Sa mga bumasa nito pag pasensyahan nyo na ako mga friends….

Si churchill(doggy) nakita na naman nya yong pusa ng kapitbahay namin,
lalaki kase ang pusang yon kaya palagi sa bahay kase may babae kaming pusa,
eh nagagalit si doggy Kaya ayon habulan talaga. Bali si doggy yong bantay ng mga pusa namin.

Kahapon sinama ko si churchill sa labas pagdating sa bahay at pag bukas ko ng sasakyan para ilabas sya,
bah! biglang tumalon agad nakita pala nya yong pusa, naka tyempo yong pusa kase ala si churchill.
Ayon pag dating ko habulan to the max talaga. Ako naman napapaos sa kakasigaw pero ala akong magawa
pinabayaan ko nalang, basta alam ko hindi nya mahuhuli yong pusa kase aakyat yon ng puno sa likod ng
bahay, ganun yong eksena palagi eh.

Di ko napansin mga ilang minuto silang naghahabulan o anong nangyari kase nasa loob na ako ng bahay.
Nang bumalik na si doggy, alam ko nasa pintuan na sya kase kakahol kaya binuksan ko na.
Tas laking gulat ko nalang kase 3 paa lang yong gamit nya sa paglalakad yong isang paa naka taas.
Parang nasasaktan sya, at nang tinignan ko may sugat nga pero maliit lang naman. Ewan, anong
nangyayari sa habulan kahapon. Siguro nag patayan sila, di ko rin alam anong nangyari sa pusang yon.

Naawa ako sa doggy kase tatlong paa lang tas nahihirapan syang pa akyat sa hagdanan. Pasaway kase,
karma ng pusa sa kanya. Sa Friday pa yong appointment nya sa beterinaryo kaya magtiis sya
ngayon.

Teka, sa mga nagtatanong dito ko nalang sasagutin tinatamad na akong mag email eh.

Lalo na kay hanmae, oo naman pede kitang e host kapag may domain kana kahit 150MB, shempre libre!
kagaya sa binigay ko kay Ninah, di ko muna sasabihin yong domain nya kase ginagawa pa nya.

Lilinisin ko rin pala yong angelic-pink.net sa linggong ‘to, sa mga banyaga di naman nila naiintindihan ‘tong blog ko,
pero tiyak naiintindihan nila yong simple TOS ko dun kaya maiintindihan nila baket deleted yong account
nila. kase more than 30 yong nag signup at binigyan ko ng
account, pero iilan lang yong nag online. Tas may Egyptian pa na lalaki ngangungulit baket di ko
raw sya ginawan ng account sa angelic-pink. Eh, ka lalaki nyang tao baket sa angelic-pink?
ganito yon, *ahmed.angelic-pink* hehehe obvious na spammer diba o baka bakleng sha. Basta mga
lalaki dini delete ko talaga, wala akong paki kahit mag isa lang ang host ko dun o wala basta hindi
spammer at hacker yan ang importante. Libangan lang naman natin ‘tong online world,
Kaya dapat lang masaya tayo, walang inggitan at away. Dahil mas
importante ang offline world natin diba?

Humaba na pala ‘tong post ko, lalong sumakit ang ulo ko, im sick pala pero eto nakaharap pa rin
sa puter. Blog hop muna, yakang yaka ko pa eh. CIAO!!!

  • 38 Comments
  • Filed under: Summer
  • Paligsahan…


    Muzta senyong lahat! Tenkyo pala sa mga bumibisita dito, alam nyo na sino kayo mwaahhh!!!

    Kahapon nanood kami ng kakaibang paligsahan ng mga magsasaka. Binalikan nila nung
    panahon na wala pang farm tractor,kabayo pala yong nag aararo dito, diba sa pinas baka o kalabaw hanggang
    ngayon ganun pa rin.

