26 Feb
Ilang weeks nalang spring na dito.
Eto si ladybug nagpakita sakin ibig sabihin malapit na ang spring. Hhmmm san kaya sila nag tatago anoh? kagaya din kaya sila sa mga ibon na bago mag winter hahanap sila ng lugar na pupuntahan, yong lugar na walang winter tas babalik sila pag tapos na ang taglamig. Kawawa din ang buhay nila ‘noh? hehehe
25 Feb
Pedia visit kanina ng kambal kaya wala kami sa bahay.
Tas dumiretso kami kila MIL tumambay ng mga ilang oras.
Umuwi ng bahay gabi na, kaya medyo pagod ako.
Napansin ko lang kanina sa klinik sa waiting room may batang lalaki cguro mga 5 years old yong edad nun, naka upo tas hawak hawak nya ang kanyang portable DVD player. Napaka ingay, ni wala rin akong naiintindihan sa dinadaldal nya dahil salitang Portuguese yong sinasalita. Susme, tuwang tuwa sya sa kanyang pinanood na cartoon. Kung tignan mo ang bata as in yong utak nya nasa pinanood nyang movie halatang super adik sa tv. tsk tsk…
Sa totoo lang di ko talaga sinanay ang kambal sa tv, kaya wala silang interest sa tv ngayon. Books, music at educational toys ang hilig nila. Di naman sa binabawalan ko sila sa tv, iniisip ko lang sa ganitong edad nila ngayon, dapat hindi sa tv sila na aatract.
Oo marami akong naka handang cartoons film para sa kanila like toy story, snowhite etc. etc. pero saka na nila mapa nood kapag marunong na sila umintindi sa kanilang papanoorin.
Sabi kase nila, sa anong bagay mo sinanay ang babies talagang nasasanay sila nyan. Cguro totoo nga, dahil sinanay ko nang books ang kambal at naging bookaholic nga sila. Yes, I’m so proud my babies dahil 9 mos. old palang sila marunong na bumasa I mean marunong na mag turo ng salita na babsahin ko.
Siguro sa mga regular visitors ko dito naiintindihan nyo ang sinasabi ko.
eto si bebe Marc at Mike 3 mos. old palang sila nito atract na atract sa books. CUTE.
23 Feb
Araw - araw sila naliligo.
Aabot yan ng kalahating oras mag babad sa tubig, ang gulo gulo talaga pag iahon agad yan, iyakan to the max grrr…
Napakalikot. kahit may bath ring sila tumatayo yan pero kapag may books behave sila ng mga ilang minuto tas todo splashing naman pati ako naliligo sa talsik.
seryoso ang makulit. :)
More photos sa flickr.
Recent Comments