10 Feb
Thank you soo much sis Thinz.
Na surpresa kami ni hubby sa valentines card from sis Thinz.
Tuwang tuwa ang daddy nila, na curious talaga sya kung sino si Thinz, shempre ang sweet mo raw sis hehehe…

Talagang ginulat mo ako sis, thank you sooo much!
More photos sa Flickr ko.
9 Feb
Hilig ko ang manood ng TV.
Kahit anong shows like news, documentary, cartoons etc. etc. etc…
Pero pag MTV channel ang pinanood ko, misan kinukontra ako ni hubby dahil pinapanood ko daw yong mga stupid shows, like Flavor of Love, Tila Tequila, I Love New York, Rock of Love at kahit anong reality shows pa jan sa MTV sinusundan ko yan. LOL
Minsan kapag nanood ako ng MTV nag susungit sungitan ako para di ako kontrhin ni hubby. Pinaka ayaw talaga nya pag pinanood ko ang Flavor of Love na show :) alam ko super stupid show nga, pero natutuwa naman ako hehehe

At eto pa ang kina aadikan ko ngayon ang MY New BFF by Paris Hilton. LOL

Alam ko tapos na ‘to sa Amerika behind kase dito sa Europe. :)
8 Feb
Peborit ko ang pork chicharon.
Dito sa Luxembourg makakabili lang ako ng pork chicharon sa Chinese store. At minsan iniisip ko baka hindi pork chicharon malay natin sawa tas nilagyan lang ng label na pork hehehe…Wala kaseng mabili dito na pork chicharon na talagang galing pinas, lahat made in China.
Kanina nag grocery shopping kami, di ako makapaniwala sa nakita ko. Wow! pork chicharon na made in Europe galing Sweden. Bumili lang ako ng isang pack, malay ko baka di masarap. Nasa sasakyan pa lang kami tinry ko na, ang sarap grabeh, babalik sana ako sa store at bibili ng marami kaso lang nagugutom na ang babies di pa sila nananghalian kaya no chance, diretso uwi.
Sana di pa yon nauubos bibili ako bukas ng marami. Ang sarap talaga ng Schwediche pork chiharon.

Bumili din ako ng Scwediche cookies, di ako mahilig sa cookies pero nagandahan ako sa cookies na ‘to at masarap nga.

Recent Comments