Happy Monday!

Since i’ve had a new job [blogging], my hubby has been doing the dog walking.
Walk the dog is highly recommended by veterinarians.
Pero kapag umatake si KATAMaran ko.
Hinahayaan ko nalang si churchill sa garden namin mag walking.
Hubby said, *exercise is good for you and your dog.* Alam ko!
Pero may araw na, tinatamad ako. Pati nga sa pag bablog natamad din ako.

Yesterday was nice and had a long walk in the forest. It smelled wonderful, seeing the birds and chipmunks is quite enjoyable. isn’t it?! Mawala talaga yong stress mo.
Enjoy na enjoy si doggy and im sure
i’ll be the greatest hero in his life hehe…

Oh, boy! I was wearing a jacket so it was not that hot, but at the end it could be a popsicle …
pinag pawisan na eh!
Yon lang ang weekend namin. Psensya na sa post ko, halatang wala sa mood. Maya na ako mag hoping pramis!
Labyo all…

[edit//]

Sayang ang peborit ko na si Floyd Landis, parang naniniwala ako sa scandal laban sa kanya tsk tsk…

  • 38 Comments
  • Filed under: Summer
  • pcko!

    Muzta mga kaibigan ko!
    Pumapatak na mga butil ng ulan mula sa langit, haay… ang sarap matulog ng mahimbing.
    Pero teka lang, uunahin ko muna ang pag bablog kakatapos ko lang mananghalian, eh hapon na pala.

    Ang bilis talaga ng panahon ano po! Weekend na naman, pero uulanin ata kami sa linggong ‘to, hhmm
    di kami maka gala sana may sunshine bukas.

    Kanina bago bumalik si hubby sa work nya, medyo iniba ko muna yong mood ko. Yong tipong galit
    na parang naiinis. Kinokonek ko kase tong laptop sa pc, eh ang lalim ng instruction
    di kaya ng powers ko. German kase tong windows ko.
    Eh, tuwing may problema ako sa puter, at pag sinabi ko kay hubby na…help me naman - wid
    lambing pa yan ha.
    Tas ganito lang yong isagot nya, ok 1 minute tas yong 1 minute
    maging one hour at maging bukas pa. O kaya sagutin ako ng, ok later!

    Kaya naisip ko kanina ibahin ko muna ang lagay ng aking kalooban, para di ako sagutin ng 1 minute.
    Ayon, diretso tinulungan ako, siguro naisip nya na baka tuluyang umandar ang buhawi sa ulo ko.

    Habang kinakalikot nya yong instruction, tinanong ako, kung oks lang ba sakin ‘tong hitsura ng
    pc ko,. Pina upo ko muna si churchill at pinktyuran para makita nyo gaano ka messy.

    Ang gulo daw, hehehe.. bat andaming papel sa gilid. Sagot ko naman, ooppss..importante yan.
    Aba! kinukulit pa ako, alin daw yong mas madali at safety, sa lotus o ganito yong nakadikit
    lang sa gilid. Ah basta! para sakin mas madaling hanapin yong ganito, hehe. Alam nyo ba
    anong nakasulat nyan, mga password yan lahat - nakikita nyo ba?! Andami dahil sa mga subdomains ko rin.

    Kaya buti nalang pinaalala ako ni hubby, e transfer ko ‘tong lahat mamya sa lotus. Ganito din ba
    desktop nyo hehe…kakahiya ko talaga noh.

    Pero at least tinulungan akong mag konek kanina ni hubby,
    Di ako sanay mag pixelling sa laptop, kaya eto alang magawa ang lola nyo.
    Happy weekend senyong lahat! God Bless…

  • 48 Comments
  • Filed under: Summer
  • boy bawang!

    Muzta senyong lahat! Ngayon walang init dito yon bang parang…
    hamog na nangunyapit na lumalagpak mula sa langit hehe.., kaya oks ang pakiramdam.
    Hmm… wala naman akong mai post, i mean alang kwenta naman ‘tong post ko.
    Palagi naman kaya pasensya na!
    Nung Lunes, pagkatapos ng dentist appointment namin, dumaan muna ako sa pet shop ala na kaseng
    pagkain ang mga fishy ko, at naisip ko rin wala na ring perfume si doggy kaya eto lang yong binili ko sa pet shop.


    Nagustuhan ko ang perfume na ‘to mabangao sya as in, kaya biniro ko si hubby. Sabi ko sa kanya pag naubos na perfume nya pedeng share muna sila ni churchill.
    Sabi nya sobrang naughty ko raw. haay naku! minsan pag good girl naman ako, nag tatanong kung may sakit ako o anong problema. Kapag
    umaandar naman ‘tong ka coolitan ko, nag rereklamo ang ingay ingay ko daw! Diba, ang labo talaga ni mokong.


    At eto pa, dumaan din ako sa asia market. Kase naisipan kong bumili ng anong meron dun.
    At eto ang naisipan kong bilhin, tatlong lata ng sardinas, naisip ko kase yong
    premyo na binigay ni chikai key Choco, dun sa grupo
    na sinasalihan ko. Ayon niluto ko ‘to kahapon, bagong putahe para kay hubby, palagi na kaseng knorr
    noodles soup eh, kaya maiba naman. Kitamz! ang sarap daw, makabili nga uli.

    At yong ikina gulat ko ay si boy bawang, sa wakas natikman ko rin sya ang sarap pala grabeh!
    kaya yoko nang mang hingi kela fafi KD at mmylei at baldo, umabot din pala si boy bawang dito.
    Dalawa lang binili ko kase subok nga lang, ang sarap pala. Makabili nga uli dun, sana meron pa!
    Kaya eto habang nag tatype sabay subo naman.
    Hwag na kayong manghingi plis, kulang pa nga eh!
    labyo all… blog hoping muna akho!

  • 43 Comments
  • Filed under: Summer
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: