13 Nov

Ang bilis ng panahon lunes na naman. Sana mas lalong bilisan ang panahon para
matapos na ang winter at summer na naman.
Haay.. palaging sumasakit ang ulo ko dahil sa sobrang lamig, tuwing lalabas ako at pagdating
ng bahay mga ilang oras sumasakit na ulo ko nyan, tsk tsk tsk.
Nag telebabad kami ni MIL tas nabanggit nya ang beerday ko. Tinanong ba naman ako
kung ano raw gusto kong regalo, shempre sagot ko agad, wala! pero kunyari lang yon, sa loob
loob ko, anong wala sipsip kase eh! hahaha..Pero nag pumilit naman sya na talagang may
regalo daw sya para sakin, ako naman pilit na hwag na, sagot naman nya di raw pede.
Alam ko naman na bibigyan nya ako ng regalo pero baket tinatanong pa ako diba?, ang kulit
talaga ng MIL ko. At alam ko rin yong regalo nya kadalasan gamit sa kusena. :)
Tas tinanong ko rin si hubby anong regalo nya para sakin, aba sinagot ba naman ako na
pink undies daw,
loko talaga.
Malayo pa naman beerday ko, pero natatawa lang ako sa mga ka coolitan ng mga mahal ko sa
buhay.
Honga pala yong old domain na akoni.info napunta kay Yanelle, sori ate Ghee naunahan
ka talga ni Yanelle. :) Yanelle, antayin mo lang yong login basta this week e send ko sayo.
And to Amanda, sweety wala kang kasalanan sakin pinaalam mo naman sakin diba?! alam mo na
anong ibig sabihin ko, labyo mwahhh..
May ginawa pala akong header 750×300 yong size, pinamagatan ko ng “waiting for santa”
isa lang ang bibigyan ko nito at kung gusto mo email mo lang ako. Tas sabihin mo lang
anong text ang ilagay sa header para gawan ko rin, kase diba pixelled sya kaya dapat din
pixelled din yong text, at bibigyan din kita ng background depende sa gusto mong kulay na
match sa header. :)
Pero kelangan ko talaga ng credits nito, kahit anong cuties na andito
sa lollipop.lu kelangan ko talaga ang credits, the reason is, to protect you. Eto pala yong
sample sa sinasabi kong header. Nilagyan ko lang ng grid as protection. At may kunting update din ako sa country layout , siguro linisin ko ‘tong site ko mamya, aayusin ko ‘tong linkies page at yang mga lumang country goodies papalitan ko ng bago. Napahaba na naman tong walang kwentang kwento ko.
Sa lahat ng mga bumibisita dito sa site ko, maraming salamat at pasensya na rin bihira
lang talaga ako maka bloghop pag weekend kaya babawi ako ngayon.
Hugz to all.
10 Nov
Hello all, muzta na kayo.
Sinong may sunshine jan pengeh! Sobrang lamig na dito, nakakatamad talaga, sarap matulog
lang ng matulog tas blogging hehe…
Hhhmm..talagang wala akong ma e post ngayon, walang kwenta na naman ‘to. Kaya eto
pics nalang :) eto yong pics ng best MIL ko, diba sinabi ko dati na kinulayan yong
buhok nya at e post ko dito. :)
Last week pa ‘to nung pumunta kami sa kanila at maraming kinain na red raddish si hubby.
Tas sabi ko kay MIL na, pikyuran ko yang magandang buhok mo kase e popost ko sa blog,
di nya alam ano yong blog hehehe.. tinanong pa nya si hubby ano daw yong blog :)
ngayon alam na nya ano yong blog, tumawa lang sya at shempre todo posing si MIL.
Eto yong buhok nya, kunti lang naman ang red diba! :)




Yang isang pic na andaming letters, yan yang natanggap ko last year
lahat christmas cards, more than 50 yan, galing sa mga blogmates ko. At baket dumami’!
kase sa yahoo groups na sinasalihan ko, tas yong ibang grupo may snail mail for
christmas kaya ayon andaming natatanggap ko last year.
Tas nakakapagod din yong reply hahahha… biruin nyo ganun din karami yong reply
ko tas mga relatives ko pa sa pinas.
Siguro, bukas bibili na ako ng christmas cards, hinalungkat ko kanina yong mga
address kaya nakalabas yong mga cards na yan, at shempre hindi pahuhuli yang
model ko. My four legged boy! :)
Honga pala, sinong may gusto sa old domain ko, eto sya akoni.info
malapit na syang mag expired, kung gusto mo e renew ko sya with hosting na.
At be sure na gagamitin mo sya, kase baka sa umpisa lang gusto mo , then mga
ilang buwan ayaw mo pala at ibigay mo lang sa iba, ayaw ko nang ganun. :)
And one thing, ayaw ko yong ilagay mo pa sa site mo na, ang domain na ‘to ay
galing kay blah blah…I don’t need any credits.
Happy weekend sa lahat. Labyo all…
8 Nov

