sleepless nights

Madaling araw na dito at eto gising pa ako.
Gusto ko nang matulog, ako’y antok na talaga.
Pero eto pinilit ko sarili ko, na kelangan hwag munang matulog.

Inisip ko nga pano kung wala akong alam sa internet, pano ko kaya
labanan ang antok sa oras na ‘to.

Gising pa ako.

Pagod na pagod, gusto ko nang matulog.

Helpppp…

Pano ako maka tulog gising pa ang precious twins ko.
Halos mag isang buwan na ganito lagi.

Pero maswerte pa rin ako dahil hindi sila iyakin, naglalaro lang sila,
napaka aktibo nga.

Hitsura ko parang zoombie ang laki ng eyebags parang sinuntok. Kahit magising ako ng 10 or 11 sa umaga, antok pa rin ako, pero kelangan ko naman magising para pakainin ang babies at paliguan, gawaing bahay etc. etc. sa loob ng isang araw isang beses lang ako kumain alas 3:00 ng hapon, kase yan lang ang oras na medyo free ako. Hindi naman ako nagugutom at eto bumaba naman ang timbang ko.

Haay…

Honga pala tenkyo sa lahat ng birthday greetings.
Luv you all.
Bukas na ako mag bloghop.

matanda na ako

Paalala lang po. Blogger din ako kagaya nyo kaya hwag nyo po sanang bigyan ng ibang kahulugan ang post na ‘to. At isa pa para naman may update ang bloggie na ‘to. LOL

Nadagdagan na naman ang edad ko ibig sabihin matanda na ako pero isip bata pa rin nyaahhh… Happy Beerday to me!

Nung Martes may cartoon naka patong sa mesa. Tinanong ko si hubby anong laman sa maliit na cartoon, para kanino.

…sagot naman nya wala! at bubuksan ko lang daw sa Sabado.
Eh, ako pa. Kala nya maka pag hintay ako. Nag agawan pa kami kase ayaw talaga nya pa buksan, eh bakit kase pinakita sakin.

Shempre nung martes ko rin to natanggap birtde gift daw nya sakin. Susme camera lang pala. Iba yong gusto ko na regalo hindi camera, gumagana pa naman kase yong old cameras ko eh. Well, ok na rin ‘to natanggap ko rin. lol

Eto naman bigay ni MIL ko, perfume at kunting pang shopping.

Ang handa sa birtde ko ay pritong isda, sinawsaw sa toyomansi. At ako lang mag isang kumain naka kamay at naka patong yong paa. HEAVEN!!!

my 2 lil santa claus

Pasko na diba?!
Parang tinamad akong patayuin yong christmas tree namin. Masarap mag lagay ng dekorasyon sa christmas tree, pero ako’y super tamad naman mag ligpit. Argh!!!

Pero eto, napaaga yong santa claus namin dito hehehe… Dumating kase yong damit nila kahapon, binili ko sa online. Nilabhan at sinukat ko sa kanila, tama yong size, kaso walang sleigh at reindeer. Maghahanap pa ako sana may makita. LOL
More pics sa flickr ko.

Laro lang sila ng laro hanggang sa mapagod at maka tulog. CUTE!

  • 15 Comments
  • Filed under: Daily Post
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: