6 Nov

Good morning /afternoon everyone.
Muzta na kayong lahat. Pasensya di ako masyadong maka bloghop pag weekend pinag
selosan ni hubby laptop ko. :)
Kumusta naman weekend nyo?! Kami as in parang nasa freezer na, brrr.. ang lamig na dito.
Kaya naisipan ko na e upload ko ‘tong winter layout nyaaahh…matagal ko na ‘tong ginawa.
Alam ko medyo light yong color diba? pastel na pastel. :) Hhmm depende sa contrast ng monitor nyo. Sobrang
lamig na kase kaya feeling ko nag snow na sa labas hehehe…
Medyo napa aga ang gising ko ngayon kase may appointment kami ni hubby, gusto ko sana
e kwento yong tampuhan namin nung sabado ng gabi, pero next post ko nalang e kwento. :)
share ko lang ‘tong walang katuturang kwento. Isang chinese na lalaki nag signup
sya angelic-pink, shempre lalaki sya kaya dinidelete ko yong form nya. Paulit ulit syang
nag signup dahil siguro wala syang natanggap na login galing sa akin. Ang di ko alam
kilala pala sya ni hubby dahil odl user sya sa letzebuerg.net, tas nagtanong sya kay
hubby san daw sya makahanap ng free hosting, tas yon binigay ni hubby yong free host ko na
angelic-pink.
Bah, nag reklamo kay hubby baket daw wala syang na tanggap na login sa angelic-pink, kaya
natanong ni hubby sakin. Sagot ko, ni rereject ko sya dahil lalaki nga tas malay natin
baka spammer. Tas ayon, kinausap ako ni hubby na gawan ko lang daw ng account kase kilala
daw nya ang taong yon.okay! alang problema.
Tapos ayon na sent ko na yong login nya. Ang nakakatawa, nag email uli sya kay hubby
pinaalam nya na natanggap na daw nya yong login sa angelic-pink. Tas binaggit pa
nya sa email na… *why, my control panel is PINK of LOVE!* kase ganito yong
control panel
sa angelic-pink. As in natawa ako kase natanong pa nya baket pink hahaha…
And by the way…
Hhmm… to all my american friends out there! :) Did you know about
San Diego Real Estate.
Whew! really a lot of beautiful houses, you can select your dream house too. :) Im sure they are the best for their client’s needs.
Bloghop muna ang lola nyo :) labyo all.
3 Nov
Happy weekend sa lahat!
Ang bilis ng panahon ‘no po? Ilang tulog nalang pasko na.
Nakaka miz ang paskong pinoy, kakaiba talaga. Sarap mag bakasyon!
You know guys, sometimes its nice to go in vacation isn’t it?, but if you have a pet like dog or cats, i think its quite risky! Like us we have a beautiful dog, anyway you can view my pet gallery in my sidebar. :) And to those who cannot bring your pet in travel,
here’s how to choose the best pet care for your pet when you are in vacation
pet boarding.
Get preferences and look the best pet boarding. Have fun browsing :).
Tenkyo sa lahat nang nag ewan ng interpretasyon sa panaginip na yon.
Lalo na kay Chikai, gurl love kitang sobra dahil magkaparehas tayo ng ibig sabihin. :)
Kailan ma’y di ko makalimutan ang pangyayaring ‘yon pero I’m so blessed din kase
super mabait ang MIL ko sya yong ipinalit na parang tunay kong ina. Ahhh.. sobrang bait
talaga ni Lord, grabeh!
