6 Dec

Argh! gabi na dito kakaupo ko lang sa lappy ko. :)
Napaka aga kong nagising kanina 7:30 at sobrang lamig sa labas frozen jusko, kaya tumaba
tuloy ako sa suot ko dahil tatlo yong suot ko na pullover at pang apat ang winter coat.
May rendez-vous ako sa OB kanina, kaya napilitan talagang magising ng maaga. Tsaka kinunan
din ako ng dugo 8 tubes sa dalawang braso, una sa kaliwa pinapili pa ako alin daw ang turukan, eh mas malakas yong kaliwa kahit right handed ako. At dahil malikot daw ako kaya
nag stop yong dugo at 2 tubes lang ang nakuha kaya nilipat sa kanan, argh! gusto kong
umiiyak dahil sa laki at haba ng karayom.
At isa pa nag train lang ako kanina, dahil yong lugar na pinuntahan ko may uphill na 18%
tas buti kung walang traffic lights sa uphill na yon okay lang dahil
tuloy tuloy yong pag dadrive, eh meron kaya nag t-train nalang ako. Dahil alam nyo ba,
tuwing dumadaan ako sa uphill na yon, palagi akong ma timing na red light tapos
pag green na, mag roll back pa yong sasakyan ko hahaha :) kase nga manual yong minamaneho ko.
Okay lang kung downhill alang problema, medyo mahirap kase pag huminto ka sa uphill
tas manual yong dinadrive mo, ewan! basta ako ganun, kayo ganun din ba?! Hindi naman
sa… as in roll back talaga isang turn lang ng wheel pero yong ibang sasakyan kase sobrang dikit sa likuran.
Inisip ko kanina, malay natin baka yong nasa likuran ko sobrang lapit nya sakin tas pag
nangyari uli yong nag roll back ako, o diba kasalanan ko pa lahat at malamang di pa ako aabot sa rendez-vous ko. :) Di talaga ako nag dalawang isip, kahit malamig nag train kami ng aso ko. Di naman kase pedeng ewan ‘tong si doggy
kase baka pag uwi ko, putol na yong paa ng table namin sa kusina, ngatngatin kase nya
yon kapag mag isa lang sya sa bahay.
Pagkatapos ng appointment ko, dun na ako nananghalian sa MIL ko at natulog na rin dun at
dumiretso sa school, iniwan si doggy kay MIL. Tapos sinundo nalang ako ni hubby sa school
at di na namin kinuha si doggy kaya andun sya natulog sa parents inlaw ko hehhehe.. bukas
na namin yon kukunin love na love din nila yon.
Sumasakit din ‘tong lalamunan ko sa kakain ng chocolates, tradition kase dito Dec. 6 namimigay
si santa claus ng ibat ibang klaseng sweets lalo na chocolates. Dito sa bahay kumatok si
santa claus at binigyan kami ng chocolates, si hubby lang ang kumakain ng chocolates as in
hindi ako mahilig nyan, no way!
At si mother inlaw ko naman binigyan din ako
ng napakaraming chocolates dahil sya daw si santa claus. Nadagdagan pa rin sa school kase
yong titser namin santa claus din, buong klase kumakain ng chocolates at nakakahiya naman
yong binibigyan ka tas ikaw lang ang di kumakain, argh!
kaya as respeto napilitan akong kumain, ewww! hanggang natapos yong klase kainan ng chocolates. Mula pa nung Dec 5 yong french class namin kainan ng chocolates kaya sumakit tuloy lalamunan ko. :(
Sa mga pink angels sa angelic-pink net eto na yong mga siggy request. Paki click ng pangalan nyo.
At yong nag request na hindi belong sa angelic-pink, antayin nyo gagawa ako ng
request siggy para sa lahat.
At sa mga bagong ka exchange link, pasensya muna di ko pa nalagay ang URL nyo dahil papalitan ko muna ang layout na ‘to. Sa weekend aayusin ko pwamis!
May new update pala ako DITO.
Labyo all…
12 Mar

