still in NICU

Oopps… tagal na walang update dito, busy lang talaga sa mga babies ko. Siguro nakikita nyo sa baby ticker sa may itaas na lumabas ang twins ko at 31 weeks gestation, ibig sabihin premature sila though they’re both healthy.

Dahil preemies ang babies ko kaya nasa Neonatal Intensive Care Unit (NICU) pa sila ngayon, saka na pauwiin ng pediatrician and/or a neonatologist kapag due date na talaga dapat yong full term ng pregnacy ko ay ngayong Marc 12. O diba ang aga talaga nilang lumabas, napa aga nga dahil na jackpot ako ng pre-eclampsia. Kung nabasa nyo ang previous post ko about sa “the birth of my twins” detalyado yon hehehe…

Kaya minsan lang ang update dito kase halos lahat ng oras ko andun sa babies at gabi na ako maka uwi dito sa bahay. Haay.. kaka mis nga ng mga anak ko kapag andito na ako sa bahay tulo talaga luha ko sa sobrang mis ko sila.

Buti nalang super bait ng mom inlaw ko may taga laba ako at plantsa alam kase nya na wala talaga akong oras dito sa bahay pati nga sa pag lilinis. Kapag andito ako sa bahay eto nakaharap sa laptop habang nag pupump, nakakapagod din kahit hating gabi kelangan kong magising para mag pump kase sumasakit yong breast ko kaya kelangan mailabas yong milk. Buti nalang may pagka hi-tech ‘tong pump ko kaya di ako lubusang pagod, ganito pala kapag mommy kana. LOL

…because we’re identical twins! Oh boy, halos magka parehas talaga sila ng reflex behaviour.

Si bebe Mike yang nasa kaliwa si bebe Marc ang nasa kanan, siguro kung parehas sila ng size medyo maliit kase ang bebe Mike ko, siguradong nalilito na ako. LOL

Mula nung lumabas sila 2 days after kahit may ventilator pa ang babies ko, advise ng pediatrician na e kangaroo care namin sila kaya tig-isa kami ni hubby. One week after tinanggalan ng ventilator si bebe Marc dahil umiiyak lagi ayaw nya yong may naka kabit sa ilong nya pero nasa encubator pa rin sya. At 2 weeks after nasa open air bed na si bebe Marc dahil naiinitan na sya sa loob ng incubator at dumi didi na sya sakin.

Si bebe Mike sya yong medyo maliit, kahit ayaw din nya yong may naka kabit sa ilong nya, after one week on and off yong ventilator sa kanya at 3 weeks after nasa open air bed na sya at parehas na silang malakas mag didi sakin.

Sabi nga ng pediatrician they’re preemies and strong babies, pero kahit pa man antayin pa rin ang due date nila at bago sila pauwiin kelangan ko ring mag stay dun ng day at night. Bali tuturuan pa nila ako how to care my babies. Bibigyan na sana nila ako ng room [belong to NICU] na bali kagaya ng feel at home na under monitor kami ng pediatrician at incharge nurse para sa aming tatlo ng babies ko, kaso lang occupied pa yong mga rooms.

Mahaba na ‘to kaya next chika uli, at psensya na talaga kung di pa rin ako maka bisista sa bloggie nyo.

  • 18 Comments
  • Filed under: Winter
  • Easter egg


    This cutie egg expected to hatch on March 15.
    Simply put this egg in your sidebar and watch it hatch.
    IT WILL BE AWESOME! Nice chick. (???)
    Please copy the code HERE.

  • 26 Comments
  • Filed under: Winter
  • Milky…for my twins!

    Two days after ng pag panganak ko, tinuruan agad ako kung pano mag pump! Oh boy, strange feelings na di ko ma expleyn hehehe at isa pa walang milk na lumabas tama lang yong nababasa ang flask. Eto yong unang ginamit ko na pump pag-aari ng maternity. Mga isang linggo may lumabas na milk hanggang 10ml lang, hanggang padami sya at eto na ngayon puno na lagi yong beberon. Para tuloy akong moooowwww…

    Bago ako nanganak tinanong ako ni doki kung mag breast feed ba ako, at shempre Oo. Kaya advise nya electric pump yong gagamitin ko para di ako mapapagod.

    At eto nga electric pump ginamit ko very easy habang nag pupump nakaharap sa laptop hahaha… Pero shempre masakit ha, I mean yong pag pupump masakit din, pero di ko na mapansin yong sakit kase yong mind ko naka focus sa lappy. LOL

    Daming milk noh? susme binigyan ako ng magnesium, calcium, iron, ogestan para daw marami ang milk kase twins. Ayan hati sila bebe Marc at bebe Mike sa isang beberon. Minsan di na ako nag pupump kase dumi didi na sakin ang dalawa at soon kelangan na rin nila ang formula, sabi ng midwife ko magugutom ang twins kapag breast feed lang.

    I’m sure maraming gustong maka kita ng twins ko, antay lang kayo babaha ang pics dito. LOL

    Honga pala yong gustong bumasa ng story sa the birth of my twins. Email me at ethel@lollipop.lu

  • 30 Comments
  • Filed under: Winter
  • SweetKendi

    I Joined

    BisdakPlanet Foundation aims to help our less fortunate “kababayans” and is dedicated to helping the Filipino children.

    Litratong Pinoy

    Archives

    Categories

    Visitors


    Author


      Hello I'm a mother of identical twin boys Marc and Mike. Yeah,double blessing but also a double challenge. My house is still a mess!
      -One of the coolest parts about being a mom of twin boys is that I have an escort for each arm.- (N.T)

    MacMik Logo

    • Recent talks:

      • Lhyz: hi te ethel! hope u still remember me.. hehe Lhyz po..sobrang tagal na..friend ni valerie if u remember...
      • Liezl: Hi thel, liezl ni. Basa-basa lng ko imo mga posts diri ug sa fb :) big boys na ang kambal gayud…kanus-a...
      • AL: lahat ng updates ko nakadraft hahahah… wala din kasi along time. add mo ako sa fb…...
    • Recent Trackbacks: