19 Mar

Eto ang aking lahok sa LP.
Nabili ko ‘to nung panahon ko sa Dubai ika nga eto ay katas sa unang sahod ko.
Naalala ko lang ang alahas na eto dahil tawad ako ng tawad sa panang tindero ng alahas sa gold souk, buti nalang at nagka sundo kami sa presyo.

Ang sarap mamili ng mga alahas sa Dubai dahil pwede kang tumawad, mga style kase ng nagtitinda minamahalan nila yong presyo kasi barat ang mga arabo. Buti nalang tinuruan ako ng mga kasamahan ko nun sa trabaho na hwag mahiyang tumawad. LOL
14 Mar
Yay! officially spring na dito ngayong susunod na sabado.
Mag lilinis sana ako kanina sa harapan ng bahay pero may ginagawa si hubby walang mag bantay sa kambal, dami talagang lilinisin pagka tapos ng winter tsk tsk…
Walang magawa kanina pinipiktyuran ko nalang yong mga flowers ko na tira sa winter. More photos here.

12 Mar

Eto ang entry ko sa temang polo sa LP.
Magkaiba sila ng polo dahil bigay kase yan ng tita nila, para daw makilala nila kung sino si bebe Mik at bebe Mac. LOL

Recent Comments