21 Feb
Mag 2 year old na sila ngayong March pero tapos na ang birthday nila last January 5 - Sinusunod kase ang corrected age sa preemies hanggang 4 years old sila.
Binilhan ko sila ng simpleng back pack at lagi ko sinasabi na pupunta na sila sa school kaya dapat may backpack. hehehe
Pareho silang tuwang tuwa sa kanilang backpack at si bebe Mik tawag nya sa back pack ay “BACK KAK” pag diretsong salita. lols
Si bebe Mac naman tawag nya sa backpack ay “ISKOL” super clear ang pagka bigkas ng iskol talga hahaha…
Alam ko malayo pa ang pasukan nila pero excited na ako hehehe pati ang lola sobrang excited mas excited pa nga sakin. lols.
Click imgaes for larger view.
19 Feb
Yea, kuha ko ´to kanina.
Hanggang nood lang sila sa labas sobrang lamig pa eh dami pa ngang snow.
click images for larger view.
18 Feb
Para sa litratong pinoy eto aking lahok sa temang batik.
click on image for larger view.

Sa totoo lang wala akong ibang maisip para sa temang batik, siguro pwede na rin tong entry ko hehehe bigay pala ´to ng tita ko noong umuwi ako sa pinas at di ko nagamit kase di naman ako mahilig sa mga ganito, respeto ko lang sa tita kaya tinanggap ko ang batik na bathrobe. lols
Recent Comments