Honga pala malamig na dito, nung isang gabi nga may kunting snow. At sabi, this weekend
may sunshine daw, sana. Bukas punta kami sa parents inlaw ko, kase aayusin ni hubby yong
laptop ng daddy nya, hindi daw gumagana ang wireless. Grabeh, 67 yrs. old na yong father inlaw ko
sobrang adik din ng puter. Tinuturuan ko nga syang mag blog. Pero mas gusto nya yong
sinusulat nya mababasa ng lahat sa newspaper. :) Yong MIL ko naman, kahit matanda na
sobrang makikay pa rin, pinaalam sakin na yong blond hair daw nya pinakulayan nya
ng kunting red, hahaha.. pramis piktyuran ko yon bukas at e post ko dito. :)
May pramis pala ako nun sa last post ko na iparinig ko senyo yong ni record namin ni
hubby, katuwaan lang namin ‘to. Tas tuwing nag da drive
kami kinakanta namin sa sasakyan nilagay kase sa CD . 15 songs kase yong ni record nya hahaha
Paki click nalang para marinig nyo, hwag nyong pigilan ang tumawa baka mautot kayo jan, as in nakakatawa naman talaga yong boses namin, onti lang boses ko jan kay hubby yong marami kase di ko kaya nasasakal ako hahaha…
Peborit pala namin ay Christian songs. Tas pina praktis pa ni hubby yong kantang
“Batang-bata ka pa” by apo hiking. As in pinagtawanan ko sya dahil sa sobrang
slang hahaha.. nakakatawa as in. Yong ibang words nga nahihirapan syang bumasa. :)
Tinuturuan ko pa, pati translation.
O sige, ako’y mag bloghop muna. Labyo all and once again happy weekend!
1 Nov

Muzta kayong lahat? sa mga nakiki celebrate ng halloween sana nag enjoy kayo.
Dito rin sa Lux may party at etc. Pero kami ni hubby ko, di kami naniniwala o nag
celebrate ng halloween.
Sa sobrang sweet na mga linkies ko, tenkyo sa mga halloween tags. Ang sweet nyo talaga.
Kahit di ako naniniwala i appreciate those tags nila ni;
Thinz, Irish,
Janelle,
at sis Noreen. Thank you guys!
Nanaginip na ba kayo na umiiyak sa panaginip at nang biglang magising totoong umiiyak?!
Nung isang gabi nakausap ko ang aking mahal na ina sa isang panaginip.
Na…may pupuntahan sya sa napakalayong lugar. Pero bago nya ako isama sa lugar na
pupuntahan, pinababa muna ako sa pulang kotse nya upang linisin ang aking mga paa kase
daw marumi yong mga paa ko, at baka madumihan yong kotse nya.
Bumaba ako at naghahanap ng tubig. Pagbaba ko, mga bahay lang yong nakikita ko, kaya
kumatok ako upang makihugas lang, subalit di ako pinatuloy. Ilang bahay ang kinatok ko,
ganun pa rin walang magpagamit ng gripo. Ilang oras akong naghahanap ng gripo.
Hanggang umabot ako sa malayong lugar at isang may ari ng bahay kung saan pinatuloy ako
upang makihugas.
Pagkatapos…
Nagmamadali akong bumalik sa lugar kung saan nag hintay si mama, ngunit nadatnan kong
wala na sya, iniwan na ako. Umiiyak ako nang pagka lakas-lakas pero walang nakakarinig
sakin. Walang tigil yong iyak ko. Hanggang sa, bigla nalang akong nagising at totoong
umiiyak ako. Grabeh, ramdam ko yong sakit dahil di ako isinama ng aking mama.
Di na ako nakabalik sa pagtulog dahil iniisip ko talaga ang panaginip na yon. Hanggang sa
nasagot ng aking isipan na parang pinabalik sa aking alala ang isang bangungot na
karanasan.
Siguro di nyo ako naiintindihan, dahil di nyo alam at ramdam ang napakasakit na
karanasan ko sa buhay. Na, hanggang ngayon walang paghihilom ang mga sugat.
Kung may tyaga kayong bumasa sa old post ko. Click mo dito!
Waahh! i dreamed about the red car of my mom, hhmmm.. perhaps i need change my car? hehehe.. joke lang! But hey! maybe, if so…What do you think would be the best cars automatic or manual? :)
For me i don’t care the brand as long as im comfortable to drive.
And of course comfortable in my pocket :) try to look this,
San Diego cars where you can decide the best options in buying cars.
Haay-naku nag emote ang lola nyo, blog hop muna bago kami aalis ni hubby,
pramis babawi ako senyong lahat at maraming salamat sa lahat na bumibisita dito.
Labyo all…
Recent Comments