13 Feb
Birthday ngayon ng only sis ko.
Nag chat kami kagabi, nag mayabang pa ang bruha double celebration daw ang birthday nya. LOL
Nag cecelbrate daw sila ngayon with friends and cousins, at sa Sabado mag party daw sila sa office nila sponsor ng among arabo.

Ang hirap pa naman mag hanap ng work sa atin lalo na ngayon na world wide crisis. Haay buhay.
12 Feb
May pag-ibig sa aking puso. Pag-ibig na dakila.
Makapagtiis sa lahat ng pagsubok na kanyang mararanasan.
May lubos na pag-asa at pananalig.
Eto ang aking lahok sa LP sa temang hugis-puso. O diba ang drama ng photo ko, muka akong butiki nyaaahahhah.


Happy Hearts Day to all.
11 Feb
Baket kaya tayong mga pinoy mahilig sa karaoke hehehe
Dito sa bahay kapag tinupak ako walang pakialam kakanta kahit sintunado, basta sarado lang ang mga bintana para di ako batuhin ng mga kapitbahay namin. LOL
Si hubby lang yong naiingayan sakin, kahit anong oras kakanta ako kapag gusto ko kahit tulog ang mga babies dahil di naman nila naririnig yong ingay ko sa kwarto nila.

Honga pala may cute award ako from ate Ghee
Thanks a lot.

Recent Comments