22 Feb
Bagong upuan ng kambal kahapon lang ‘to binili.
Gagamitin lang ‘to pag nasa labas kami. Minsan kase sa resto pag di ka swertehin yong baby chair nila occupied lahat kaya mas mabuti may sariling upuan ang kambal, tsaka madali lang ‘tong bitbitin.
Shempre pag mag bakasyon kami napaka helpful din ‘to.

20 Feb
Lumabas kami kahapon.
At eto ang napansin ko kay Mik sa loob ng sasakyan.
Nagbabasa daw sya pero baligtad naman hahahha

19 Feb
Super attract sila sa kanilang wooden educational toys.
Binili ko ‘to nung 8 mos. old pa lang sila.
Ngayon ang galing na nilang mag laro nyan talagang mga seryoso. LOL

More photos sa FLICKR ko.
Pero walang hihigit sa books talagang bookaholic sila, bigyan mo ng kahit anong klaseng books talagang seseryosuhin yan. Parang binabasa talaga. LOL

Recent Comments