Birthday ngayon ng doggy ko [my four legged furby baby] 2 years old na sya. Kahapon bumili ako ng bagong toys nya, tuwing lumalabas ako pag may madaanan akong pet shop, di ko talaga mapigilan ang hwag bumili. Pa iba-ibang mga chew toys nya pero mas gustuhin pa rin nya yong mga sandals ko, paa ng mesa, carpets, curtains, cables etc.,
waaahhh… ayaw pa rin tumigil sa pag ngangatngat ng kahit ano dito sa loob ng bahay, di ko na talaga mabilang
ang mga nasisira nya,.
Nitong nakaraang araw, binilhan ako ni hubby ng bagong cellphone, trip lang nyang palitan ang 1 year old na cp ko. Pagdating ni hubby sa bahay, e syempre na supresa ang lola nyo, etong doggy ko naman akala nya may pagkain sya [salami fav. fud ng doggy ko] kasi nga may bitbit si hubby.
Ako naman si tangengot, nilapag ang plastic at kinuha ko lang yong cellphone at manual, iniwan ang ibang abobot ng bagong cellphone,.
naks, di ko napansin na busy ako sa pagbabasa ng manual, si churchill [doggy] na busy din pala sya sa kaka halungkat ng plastic hanap ay salami,. wala! walang salami! ang nakita headset ng cp ko,.
Kakainis talaga, napagalitan ko tuloy si hubby, kasi nga eh… bakit bumili pa sya ng bagong cellphone,. [ang labo noh!]
Tuwing nasa school ako at si hubby nasa work, imbis na mag concentrate ako sa klase, iniisip ko si churchill,. na halos buong bahay hina hang ko, bago umalis, …sana may paa pa ang aming mesa sa kusina..
the worst things that happened, ay yong naabutan ko, bukas ang toilet sa 2nd floor tapos yong toilet paper ni nroll ni churchill, whew! ang haba at pag dating sa baba pinipino yong dulo tapos yong brush sa toilet bowl, kinalbo nya., parang binagyo nga ang buong bahay.
Sino naman kaya ang magalit pag bukas mo sa pinto hina hug ka agad ng doggy mo. Haay kawawang ako, naglilinis ng kalat ni amo ko.
Eto yong bagong toy at bumili ako ng isang kamukha nya, nagagalit sya kasi nga cement lang yan, lol.

mga bagong ningatngat nya.,
headset ng cp ko, naka tali pa nga, kasi bago pero putol na.
my lovely pinky sandal may mga marka ng ipin nya kasi naabutan ko pa.

tsinelas ko, isang araw ko lang nasuot kinabukasan lumuwa ang laman,

Pwede nyong hiramin si churchill, pero ipa bunot ko muna ipin nya, ha! lol
Happy Sunday guys!
10 Mar
Assignment from LJ. eto na may pren ginawa ko na para wala akong utang hehe..
1. Grab the book nearest to you, turn to page 18, and find line 4.
“die wiederum aus zwei Byte bestehen. Magnum HTML” (Pasensya, German book lang kasi andito, at yan ang nasa line4.
2. Stretch your left arm out as far as you can.
I did, at tumunog agad ang buto ko :)
3.What is the last thing you watched on TV?
Date My Mom sa MTV.de
4.Without looking, guess what time it is:
2:35 pm
5.Now look at the clock. What is the actual time?
2:44 pm
6.With the exception of the computer, what can you hear?
Tik tak ng wall clock
7.When did you last step outside? What were you doing?
This morning, kasi i was looking my doggy hinahabol na naman kasi nya yong pusa ng kapitbahay namin.
8.Before you started this survey, what did you look at?
Telephone, kasi tatawagan ko si hubby sa work nya ipaalam ko lang na nasunog yong niluto ko.
9.What are you wearing?
black jogging pants ang red pullover
10.Did you dream last night?
Yes, napanaginipan ko yong klasmeyt ko sa highschool si GINA RAGSAC
11. When did you last laugh?
Last night, sa jokes ni hubby.
12. What is on the walls of the room you are in?
wall clock, white paint, curtains, lights, cd’s
13. Seen anything weird lately?
I was looking a flash back news in RTL.de (Germany) isang criminal di alam anong gagawin sa pinatay nya, kaya ang ginawa tinadtad ang patay at pinakain sa baboy, ouch! diba soo weird!
14. What do you think of this quiz?
wala, just for fun!
15. What is the last film you saw?
Chicken Run (cartoons)
16. If you became a multi-millionaire overnight, what would you buy?
Simpleng buhay lang ang gusto ko, ayokong maging milyonaryo pero kong pipilitin nyo ko sige jet plane nalang para
pag gusto kong bumili ng tuyo o daing sa pinas, tapos balik agad sa Luxembourg.
17. Tell me something about you that I don’t know.
Very simple and lazy sometimes
18. If you could change one thing about the world, regardless of guilt or politics, what would you do?
make the world peaceful
19. Do you like to dance?
in my dream, kaso wala akong talent nyan.
20.George Bush:
I like him as US president, so what!
21. Imagine your first child is a girl, what do you call her?
Steffy (tandaan nyo yan pag may baby girl na ako)
22. Imagine your first child is a boy, what do you call him?
Brix (tandaan nyo uli baka magka baby boy ako )
23. Would you ever consider living abroad?
Of course naman, i feel more secure dito keysa pinas.
24. What do you want God to say to you when you reach the pearly gates?
Oh, welcome to the heaven of gates Ethel,here’s your mother and father.
25. 4 people who must also do this meme in THEIR journal:
Carlota - Ang di marunong humindi sa isang kaibigan kahit bigyan mo sya ng tambak na assignment.
Ghie - Kahit busy sa pag bevideoke nya, kompleto pa rin ang assingment.
Lutchi - kahit nag dadabog gumagawa rin sa assignment, kaya hiramin ko muna yong mga sisiw nya para may time syang gumawa nito.
Diane - Ang mabait, matalino at gwapa kong kaibigan.
Hugz and…
-:¦:-
´¨¨)) -:¦:-
¸.·´ .·´¨¨))
((¸¸.·´ ..·´ Happy weekend to all-:¦:-
-:¦:- ((¸¸.·´*
Recent Comments