6 Sep
Lumabas si haring araw ika nga bumalik ang summer pero di na masyadong mainit.
Di pumasok si hubby sa work kahapon kase pumunta kami sa Belgium, la lang trip lang naming gumala
dun.
pag balik, bayong yong bitbit ko. 
pinag isipan ko pa anong ilalagay ko dito, malaki yan eh. At eto rin yong bagong pinky doggy ko, glamour ang tawag ko sa kanya kyut kasing kyut ni churchill. Kung saan piniktyuran ko si glamour, malapit na ring mapuno ng pink stickers ‘tong lappy ko. Im crazy for you pink thing!

At baket kaya tayong mga may matres madaling ma tempted sa ganitong abobot.
dami ko na atang koleksyon na ganito, im sure kayo rin diba. Haay babae talaga magastos.

Teka teka lang…
Hwag nyong isipin na ako’y isang hambog, dahil sa pinakita ko na mga pics. Kayo kaya ang walang
maipost hehehe…Bilang blogista normal lang yong may pic diba, para gaganda yong post at hahaba
din ng kunti hahaha.. wala talaga akong maipost, kaya hwag nyong isipin na pagyayabang yan.
Omg, wala akong dapat ipagyabang pramis! Natatakot lang ako na baka isipin nyo na ako’y isang mayabang.
Kayo kaya ang maka kita ng murang bayong 6 euro at yang si
glamour na kyut ay 9 euro at yang abobot 6 euro din, o diba sulit yong presyo mga pink pa!

Guys, maya na ako bibisita sa mga tahanan nyo, at maraming salamat sa lahat ng bumibisita dito. Ako’y mama lancha muna, jusko malapit na kaming habulin ng plancha!
Labyo all!!!
4 Sep
Helloo… mga friends!
Muzta weekend nyo? kami pagkatapos nag grocery, nag walking kami tapos naka tambay sa bahay.
May bwisita kase si hubby, chikahan sila to d max. Wala kaseng partner yong pren nya naghahanap. Haay
dami atang makikita pero namimili pa, kahit saan na sya pinadpad la pa ring natagpuan - isang piloto
grabeh alang mahanap tsk tsk…
Anoh, pang e chika ko! ah, kanina pag-uwi ni hubby galing sa work , syempre naka handa na yong noodles soup nya for lunch.
Bah! biglang sabay ganun, good news mahal! syempre nawindang ang lola nyo good news eh! Eto sabi nya,
mahal summer is back, 28 deg. tomorrow! ngeeh, weather pala yong good news. Jusko, kala ko nanalo
ng euro million.
Eto pa, pasko na sa pinas ano po? online FM yong music ko dito sa bahay, aww..ang gaganda ng mga christmas
song na pinatugtog nila, sa home radio Fm. kakamiz talaga. Umpisa na ng christmas decor dun pero
dito sa Luxembourg, 2 weeks before Christmas saka pa yong mga tao busy sa christmas tree nila at ibat-ibang
dekorasyon.
‘nga pala, eto yong award ko galing kay NikaTenkyo Nika, ako pala yong nanalo wahoo.

Teka, hahaba na naman ‘tong walang kwentang post ko. Nakakaloka nung puzzle, sinong may gusto
hands up! ibibigay ko sayo, pero may kondisyon pag nabuo mo na, ibalik mo sakin plis.

Maliit na flower petal lang yong nabuo ko eh, kaya itinabi ko muna.
Gumawa nalang ako ng
goodies kahapon at ibinalik ko rin yong last year pa na mga cuties.
Tignan nyo baka may magustuhan din kayo, libre naman yon eh!
O cge, hanggang sa muli. Bloghop muna ako. CIAO!
1 Sep
Hello senyong lahat muzta na mga prens.
Gumanda ang panahon dito lumabas si mr. sunshine mula kahapon, sana aabot ng one week na ganito sa labas plis.

Kahapon lumabas ako at eto yong nakita ko, flower babies na puzzle.

Kala ko 100 puzzle lang, kase yon
ang nakita ko eh, bah! pagdating sa bahay 1000 pala, ngeeh pano ko kaya ‘to matatapos. nakiusap ako kay
huby na, help me naman nito. Sinagot ba naman ako, binigyan ko raw ng problema ulo ko, pero nag pramis
sya tutulungan daw ako kapag nasa mood sya, waaahhh! Buong mesa namin sa sala niladlad ko ‘to isa-isa
ang hirap pala nito, malapit na akong sumuko wala pa akong na porma. Ina asam-asam ko ‘tong matapos
kase ang kyut nya pink eh, sana matatapos ko ‘to bago mag 2007 hehe…
Pinalitan ko pala header ko pansamatala lang ‘to, love ko si charmy kitty kaya ibalik ko yon.
O cge guys hanggang dito muna,
medyo busy ako sa kaka porma sa puzzle talagang
kayod na ‘to hehehe..
At pasensya na kayo sa walang kwentang post ko.
Maraming salamat sa lahat ng bumibisita dito sa site ko, happy weekend senyong lahat.
bloghop muna si lola. Labyo all !!!
Recent Comments