twins video

Habang nanood ako ng MTV, nasa bouncing din ang kambal. Inopen ko kase yong mga bintana sa nursery kaya nasa bouncing sila. Si Mikmik ayaw nya matulog sa bouncing kahit super antok na sya. Pero si Macmac walang paki kahit anong ingay pa jan basta antok na sya natutulog talaga yan. :)

Kuha ko ‘to kahapon.


MacMik from Sweetkendi on Vimeo.

Kapag pareho silang hindi inantok super ingay ng dalawang yan nag sisigawan. Maya na ako mag bloghop tulog muna ako, maaga pa dito kaalis lang ni hubby going work. Cya!!!

  • 6 Comments
  • Filed under: Daily Post
  • Disaster area

    May bisita si hubby ngayong darating na linggo kaya todo linis naman ako. As in general cleaning na ‘to hanggang sabado, hindi ko naman talaga matapos pag one time lang kaya iniisa-isa ko yong pagkakalikot ng bahay.

    Inakyat ko ang pinaka tuktok na parte ng bahay, pinangalanan ko ‘to na disaster area, at dito ko tinatambak yong mga gamit na minsan lang namin magamit, at di na nagagamit. Normally yong laging umakyat dito ay yong taga linis ng chimney.

    Dito ako dumaan sa folding stairs na super bigat e open at e close, at si churchill naiinggit kase eto lang yong parte ng bahay na di nya naapakan. Gusto nyang sumunod sakin pero napaka tuktok nang hagdanan kaya no chance.

    Sa wakas may laman na ang cabinet na yan, tinambakan ko ng mga gamit na walang silbi, sana di makita ni hubby magagalit yon kapag iniipon ko yong di nagagamit. Di ko alam anong purpose ng malaking pipe na yan tsk tsk. Nasa side view ako nag piktyur nito kase baka makita nyo hitsura ko sa salamin na super haggard.

    Sinirado ko na rin yong mga bintana dito kase malamig na, baka bigla pang mag snow. At walang heater sa lugar na ‘to kaya giniginaw ako habang nag aayos jan.

    Super hirap umakyat na may bitbit, buti nalang magaling ako umakyat ng kahit anong puno nun kaya nagawa ko rin yong mga bagay na gusto ko ilagay sa lugar na ‘to.

    Ngayon gabi na dito, sumakit yong tahi ng CS ko, masakit igalaw. Pero di ko pinaalam ni hubby dahil siguradong mapagalitan ako ng sobra sobra, wala syang kamalay malay sa mga ginagawa ko kanina. Siguro sa sobrang work ko lang ‘to, lalo na yong folding stairs na super bigat. Nainat lang ata yong muscles ko sa bandang may tahi kaya siguro sumakit.
    Sana walang mangyari sakin, dami ko pang gagawin sa 2nd floor at sa basement, how I wish na may magic wand ako.

    Another topic…
    Butterfly award from Charchar and Lily. Thank you guys.

    Then, I would like to give this award to Chikai, Scart, Irel and Carlota.

    Rules:
    Put the logo on your blog.
    Add a link to the person who awarded it to you.
    Link 10 other bloggers whom you wanted to share this award to.
    Give a reason why you consider that person’s blog cool.

  • 15 Comments
  • Filed under: Daily Post
  • Big change

    Malinis na uli ang bahay ko. Sa wakas.

    Nagagawa ko na ang dapat kong gawin. Basta busog lang ang kambal ilagay ko lang sa nursery o “twins room” at tambakan ng mga laruan maglalaro yan sila hanggang sa makatulog.

    At shempre pinaka importante may bonding time pa rin kami, nilalaro ko sila, kinakausap, tinuturuan etc. etc. at higit sa lahat minamasahe. Buti nalang at marunong akong mag masahe at nagamit ko rin yong napag aralan ko nun.
     

    Premature ang babies ko (10 weeks early) kaya kinakailangan nila ang bebe massage. Dito sa Luxembourg may bebe gym for premature babies, as long premature ang anak mo wala kang babayaran, libreng offer ng ministry of health. So, probably next week mag umpisa na ang kambal sa gym nila. Di ko pa alam kung anong gagawin sa bebe gym nila, siguro may masahe din at kung may swimming go go na rin ako dahil dumating na yong MIL ko from long long vacation, pwede ko syang tawagan para matulungan ako.

    Ibang topic naman, autumn also known as fall na talaga, at eto sangkatutak ang lilinisin araw araw andaming dahon na wawalisin. Ang gaganda na rin tignan yong mga puno.
     

  • 13 Comments
  • Filed under: Fall, daily Post
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: