rice cooker…


Last day, pag bukas ko ng rice cooker. Yucck! as in yucky talaga, alam nyo baket?
Ewan kelan yon nag luto ako ng rice tas di ko pala naubos at nalimutan tas nung isang araw ko lang
nakita. Yucky, grrr.. kumakaway na yong mga molds. Bulagsak talaga ako, eh nalimutan ko
naman talaga. Pero sa pag bablog di ko talaga malimutan kahit walang kwentang kwento sige pa rin hehe..

Balik tayo sa rice cooker na yucky, ayon pooft! basura. Kumuha nalang ako ng lutuan nilagyan ng
bigas at sukat sukat sa daliri hanggang saan yong tubig para di masunog o ma hilaw yong kanin.
At the end, successful naman kunti lang yong sunog.

Pagdating ni hubby, sabi ko agad…”mahal nasira yong rice cooker ko kaya binasura ko na.”
Sagot nya, no problem bibili tayo ng bago. Pero hanggang ngayon wala pa, wala akong makita sa shop na
pinuntahan ko sa weekend na siguro kami maghanap.

Kagabi si hubby taga luto sabi nya yong lulutin daw nya with rice para sakin. Ako naman nasa
puter nag pixelling, walang paki sa kusina. Pero take note- ako yong
taga kuskos ha, ang hirap ata.

Kainan na..
Aba! steak with french fries ang nasa mesa, eh peborit ko yan hhmm… yummy! Di ko na tinanong si hubby
baket naging steak / fries yong pagkain namin. Kase peborit ko naman. Kahit walang rice
buong linggo basta may french fries yong pagkain mabubuhay ako, hwag lang tinapay di ko yan
kaya, buti kong tinapay sa pinas.

Habang kumakain kami, tanong ni hubby…”mahal, di ka ba racist?”
sagot ng lola nyo… “baket natanong mo yan, at hanggang ngayon di mo pa ako kilala? Di ako racist ah!”
with matching smile na sagot ko.
Sagot uli ni hubby.. e di kainin mo bukas yong nasunog na rice, sabay tawa.
waaahhh..kaya pala naging steak/fries yong pagkain, di pala sya successful sa kaldero.
Tumatawa kaming pareho habang kumakain, kaya sinabi ko rin sa kanya…” O sige uuwi nalang ako sa pinas
kase sunog na rice lang pala ang ipapakain mo sakin” medyo seryos yong mukha ni lola.
Sabi nya agad, “ikaw naman di mabiro, binibiro lang kita.” sabay hugs at kisses.
Tawanan to d max kami, kase mas lalo rin syang di ko mabiro.

Haay..sana may makita kaming rice cooker sa weekend, tinamad akong maghanap eh.

  • 66 Comments
  • Filed under: Fall
  • sort of day…


    Good morning/afternoon/evening everyone. Its a very wet morning here in our place.
    Its turned to rain now, and thanks God no heavy winds.
    It has been foggy here, and fog may last all day today.
    I guess fall season continued with foggy days and occasional rain showers.
    Haay mag winter na naman.

    Hoping again the sunshine’s back this week, sana Lord!

    And now, I am getting ready for cleaning tatlong araw kaseng di ako nag linis. Any tips
    on how to make it look good and fast? Para may time pa rin sa puter today.

    Cleaning is something you have to do everyday, pero pano
    kapag tinamad ka? hu hu huconfusing on how to start grrr.., a lot of things to do,
    rid of the clutter,wiping the glass window and vacuum and mop the floor,laundry and etc.
    waahh… never ending cleaning, ang hirap ng career ko! tsk tsk tsk..

    By the way, i have hundreds of cuties for colouring,
    I will try this week na may ma update akong fall cuties, and i will add some goodies din.
    So watch out guys sa mga mahilig ng country graphics.
    Pero uunahin ko muna ang paglilinis ng bahay
    para maganda ang resulta at malinis din yong ulo ko, kumbaga walang iisipin na nagkalat jan.
    Sa gayon gagana yong pag kukulay ko.

    Those who signed up in angelic-pink, please be patient with me.
    I may need some exttra time in cleaning now, and promise i will be spending tonight for
    your account. sorry kung medyo delayed na, umatake lang si KATAMaran ko.

    My doggy he feels better now and thanks for the responses, guys!!
    Yes, im glad my doggy is okay now, it is always hard
    to have a sick pet. He’s alright and that it wasn’t too serious, back to normal na naman
    ayon inaabangan yong kapitbahay na pusa.

    Im going to get off from this computer, thats usually a start.!I have sOoooo much to doooo.
    Pero bloghop muna, pero sa mga di ko mabisita ngayon mayang gabi nalang pramis.
    Labyo all!!! CIAO CIAO…

  • 38 Comments
  • Filed under: Fall
  • update lang…


    Sa halip na ngayon (Friday) yong appointment ni churchil(doggy) pero kinausap ni hubby
    yong beterinaryo, kaya naging kahapon ng umaga yong check up sa paa ni doggy.
    Ako yong pumunta dun kahapon dala si churchill.

    Pagdating dun, pinaliwanang ko yong nangyari, na yon nga hinabol nya yong pusa. Tas yon hinawakan
    yong paa ni doggy at inunat ba naman, aba! kinagat ni doggy yong vet. shempre masakit
    siguro yon noh! kaya nagkagulo kami. (Take note, walang rabies ‘tong aso ko alaga ni doc.)
    Nagkagulo kami kasi ayaw na pahawak ni doggy sa vet. nangangagat talaga. Kawawang doggy palaban sakin,
    kaya kinarga ko nalang ang bigat pa, jusko parang bebe grrr… habang karga ko, saka pa na injeksyonan
    ng pain reliever daw yon.

    Habang nag sasalita yong beterinaryo sa dosis ng gamot ni doggy, pinaliwanang din nya na… ok naman
    daw walang nasira na buto, pero baka daw may deperensya yong litid ba yon sa may tuhod. Basta yon
    yong pagka intindi ko.
    Kaya kapag di gagaling ‘tong paa ni doggy this week, patulugin
    sya next week para ma tignan uli ng vet. at x-rayhan.

    Sa dina daming paliwanang, pinilit ko ring maiitindihan ko yong sinasabi ng vet. Gusto ko sanang
    magtanong na, saan ba yong tuhod ng aso, meron ba?!
    Pero pinigilan ko yong sarili ko. Hwag nang magtanong kase naubusan na ako
    ng salitang barok na french ko. Baka magka mali pa ako, kakahiya. Ok lang yong habang
    nakikinig ka Oo ka lang ng Oo hehehhe

    Pag-uwi ko ng bahay, tinanong ko agad si hubby na, saan ba yong tuhod ng aso.
    bah, tumawa sya ibig sabihin di rin nya alam. Pero sabi ko, yon ang pagka intindi ko
    dun sa vet. eh! Haay..siguro mali ata yong pagka intindi ko kahapon, hehe…

    Yon lang ang update ko, walang kwenta.
    Happy weekend senyong lahat! labyo all.

  • 51 Comments
  • Filed under: Summer
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: