weekend linis…

Muzta mga peepz!
Ako naman, as usual mapula-pula pa rin ang hasang.
Ang ganda ng panahon ngayon, lumabas uli si haring araw. Kaya yong weekend ko sobrang nakakapagod.
Nung sabado kunting gala tas kahapon
nilinis ko yong kagubatan sa likod ng bahay. Ilang weeks atang umuulan at malamig kaya nakakatamad
mag linis ng garden,. BUti nalang lumabas si araw kaya linis todo max ako kahapon.
Haay..grabeh sobrang hirap maglinis ng garden lalo na wet yong ground. Pati kapitbahay namin nagugulat sakin,
sinong di mapa sigaw andaming garden critters nakakatakot sobra, may palaka, may bulate,
may suso na walang bahay at kung ano ano pa, waaahhh.. nakakatakot grabeh. Ang tagal kong natapos
from 1:30-6:30, tumagal ako dahilan sa nakakatakot na mga critters na yon
lalo na yong suso na walang bahay tas may sungay at kulay
orange pa yong katawan. Yucky! yong hitsura. Pero yokong maging salbahe kawawa naman kapag patayin ko sila they have rights to live din.
Kaya may dala akong panungkit (stick), tas lingon kaliwa’t kanan sabay tapon dun sa garden ng kapitbahay namin pati palaka
tinatapon ko sa garden nila,
Haay.. sobrang nakakatakot yong mga yon napaginipan ko tuloy yong parang suso.

Pati mga furbies ko ang dudumi ng mga paa palagi akong nag mamop sa sahig, susme ang hirap ng
karir ko non stop janitress, kaya pinarusahan ko si doggy, di ko sya pinapasok sa loob ng bahay
kase ang dumi ng paa may hinuhukay sa garden. Sinarado ko yong pintuan sa kusina.
Ayan inilabas yong ulo nya sa pintuan ng mga pusa, nag maka awang buksan hehe… Pati pintuan ng mga
pusa marumi labas pasok kase sila, ganyan karumi kapag basa sa labas. Kelan kaya ma dedbol ang mga
pusang ‘to hwga lang si doggy, waaahhh…joke lang!

Share ko lang ‘tong pics, kunting gala namin nung sabado.

Read the rest of this entry »

  • 35 Comments
  • Filed under: Fall
  • ka klase


    May ka klase akong isang pinay, shempre masaya ka dahil di ka nag iisang pinay.
    Nang lumabas yong prof. namin may inaasekaso lang ata sa labas, shempre kwentuhan ang lahat
    pero wala akong naiintindihan kase halo halo yong mga nationalities.

    So, itinaas ko yong leeg ko naghahanap ng kaparehas ko ng ilong(asian),
    may nakita akong mukhang pinay kaya nilapitan ko sya, ganito tanong ko…
    Pinay ka? sagot naman nya “schwätz Letzebuerg!” ibig sabihin,.magsalita ka ng Luxembourgoise.

    Naisip ko, ay mali! siguro Thai sya or Indo kaya kinausap ko nalang ng salitang Luxembourgoise,
    aba sinagot ba naman ako na pinay daw sya, pero sa salitang Luxembourgoise ha. Kaya tinatagalog ko
    sya, pero kinukontra talaga ako paulit ulit nyang sinasabi na magsalita ka ng Luxembourgoise, ayaw
    talaga nyang magsalita ng sariling wika. Dahil 15 years na raw sya dito sa Luxembourg, tas
    fluent na raw syang mag French at German (zero accent naman) at Italian dahil husband nya Italyano.

    Susme muntikan na akong mapalid grabeh ang lakas ng bagyo sa noo nya. Jusko, kahit aabot pa sya ng 100 years dito di mawawala yong salitang kinagisnan nya.
    Sinisisi ko tuloy sarili ko, baket pa kase ako lumapit. Kase kinakausap ko sya ng tagalog
    ibang lenggwahe naman ang isagot nya at super daldal pa hehe.. nahihiya naman akong talikuran sya kase nag mukhang
    bastos ako kapag gawin ko yon, e di tiniis ko nalang, haay nahihiya
    nga ako sa tagpong yon.

    Napansin tuloy kami ng katabi ko na taga Peru sabi nya, baket di ko naiintindihan salita mo,
    tapos naiintindan ka nya(sabay turo nung pinay) hehe.. kase nga nag tatagalog ako si pinay nag Luxembourgoise naman. Kakatuwa talaga, feeling ata nya di na sya pinay hehe… Meron palang ganitong klaseng tao kakaiba talaga.
    Para akong natutunaw kapag kinakausap ko sya, kaya buti nalang di ko sya katabi.
    Share ko lang, di naman siguro masama na ganito ang post ko, wala akong binanggit na pangalan.
    Nag iisang pinay lang ako sa buong klase.
    Happy hump day! ang bilis ng panahon mag weekend na naman.

    Edit//Selected pinay pink angels from angelic-pink! dagdagan ko pa ‘to di pa kase tapos yong iba. Mga pinay lang yong pinili ko, di ko na sinali yong mga banyaga dito. Tas yong pinaka active nasa sidebar ko, forever na sila jan :) Luv ‘em okay?!

     
     
     
     
     

     
     
     
     
     
     

  • 61 Comments
  • Filed under: Fall
  • malamig na…


    Muzta kayo!
    Malamig na talaga dito, di na pedeng lumabas na walang jacket.
    Bye bye summer next year uli.

    Sa mga hosted sa angelic-pink, pasensya kung na down yong site nyo pero ok na sya ngayon.
    Sa totoo lang di ko alam ilang oras nag down ang angelic-pink.net, kase pag gising ko kanina
    nagulat nalang ako walang kuryente yong ibang parte ng bahay. Pati nga yong mga gold fish ko bumabaligtad
    na yong iba kase walang pump. Kala ko rin di ako maka pag saing kase alang kuryente pero meron naman
    sa kusina, tsinek ko lahat wala akong nakitang deperensya, at kung ano ano na yong
    pinag tatanggal ko ayaw pa rin gumana,
    naiinis na ako kase pati sa computer room alang kuryente kaya down
    yong angelic-pink.net.
    Tumawag ako sa mobile ni hubby, pag ring nasa tabi ko, yon pala nalimutan nya. Tumawag ako sa opisina
    nya may sumagot wala daw nasa kabilang opisina, hiningi ko yong number sa kabilang opisina
    binigay sakin, pag dial ko wrong number naman. Malas talaga, nag antay nalang ako.
    Pag uwi ni hubby, nagulat nalang sya kase iba yong reply ko sa greet nya, basta sinagot
    ko nalang agad nang,..baket alang kuryente? Syempre diretso tsinek nya lahat tas pag unplug nya sa pc
    nya gumana, bumalik yong kuryente. Ewan anong deperensya sa pc nya.

    Ibang topic na naman, nung Saturday nag kukulay ako ng mga cuties, nang e save ko na sana
    biglang nag shut down ang puter ko, kakainis nawala lahat yong trabaho ko kahit isa
    wala akong na save grrr..tinamad akong ulitin sa sobrang inis natulog nalang ako.
    So far, may kunting update pa rin dito at
    dito alam ko ang panget pasensya na.

    Teka tignan nyo ang kyut ng check point hehe..

    Happy Monday sa lahat, labyo all. Bloghop muna!!!

  • 35 Comments
  • Filed under: Fall
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: