walang kwentang post na ‘to!

Muzta na kayong lahat! ako naman, eto mapula pa rin ang hasang!
Sa lunes na uli ako mag update ng mga cuties, meron akong nakulayan dito kunti lang, kaya
sa lunes nalang talaga.
Kahapon lumabas ako naghahanap ng wala, eto yong mga natagpuan ko.

Nakita ko yan sa mall sa bandang platuhan, katabi ng mga palayok, e di ano pa - food cover na parang
mosquito net ng bebe. Jusko, tag 1 euro lang kaya ako pa, may pagka kurifut ata ‘to. Sa totoo lang
inisip ko talaga na, food cover kaya ‘to? ang kyut may feather pa yong gilid at higit sa lahat-
fink sha! kaya sino bang di ma tempted na ako. Kaya bahala na, magamit ko man o hindi basta bitbit ko
ang bagay na ‘to. Tatlong kulay nga ang meron dun blue, yellow tas pink.

Sa kakalibot ko sa mall na yon, napunta sa bandang sapatusan. Na naman, na tempted uli ang lola
nyo, pink eh! Hala kahit di ko ka size bitbit parin,37 size ng paa ko tas 38 yan mura lang kase 10 euro.
kahit walang signatures yan, maganda pa rin sa paa ko. Lalagyan ko lang ng papel sa dulo para
magkasya ano po? hehe…
 
 
Pagdating ng bahay, niluto ko agad ang tatlong piraso na mais na binili ko, yummy…
presko pa kase. Ako lang mag isang kumain, arte ni hubby ayaw nya, e di salamat kulang pa nga eh.
Niloloko pa ako, palagi daw akong kumakain di naman tumataba. Baket kaya noh?

Dito nag tatapos ang walang kwentang post ko, bloghop muna ako! labyo all.

  • 46 Comments
  • Filed under: Summer
  • Nag biking na gutom!

    Muzta na kayong lahat!
    whew, ngayon lang ako nakapag update, Kaya eto mag uupdate na ako
    baka magkaron ng cob web ‘tong haus ko at isa pa gumanti si mmylei umandar ang pagka coolit.

    Dami ko palang nagawang adoptable cuties, dami daw ha! tignan natin.

    Teka, kunting update muna sa weekend namin. Naranasan nyo bang nag ba bike na gutom?
    Ako grabeh, nung sabado nag biking kami ako’y gutom.
    Baket? bago kami nag biking nag grocery muna kami tas maliit na tinapay lang yong kinain ko
    sa lunch, kase nag mamadali nga. Pagbalik galing sa grocery, naka ready agad mag biking, pero
    wala akong naramdaman na gutom ha! Biking agad, ang gaan ng feeling kase medyo walang ulan at
    gumana kunti yong panahon.

     

    Nang umabot na akami ng 10 km sa pag babike saka ko naramdaman yong sobrang gutom. Ayon naisip ko
    wala pala akong hustong pananghalian, PATAY! Pano ako makabalik malayo na yong naabot namin.
    Eh, wala pa naman akong dalang wallet.
    Nag reklamo ako kay hubby na gutom ako, may dala ka bang wallet? Sabi nya wala! Pero, may 5 euro ako.
    Sagot ko pa, baket may 5 euro kang dala wala ka namang wallet? Sabi uli nya, ako pa! Kapag kasama
    kita, tiyak may reklamo talaga. Natawa nalang ako kase totoo eh.

    Salamat talaga sa 5 euro ni hubby, bumili sya ng tinapay at isang coke. Kahit di ko gusto ang
    tinapay na yon, kapag gutom lahat masarap diba? Kaya ayon bumalik ang lakas ko, tas bumalik na
    kami ayaw ni hubby na e continue namin yong lugar ng pag bisikleta kase baka gutumin uli ako
    ala na syang pera hehe…Ayon bumalik nalang kami,
    another 10 km so bali 2 way 20 km yong pag babike namin.
    Tas ayon pinag sabihan ako ni hubby, sa susunod daw kakain ako ng husto. OO na!

    Kahapon, panget ng weather dito, ulan init kaya after walking namin, nag babad ako sa puter
    shempre pixelling ang inatupag ko. Kaya nag ramble ang bahay ko ngayon kase di pa ako nag lilinis.
    Pero pagkatapos ko nito, saka ako mag linis tas maya na ako bibisita sa mga tahanan nyo pramis yan.

    Eto pala yong update ko sa adoptable page ko.
    Sweet Fairies
    Sweet Sticky
    Sweet Bunnies
    MISC

    Dagdagan ko pa yan ng mga cuties, antayin nyo darating ang next update na mga goodies,
    mag kukulay pa ako at mag isip ng magandang design!
    O cge, CIAO muna maglilinis na ako. See ya later! labyo all…

  • 42 Comments
  • Filed under: Summer
  • Im sooo lazy!


    Got a neighbor you don’t like?

    Maybe does things that are irritating…

    has trees that drop leaves and they always end up in your yard?

    Want to score some points?

    Well here’s one idea that might help get your point across….

    or maybe just make you feel better!
    Tips for strict neighborhood!

    Btw,..
    I’m feeling lazy today, so a chance of a bit more sleep this morning. … and by the time,
    i had a difficult painful abnormal monthly flow. In short
    a killer dysmenorrhea huh huh .
    I don’t want to do my work (cleaning…etc.) Argh!
    I don’t know if i’m taking a break of my job (blogging) or just being lazy.

    Anyway, i need rest so i can stay up later checking other blogs. Love ya’ll…

  • 52 Comments
  • Filed under: Summer
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: