17 Apr
Busy kaya ngayon lang may update dito.
Nung Monday 2nd pedia visit ng kambal at tumakas talaga ako sa room para di ko marinig yong iyak nila, dalawa sila ni hubby at doki ang nag ayos sa kambal.
Sobrang gulat ni doki sa timbang ng dalawa, dahil sa loob ng limang linggo nag gain si bebe Marc ng 2 kilos at si bebe Mike 1 kilo at 600 grams at pareho sila ng taas magka iba lang sa kilo. Bina base kasi ni doki sa corrected age nila kaya nagulat sya. Bah, biniro ba naman ako, binigyan ko ba daw ng beefsteak si bebe Mac as in tinimbang nya ng dalawang beses baka daw nasira mata nya. LOL
Sabi ng pedia very healthy babies at base sa height nila ok lang yong timbang, at sabi nya normal daw sa infancy stage na tabaching. Pero pag one year old na daw kelangan dahan dahan para di mag overweight.



Honga pala may update page ako “Preemies” pics ng kambal nung nasa NICU sila, wala pa akong time mag upload sa video kung saan makikita nyo yong lahat ng movement. LOL
alam nyo siguro sa sobrang pagod ko kaya naging ulyanin at minsan di ko alam yong pinagsasabi ko, mainitin ang ulo at madaling masira ang mood kaya super careful si hubby dahil sya lagi ang masisigawan ko. Pipol sori kong may makita kayong mali sakin o kaya dito sa bloggie ko na mali yong grammar o kahit ano. Psensya na sobrang stress ko talaga.
11 Apr
my twin boys are now 12 weeks old, born at 31 weeks gestation, would have a corrected age of 3 weeks and 6 days old, now.

Fun colors that my twins love!

Habang pinagmasdan ko ang kambal sa kanilang bouncing cradle, nag coos at binavibrate yong lips, lalo na si Mikmik na maliit ang madalas nag vibrate sa lips nya. Kakatuwa talagang tignan. At pag kinakausap mo sila talagang naka titig sayo. LOL
Ang bilis talaga ng panahon palaki ng palaki ang kambal ko. Next week 2nd visit nila sa Pediatrician. OUCH!
8 Apr
Nakausap ko na sis ko at desidedo syang pupunta dito. Hooray! Pero mag depende sa bosing nya kung papayagan syang mag bakasyon, argh! sana pls.
Umaasa pa rin ako.
No way! na ibang lahi ang mag alaga sa kambal iba talaga kapag kalahi mo.
Tulog yong isa dahil busog at gising naman yong isa, kaya no chance na maka tulog ang mommy nila.

Kahit matamaan sa mukha tulog pa rin yan o kahit anong galaw di yan ma disturbo. Kapag ilayo ko yang isa saka lang yan magising at iiyak, pwera kung pareho silang gising pede mong kargahin ang isa sa kanila. Pero kapag tulog kelangan magka tabi yan sila.

Recent Comments