5 Mar
Kahapon pedia visit ng kambal for vaccination.
Argh! dalawang turok pa naman at isang oral drops, grabeh yong iyak ng babies ko. Jusko! muntik na akong himatayin sa iyak nila ang bigat sa dibdib at sa mata, gusto kong lumabas sa room na yon para di ko marinig yong iyak nila, eh pano hawak ko rin yong isa.


2 months na ang babies ko ang bilis talaga ng panahon noh?!
Tumataas na rin yong timbang nila at sabi ng pediatrician na…[very good development ang twins]. Shempre the best talaga ang mother’s milk. LOL
3 Mar
One month at 20 days bago pinalabas ang twins ko sa NICU (Neonatal Intensive Care Unit). Eto yong first week pics nila nun na super liit at pulang pula yong skin. At naka ventilator at ECG.
Nung pangalawang araw nila, sabi sakin ng pediatrician 2ml ang ininom na milk ni bebe Marc at 1ml naman ang kay bebe Mike pero hindi pa yon breast milk dahil mga isang linggo yong stimulation bago dumami yong breast milk ko para sa babies.
Bago pumasok sa NICU kelangan naka disinfectant lahat kaya ok lang na walang gloves.
At dito na pics big boys na ang babies ko.
28 Feb
Kapag walang saplot ang babies natatakot sila hehehe… ganito sila bebe Marc at bebe Mike ang lakas sumigaw kapag walang saplot lalong lalo na si Mikmik. LOL
Eto si Macmac feeling comfy naka lutang kase, siguro feeling nya nasa loob sya ng tummy ko. LOL

Eto si Mikmik umiyak sa umpisa pero pag naka babad na sa tubig tahimik na sya.


Di ko pa na upload yong old pics nila nung sa NICU, aayusin ko pa at e post ko dito. O sige guys kami ay aalis muna kukunin na namin si Churchill dun sa parents inlaw ko, namimis na namin yong four legged boy namin, sana nawala na yong selos nya sa kambal.
Wish me luck! Napaka seloso pala ng aso.
Recent Comments