!
Tumawag si hubby kay MIL (mother inlaw) parang local phone lang sila nag uusap
kung tutuusin nasa bakasyon yong parents inlaw ko. Napasigaw din sa tuwa si MIL, kase
yong first apo nya (anak ng sister ni hubby) ay kambal din, tas ngayon samin ni hubby ay
kambal din, as in tuwang tuwa ang buong pamilya ng asawa ko.
Lahi nila ang may kambal (pinsan din nya) at ganun din sa pamilya ko.
Natawa pa ako, kase sabi ni MIL, pinag sasabi na raw nya sa mga kaibigan nya dun, na
maging grandma uli sya at pang siyam na apo, ngayon uulitin daw nyang e announce sa
mga friends nya na pang sampu pala hahaha…
Super excited ni hubby…
Gusto na raw nyang bumili ng damit yong pang uni sex at bibili daw sya ng sticker na “baby on board” at ilagay daw nya sa kanyang kotse hehehe…
Ako naman, shempre excited sila ako pa kaya hehehe…iniisip ko na ang maging hitsura ng
twins room and their things. LOL

Guys, salamat sa dalaw at psensya di ako naka bloghop last time, kaya babawi ako ngayon. LOL
EDIT://
“Sometimes there’s a thing it’s kinda hard to forget.
For me, it’s not easy to scan my past specially of my first pregnancy. Anyone who mention it, I thought of how my heart was broken that time.
Aside, you don’t know ME in real!
There’s a joke can be funny, but there’s a thing in life you cannot make a joke! ookay?!
Sorry if there’s a comments not publish here… (sad)
I should be happy for now… new found happiness and blessings, but why am I being so fearful? If you read my past, you know the reason. So, please let the wound heal.”
comments off!!!
Recent Comments