28 Mar
Nag grocery ang lola bumili ng pampers, wipers, etc. etc. at etong winnie puuh (German). Di ako magaling sa German at France ek-ek kaya si hubby ang maging teacher ng twins. Siguro nagtaka kayo pano ko dinala ang kambal, basta isipin nyo nalang naging wonder woman na ako.

Nagagawa ko yong di ko nagawa noon, nawala na yong pagka kikay, tseh!
Pati paa nakakatulong din pala. Paano?
Habang nag pa didi sa isa, yinugyog ko rin ang isa gamit ang paa. Minsan imbes yong sipon ko dapat isinga singhutin ko muna.
Hanggang ngayon wala pang resulta galing sa sis ko, mukhang ayaw nyang pumunta dito. Mahirap pwersahin ang isang tao kapag di gusto.
Kung andito lang sana si MIL (mother inlaw) sya yong tumutulong lagi sakin, nasa bakasyon sila uuwi lang yon kapag winter uli.
Haay..bahala na si batman sakin.
Bakit kaya naging panot ang kambal, parang nag hair loss din, tatlo na kami. LOL

Weekend na pala kaya makakatulog ako nito, may mag alaga sa kambal, si daddy nila.
25 Mar
Wala na naman akong tulog, eto bangag.
Sa gabi kapag tulog yong isa, gising naman yong isa. Sa araw naman dalawa silang gising pero minsan lang at kapag pagod na, sabay din silang umiyak.
Pinagmasdan ko ang kambal at kinakausap na… patulugin nyo naman si mommy kahit 2 hours lang.
Oo kahit dalawang oras lang dahil ako’y pagod na pagod na.
Sana kaya ko pa. I mean takot akong magka sakit dahil love na love ko ang twins.
Pero di pa rin ako nawalan ng pag-asa na sana… maka punta yong sis ko dito para matulungan ako. Plsss…
Tabi baka matamaan kayo. LOL

I love my babies sooo much!

Laging magka hawak ang mga kamay.

24 Mar
Father and son bonding time.

The warm love and the softness of a mother’s touch.
Spring time, pero nang magising ako kaninang umaga eto yong nakita ko sa labas.
Recent Comments