17 Feb
Minsan magka parehas sila ng posisyon :)
pag download ko lang ‘to nakita, kyut huh?!
16 Feb
Officially 11 mos. old na ang kambal.
Bihira lang ako mag uplaod ng video dahil punong puno na talaga ang hard disk ko.
Ang gulo namin sa video na ‘to, si bebe Mac pag may camera nawawala ang konsentrasyon gustong kunin ang camera na hinahawakan ko, kaya naka simangot sya.
Si bebe Mik naman masunurin pero yon nga lang super ingay. LOL
Eto yong unang video, kung nasa mood lang talaga si Mac talagang nag aagawan pa yan sa ipapaturo ko sa kanila. LOL
at eto yong pangalawang video, si Mac pilit nyang bigkasin ang salitang ipapaturo ko sa kanila. LOL
Well, ang bilis nilang turuan at madaling nakaka intindi.
14 Feb
Eto ang malaking supresa sakin para sa araw ng mga puso.
Di ko talaga akalain na pinag bigyan ni hubby ang minsang pagka demanding ko.
Yay! sa wakas di na ako nenerbyusin pag may traffic lights sa uphill.
Manual o stick shift kase ang minamaneho ko.
Nangyari na sakin sa uphill naka stop ako dahil red lights, pag go, susme biglang na off yong makina dahil na wrong gear ako kaya lahat nag bubusinahan sa likuran. Mula nun iniiwasan ko lahat ng uphill na may traffic lights dito.
Ngayon di na, automatic na ang bagong prend ko. LOL
Pinalagyan din ni hubby ng navi system para di daw kami mawawala ng kambal. LOL
Namimiz ko rin ang kauna-unahang prend ko, apat na taon kaming mag best prend nito.
Happy hearts day!
Recent Comments