5 Jun
Wahoo Monday na naman! long weekend si hubby ’till tomorrow *”Pentecost Holiday”* dito
kaya sa Wednesday na sya papasok. Ang sarap pag kasama ko lagi ang mahal ko.
Teka bago nyo malaman ang mga nanalo sa pa contest ko, kunting share muna ang lola nyo.
Kahapon ang ganda ng weather 16 degrees pero malamig pa yon sakin ha, di kaya ng bohto ko - im
not european skin like my hubby feel daw nya parang summer na.! Balat kalabaw anoh?
Pumunta kami sa old castle, sa may northern part ng Luxembourg - marami nga namang old
castle dito pero dito kami napadpad kahapon. Nag aksaya na naman ng gasolina. Jusko!

Kahit malamig ice cream pa rin…Klik
::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
Imagine 2pm na ako nakatulog kagabi, na busy kase si hubby sa puter nya kaya ako naman natapos ko ang coloring para sa mga nanalo. Bago natulog nakausap ko si Lanie G sa online phone, salamat sa pagtawag Lan - sana uli. Libra eh! At nagising ako kanina 11:30 na.
Eto na yong inaabangan nyo. Lahat magagaling di ko talaga pedeng e jackenpoy hehe…
kaya ganito nalang ang ginawa ko.
10 points-up =1st place
8-9 points = 2nd place
6-7 points= 3rd place
Yong hindi umabot sa points shempre may cutie pa rin kayo.
Tsaka pasensya na kayo sa premyo ha, yan lang ang nakayanan ko. At sana nagustuhan
nyo rin ang kulay fink fink basta fink talaga ako - o pastel yan ang kulay ko.
Sa next uli mag coloring tayo gagawa muna ako ng magandang outline.
Congrats talaga senyong lahat ang galing galing galing nyo talaga lalo na sa mga newbabe
in pixelling kagaya ni Babette at Mira. Go gurl, ingatan ang mata.
Happy Monday guys - labyo all mwaahhh…
2 Jun

Good afternoon everyone, TGIF here
its been overcast earlier but
the sun has peeked out now.
This is what i did with my simple outline and really enjoyed doing it.
I love what everybody did with the outline. Great job, guys!
Ako’y litong lito sino ang dapat manalo, grabeh ang galing galing galing
nyo talaga. Yong mga entries DITO nyo makikita. Good luck guys labyo all…
Adoptable pala yang dalawang bear sa puno ng bayabas hehe… baka may gusto FREE to snag - but no hot linking please.

Sa lahat ng sumali paki kuha uli sa button na yan, click nyo lang at kopyahin
ng maayos yong code. Tenkyo!
May new site pala ako [angelic-pink.net] napaka simple lang talaga. Pero di pa sya lubusang natapos umandar ‘tong tamaritis ko eh - at least online na. 2 weeks na kase yan kagabi ko lang inasekaso ng kunti. Sino sa inyo naghahanap
ng host signup lang kayo hehe… tumatanggap ako ng kahit ilang hostees dun.
Kaya etong
lollipop.lu di na ako tumatanggap ng hostee dito. May nag iisang baby sa lollipop.lu walang iba ay
si sissi Cehs lang [pink.lollipop.lu] paki bisita na rin sa new site nya.
Forgive and indulge me please….I am not sure why this little
cutie struck me kinda funny - oh boy, but it did….
Might be lack of sleep
or dunno in blogging…? 
waving to all… Happy weekend!!!
31 May
Hello mga prens, muzta kayong lahat. Medyo busy ang beauty ng lola nyo dito.
Kahapon gala kami ng klos pren kong klasmeyt taga Belgium sya nag dinner kami sa labas. kami kami lang busy si hubby ko at busy din yong asawa nya kaya nag sosolo kami heheh.. *”duet pala”*.
Nangungulit kase kelan
daw kami magbakasyon sa pinas sasama silang mag asawa.
Grabeh sobrang busog , yummy yong
kinain namin “*ham wid salad & fritten*” bilib me ang sarap talaga. Pero hanggang 10 pm
lang kami kase may curfew sya, whew! kelangan 10 pm nasa bahay na sya ang higpit ng
asawa nyang may matres hehhe.. parehas naman silang may matres eh, *”lesbian couple”*.
Kaya pala may curfew kase baka daw iinom sya - uminom nga naman ng kunti 2 glasses of
champagne - ininom ko soda water lang takot akong malasheng uli sa champagne, kahit
one glass umiikot na ang mundo ko nyan. Pag- uwi sinundo ako ni hubby, kase
pano ako maka uwi ala akong sasakyan, di ko kase alam yong lugar ng resto ayokong
nag daddrive tas tumitingin pa kaliwa’t kanan sa paghahanap takot akong mabangga.
Kaya inihatid ako ng hubby ko sa resto na yon. Balik tayo sa pren ko,
sanay daw syang mag drive kahit nakainom - sanay nga! nakauwi pa rin sa kanila.
eto yong mga mukha namin, pasensya na sa mga mukha na yan. 

Tapos kaninang umaga may rendez-vous ako sa Doktor ng mata, cguro inisip nyo dahil sa kaka
blog ko nasisira na ‘tong mata ko. Oo dahil sa pixelling na yan hehe..
Kinausap ako ng Doktor anong problema sa mata ko - sagot ko pag nakaharap ako ng puter
naiiyak ako hehe.. tumutulo kase yong luha ko. Natawa yong doktor. Ininpeksyon yong
mga mata ko. Sabi nya, walang problema sa mata mo “*everything is clear your retina & cornea*”
tsaka pinabasa sakin yong mga alphabet - nabasa ko naman lahat. Pero nangungulit pa rin
ako. *Dok gusto ko yong mata ko hindi sya luluha pag nakaharap sa puter lalo na pag nag
pixelling ako* hehe.. aba natawa sya! sabi nya kaya daw luluha yong mata ko dahil nalimutan
ko na raw kumurap hehe.. totoo nga sya! Kaya payo ni Dok hwag
daw sobrang pagurin ang mata hehe..niloko na naman ako ni hubby. Hay naku yon lang ang
payo ni Dok *hwag pagurin ang mata* nagbayad agad ako ng 50 euro ang mahal ng laway nya
anoh? Pero oks lang 80 percent binabalik naman ng insurance.
Yong mga nag submit ng pixels, gash! ang gaganda ng mga resulta tiyak magugulat kayo
makikita nyo sa byernes i popost ko lahat.
Bye muna guys after ng hoping ko
mag kukulay ako ng outlines para sa premyo nyo hehe.. pixels din pala ang premyo.
To Pamz tenkyo sa certificate hehe happy me!
Love you all…mwaahh
Recent Comments