6 Feb
Babies babies…
Once pag sinabi ko na “lets go shower” ang saya ng dalawa dahil gustong gusto talaga nila mag babad sa tubig. Alam nila at nakakaintindi sa sinasabi ko.
Mga big boy na babies ko. Umiiyak yan pag iahon sa tubig, nagagalit pag marinig nila ang “enough and finish“. Ang bilis talaga nakakaintindi ng mga babies ngayon. Kakagulat minsan.

5 Feb
Eto yong lahok ko para sa Linggong ito sa LP.
Candy tsokolate.
Colorful anoh? pero ang laman nyan ay choco. Dito sa bahay si hubby lang ang mahilig ng chocolate, siguro kapag maka kain na rin ng choco ang babies tatlo na sila. LOL
Medyo matagal din akong nawala sa blogging kaya naging inactive din ako sa LP.
Simula ngayon maging active uli ako hehehe.


Happy weekend guys!
3 Feb
Ulam ko sana sa pananghalian kanina ay pritong isda, kaso nasubrahan ko nang pag fry naging ganito ang hitsura. Ow Sh*t. Gutom na gutom pa naman ako sa oras na yon. LOL

Kakahiya man pero aaminin di ako mahilig sa kusina ika nga tamad lang talaga sa kusina, wala namang di marunong kapag gustuhing matuto diba?! Masteral ako sa prito kahit anong prituhin di ako takot sa tumatalsik na mantika.
Pero kanina na palpak.
Naglalaro kami ng kambal at alam ko naman na may piniprito ako pero wrong estimation lang talaga sa oras hahaha amoy ewan ang buong bahay namin at kahit malamig binuksan ko ang ibang bintana.
Hanggang ngayon amoy eewww pa rin ang bahay namin. Si hubby di yan nag rereklamo na immune na siguro pag nag pprito ako. LOL
Ginisang tuna de lata nalang yong ulam ko kanina, lahat masarap kapag gutom na.
Recent Comments