11 Mar
Kanina nakapasok ang kambal sa kwarto namin at dumiretso sa shower room, halos mahimatay na ako sa kakahanap andun lang pala sa shower room naglalaro. Mabuti nalang at hindi binuksan ang toilet bowl, whoaa… di ko talaga maigine kung napansin nila ang toilet bowl siguradong may milagrong mangyayari.
Sobrang napakalikot nila as in sobra - kelangan ko talga ang apat na mata at apat na kamay magbantay sa kanila. :)
5 Mar
ang kkyut ng kambal pero yon nga hirap piktyuran ang ganitong edad kelangan talaga ang timing. Pero kyut pa rin shempre babies ko :) .
3 Mar
Mahilig sa music ang kambal buong araw talaga may music sa bahay pwera nalang sa gabi at aside sa mga books dumadami na rin mga cd´s nila - hindi ko sila sinasanay sa mga cartoon movies.
Tuwing feel ko mag pasaway nagkakaraoke ako at shempre music yon kaya like din ng kambal at feel din nila na kumakanta hehehe
eto ang mga eksena :)
At shempre tinitikman din ang microphone, siguro iniexplore lang baket nilalapit natin sa bunganga kapag kumakanta hehehe…
Recent Comments