21 Feb
Yay! sa wakas andito na ang twins ko sa bahay, pinauwi kami kahapon (Myerkules) ni doki. Bago pinauwi ang twins op kors mega check up muna. Thanks God, lahat OK ang resulta. Tsinek talaga from head to toe.


Si grandma at bebe Mike, at si churchill nag wala pag dating ng babies…argh! super jealous ang doggy kaya ngayon wala sya dito sa bahay, pina bakasyon muna namin dun sa parents inlaw ko.

Si grandpa at bebe Marc, super happy ang lolo’t lola nila.

Ngayon super busy na ang lola, buti nalang hindi iyakin ang babies pwera pag gutom. o cge guys ako’y may gagawin pa habang tulog pa ang babies. CIAO!
18 Feb

Mama’s milk for preemies.
Ooppss… inde ‘to lahat sakin ha! Araw-araw dito inilagay ng mga mommies ang milk nila, isa na ako jan. Minsan loaded ang ref. lalo na pag hapon, karamihan ng mommies hapon na sila dadalaw sa NICU at shempre bawat bisita ng mommy may dalang milk talaga (pumped at home). Tsaka yang mga bottles provided from NICU at isang beses lang gagamitin.
Tapos mga 6pm kolektahin yan ng nurse at ilagay sa conjulator para presko lagi at di masisira kahit abutin ng ilang days.
Medyo madaming preemies sa NICU, at shempre iba-iba din yong dahilan sa early delivery. Yong iba kagaya ko dahil sa pre-eclampsia at yong iba naman dahil smoker ang mother, at iba pang case ng preemies. From 37 weeks gestation ’till up, consider na as full term babies. Pero pag 37 weeks gestation to down yan ay preemies.
Isipin nyo 24 weeks gestation ay posibly survive dahil sa science hi-tech ngayon, huh! Sa NICU halos lahat ng rooms ay glass, then I saw a preemie na nakabalot sya ng cellophane sa loob ng incubator dahil nasa 26 weeks gestation sya.

Eto yong milk naman sa ibang ref. yang pinaka ibaba ay para sa preemies na every 2 hours yong feeding at yang pangalawang level ay para sa every 3 hours naman, at yong para kay bebe Marc at bebe Mike ay nasa pinaka mataas na, dahil every 4 hours na yong pag pakain sa kanila. At bali ilagay yan sa heat up machine at dun kukunin ng mga mommies kung mag pa didi sila ng bottle.
Kapag andun ako shempre e breast feed ko ang dalawa, sabi kase ng nurse more protien sa milk kapag ang baby talaga mismo ang mag extract. Si bebe Mike minsan 40ml lang yong ma extract nya na milk sakin, e kelangan uubusin nya ay 60ml kaya yong kulang sa bottle na.
take note ha, bago ako mag pa didi kini kilo muna ang baby para malaman kong ilan yong na inom nila hehehe…
Si bebe Marc naman kapag sya ang nauna mag didi sakin halos uubusin nya lahat, wala na kay bebe Mike hehehe…
Honga pala nasa test room na kami ng babies ko, inaantay namin ang deisisyon ni doki kung kelan kami uuwi. Sa test room pede akong mag over night dun pede rin hindi, sa ngayon andito pa ako sa bahay kaya may update dito.
O cge bye muna at ako’y aalis na, next chicka uli.
16 Feb

Ang bilis talaga ng panahon noh?
kanina pinag masdan ko ang kambal habang himbing sila sa pag tulog, ang laki na ng babies ko.
Sana totoo ang sinabi ng nurse na… baka pauwiin na ang twins next week pero di pa nga sigurado kase hindi pediatrician and/or a neonatologist ang nag sabi sakin.
Ah, basta sana totoo yong sinabi ng nurse. Plis!
Minsan naisip ko lang… to stay in NICU for months or weeks it’s too expensive, isipin mo lang 600 euro (six hundred euro) per day.
Buti nalang lahat ng bill sagot ng insurance.
Recent Comments