16 Mar
See my baby ticker detailing my twins development milestones.
My twins is growing up to fast.
I know a premature baby’s milestones are not measured from the date of their birth, but rather from the date he or she was due to be born.
Normally 3 days old pa sila ngayon base sa full term ng pregnancy ko.
Ngayon naiintindihan ko na ang feeling o sitwasyon ng isang ina. Dati napaka haba ng oras ko sa pag tulog, pero ngayon umiba na ang ikot ng mundo ko. Jusko fo! masaya na ako kapag naka tulog ako ng 3 hours sa gabi, mga one week na ata na may attitude na ang kambal, halos gabi-gabi na kaming mag concert at lalo na kapag may colic pains sila, argh! iiyak na rin ako.
As a mother never akong nag rereklamo ni kahit walang tulog sa gabi, I LOVE them, lalo na kapag nakikita ko yong smile nila, oh boy! Nakakapawi ng pagod.
Malinis pa rin ang buong bahay! Kaya ko pa.


12 Mar
It seems like not a big deal…but it’s huge to me!

Look how cute I am when I just wake up from a nap!

8 Mar
Pinaka ayoko ang mag linis ng ilong ng babies…argh! bigat kase sa dibdib yong iyak nila. Pero sino ba naman ang gagawa e di ako rin. Haay..parang magka sakit ako sa puso nito.

Isa na rin ‘tong mag putol sa koko nila natatakot din ako baka kase masali ko yong laman, ouch! Hirap mag hanap ng baby mitts dito lahat makikita mo baby clippers. Susme, nilibot ko talaga lahat ng baby shop sa kakahanap ng gwantes, sa wakas naka bili din.

Kaya ngayon wala ng scratch sa mukha nila, magka dikit lagi silang dalawa kaya minsan palitan din ng scratch sa mukha. Parang nag boxing tuloy.
For now, bye bye clippers!
Recent Comments