[edit]
I was in blog hoping, i think last week. Then one of my linkies, yeah its Shari of misteryosa.org, she’s looking the best reads.
And hey! not only for Shari :) i know a lot of people looking for the best reads in internet,
well, i found this very interesting site of
Brian George Lindemann, have fun
readers.
[/edit]
Hhmm..medyo nakakahiya ‘tong post ko ngayon 
Binanggit ko kase sa previous post ko na,
e kwento ko dito yong tampuhan namin nung sabado hehehe..
Ako yong sobrang tampororot parang bata as in, at nahawa rin si hubby, e kaming dalawa parang
mga bata. Kase sya eh! Galing kami nun kela parents inlaw, ay honga pala sa next post ko rin
e post yong buhok ni MIL nasa cam ko pa di ko pa sya na upload dito sa puter ko. Di ko pa rin
nakita kong klaro sa pic yong kinulayan nyang buhok. :)
Nah! baka hahaba na ‘tong post ko, balik tayo sa pagka tampororot ko. Ayon, pag-uwi namin
galing kela MIL nung sabado, medyo gabi na kase dun pa kami kumain as usual busog.
Tas pagdating namin sa bahay, mga ilang oras etong si hubby otot ng otot hahaha…tas
di naman daw nya keylangan ang kubeta kase wala daw syang e deposito pero yon nga
otot ng otot kakainis, kase may tunog pa at amoy ewan! alam nyo na. Nasa computer room
kaming dalawa, tas tuwing sasabog takbo sya sa labas kase binantaan ko sya na pag maamoy ko
babatuhin ko sya ng kahit ano, kahit pa laptop ibato ko sa kanya. Alam nya na pag sinabi ko
tutuhanin ko naman talaga kaya ayon careful sya na di ko maamoy yong torotot nya hahaha…
Tas nag rereklamo pa sakin kase pinarusahan ko raw sya, busy daw sya sa puter nya tas
disturbo daw na lalabas pa sya. Pero kahit ano pang reklamo nya, lalabas pa rin sya haha..
takot kaseng ma bato ko sya.
Nung matutulog na kami, ganun pa rin may sumasabog pa rin sa likuran nya hahaha…ewan anong
nangyayari sa tyan nya nung gabing yon :) siguro dahil yon sa red raddish na kinain nya
dun kila MIL.
Tas yon matutulog na kami kumuha ako ng hanger tas itinabi ko,
tas may rules uli na pag maamoy ko yong gas nya papaluin ko sya ng hanger hahaha ang sama ko
talaga. Kaya as usual, lalabas talaga sya at hinintay nalang ata nya na makatulog ako.
Bah! nakatulog ata ako, diba minsan may oras sa pagtulog mo na magising ka. Yon ang
nangyari sakin nagising at naamoy ko yong totot nya waaaahh.. kaya inis na inis ako, kahit
antok na antok ako kinurot ko talaga na may halong suntok swerte nga kase hindi hanger eh,
pero karma naman ang sakin nabali yong koko ko ang sakit kase nahati pa nadala yong laman.
Kaya lalo akong nainis, tumayo ako at umakyat sa taas at nag patugtog ng pagka lakas-lakas.
Eh, lahat ng room may sounds speaker kaya nabibingi sya dun sa kwarto hahaha…sinadya ko
naman. Umakyat si hubby at nag please na hinaan ko raw, pero ako na sobrang maldita.
No way! Gusto ko lang mang inis. Pinahinaan nya pinalakas ko naman, yong pareho kaming naka
tayo sa harapan ng stereo na ako yong taga volume tas sya yong taga hina hangang tinanggal
nalang nya yong lahat ng koneksyon, ayon nawala yong tugtog. Eh, di lumalabas
na yong usok sa tenga ko. Bumaba ako at hinanap yong car key dahil gusto kong lumabas takbo naman sya kase
alam nya yong gawain ko pag tinopak. Hinarangan ako sa pintuan, punta naman
ako sa kabilang pintuan, andun rin sya nakaharang. Nang gabing yon para kaming
nag lalaro ng patintero hahaha…
Yon di ako nakalabas, kahit milyon pa yong sorry ni
hubby pag umandar na yong topak ko, walang makapag pigil tuloy tuloy na yon.
Kaya umiiyak nalang ako at inaamo lalong umiyak ang lola. Kaya sa ibang kwarto ako natulog at
nagkulong, si hubby binantayan ang pintuan takot na baka lalabas ako…Kinabukasan
gusto ko sanang magkulong ng buong araw, eh wala akong baon na biscuits, ganun ako
kapag magkulong sa kwarto may baon para di gutumin at si hubby nag papanic dahil di raw ako
kumakain, ano ka! busog ata hahha…pero nang araw na yon di ako nagkulong kase naawa ako
kay hubby di sya nakatulog binantayan daw nya yong pintuan mag damag. Natatakot syang lalabas ako at mag drive
na wala sa isip hahaha…sobrang bait ni hubby sa araw na yon, para magka bati lang kami tas
bigla nalang kaming nag tawanan kase nang dahil sa otot nagkagulo ang gabi na yon,
para kaming mga temang! At pramis nya rin na, di na raw sya kakain ng red raddish hehehe…
Susme humaba ang post ko! argh!!!
Recent Comments