    Yong palabas kahapon may labanan din, kelangan ipakita nila pano nila sinanay yong kabayo
    sa lahat ng bagay. Gash! nakaka tuwa dahil naiintindihan sila ng kabayo.
    Pinahanga talaga yong mga nanonood kase ganito yon, may hinihila yong kabayo na
    troso tas dadaan sa maliit na pagitan na kelangan di mahulog yong bola, mga sampong
    pagitan yon at may paikot-ikot pa, basta kakatuwa talaga. Makikita nyo sa pic eto at eto.
    Kakaiba din yong mga kabayo, parang kabayo ni cinderella kase wow legs ang tataba ng mga paa.

    Tapos ipinakita din nila pano linisin yong paa(kuko) ng mga tupa, nakakatuwa talaga kase ang kyut ng
    mga tupa, kapag tignan mo ang tataba nila pero balahibo lang pala yong makapal. Tapos niyaya ako ni
    hubby na sasakay kami sa, yong parang kalesa na malaki at marami yong nakasakay, jusko! naawa ako
    sa dalawang kabayo na taga hila, parang jeep yong hinihila eh. Kaya di ko talaga ma
    take na sasakay dun. Haay kawawa nung kabayo.

    Noon yong mga magsasaka kapartner nila ay kabayo pero ngayon de makina na lahat, tsaka na bawasan na rin
    yong pagod bilang magsasaka.
    Bali yong mga kabayo ngayon kain tulog nalang, makina na yong nag tatrabaho sa bukirin.
    kagaya nito, makina na yong nag rolyo sa damo, eto’y pagkain sa mga hayop nila kapag darating ang
    taglamig(winter). kelangan may naka tambak sila na ganito kase pinapakain din nila
    yong mga mailap na mga hayop sa gubat tulad ng usa atbp. Naisip ko tuloy kakain kaya ng tuyong
    damo yong mga baka at kalabaw sa pinas?! cguro naman kapag wala nang makain diba.

    Na halintulad ko ang magsasaka sa atin(pinas) at dito, napakalaki ng pagkakaiba na kung tutuusin
    parang damo lang yong itinatanim dito para rolyohin hehehe… tas napakayaman nila, samantala
    sa atin palay, mais, tubo(sugar cane) atbp. pero mahirap pa rin yong mag-uuma at least may makain din.
    Psensya na humaba tuloy ang post na ‘to.
    Happy Monday…labyo all!!!

  • 40 Comments
  • Filed under: Summer
  • mga pinalamon ni hubby!

    Naranasan nyo bang pag gising nyo sobrang gutom?
    Ano pa, di naghahanap ng malalamon, buti nalang may cookies.
    Nasa sulok ako habang kumakain ng cookies, kase yokong may kumausap sakin.
    Etong napaka coolit na hubby, nahalata ata nyang wala nga ako sa mood kase nasa sulok eh!
    ganun kase yon kapag wala ako sa mood hawak yong cam,
    piniktyuran ba naman ang lola, para daw makita ko raw hitsura ko kapag nakasimangot.
    Buti nalang aksyon lang yong hawak na gunting. Nilagyan
    ko ng maskara yang galit na mukha ko, kakahiya ng hitsura ni matsing.

    Pero ngayon ok na ako hehe…natawa nalang ako sa mga pics na kuha ni hubby.
    Kaya eto piniktyuran ko yong mga four legged babies ko, obvious na alang magawa diba.


    Ang taba taba talga ng mga alaga ko, kain tulog lang eh. Siguro naisip nyo na, magkasundo ba talaga ang aso’t pusa? Oo naman minsan, pag walang tupak si churchill. Kelangan sa lahat si doggy lang yong pansinin mo para walang gulo at ingay sa loob ng bahay, super seloso nitong aso ko sarap ngang bazookahin eh! Mababait yan sila ang sarap e hug de perfume lahat, kaso lang araw araw akong nag vavacuum…grrr! kelan kaya ma dedbol ang tatlong pusa na ‘to hehe(joke) lab ko yan lahat!


    Para maiwasan yong gutom eto yong snack ni lola, lika kain tayo. Karot po ‘to pero banana que o camote que ang paningin ko nyan.

    Happy weekend , labyo all!!!

  • 51 Comments
  • Filed under: Summer
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: