basta weekend, relax

Weekend kaya relax ang byuti ko, mahaba ang tulog at si hubby ang baby sitter. At eto nakapag palit din ng layout.

Sana weekend lagi ‘noh?! LOL

magkaiba sila ng taste, gusto ng isa at ayaw naman ng isa. LOL

  • 13 Comments
  • Filed under: Spring
  • ang kambal

    Kagabi kahit anong gawin ko mapa sayaw, kanta, yugyog ay ayaw pa rin matulog ang kambal. Super active ng dalawa. Kapag tulog ang isa yong isa naman ang gising.

    As usual wala akong tulog.

    Ngayon andito sa bahay si hubby nag off sya sa work dahil pinapa tulog ako. Haay.. tenkyo!

    Tummy time ng dalawa.

    “alam ko bro. malaki ang butt mo keysakin”

    Ganito kapag magka dikit magka hawak ang mga kamay at may suntukan, kamutan sa mukha, pero di umiiyak yong sinong matamaan.
    “mommy sinuntok ako ni Mikmik”

    Sabay umiyak parehas din ng aksyon. Nakakalito sinong uunahin ko, kaya Bentot Bentot… LOL
    “mommy gutom na kami”

  • 16 Comments
  • Filed under: Spring
  • walang tulog

    Kahit ako’y superrr pagod as in pagod na pagod pero may update pa rin dito. Oh boy, sarap mag update ng blog basta pic ng babies, diba mga mommies?!

    My precious Macmac

    My precious Mikmik

    Gusto kong matulog, pero pano nasa work ang baby sitter(hubby). Eto ngalay ang dalawang braso ko sa kaka yugyog ng bouncing craddle ng kambal,susme sumisigaw kapag ihinto ko sa pag yugyog.

    Gusto kong sumigaw ng DARNAAAAAAAA…

    Hinintay ako ng laundry, sumigaw na ang dryer, kinalabit na ako ng plantsahin, malapit na kaming habulin ng plantsa. Gusto kong utusan si churchill (doggy) na vacuumin mo naman yang mga balahibo mo.

    Lahat ng oras ko nasa kambal, lahat ng gawaing bahay napabayaan ko na, kahit naging wonder woman na ako, pero sa ngayon kelangan ko ang magic wand.

  • 18 Comments
  • Filed under: Spring
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: