19 Dec
Woopz! marami kaming sunshine this week, pero frozen naman sa labas. Kuha ko ‘tong posing
ko kahapon about minus 2 degrees sa labas pero daming sunshine. LOL

Galing ako sa OB ko kanina, OK lahat kinukulit ako ni Dok tungkol sa mga ginagawa ko dito sa bahay, sabi ko bored nga eh, walang magawa. Tinanong din nya si hubby, sagot naman ni hubby di ko alam kong anong ginagawa nya pag nasa ofis ako. Sipsip talaga.
Honga pala, tungkol sa comments ni Lanie G kung naka schedule na ba daw ako sa CS [???] Iba dito sa Luxembourg hindi ina advise ng doktor ang CS, pwera kung may problema like maliit yong cervix o posisyon ng babies o other health problems.
Para sakin ayoko ng CS, pero kung kinakailangan of course why not! Saka ko lang yan malalaman kapag lalabas na talaga ang babies ko. LOL
Tungkol sa dark brown na linya, normal lang pala yan salamat sa mga infos nyo guys.
Gumawa din ako ng avatar, you can view HERE.
Excuse me dok, bihira lang ako mag computer noh! LOL

16 Dec
Muzta pipol! Salamat sa lahat nag comments sa previous post ko, psensya di ko kayo na bisista sa mga site nyo. At salamat din sa lahat ng mga lurker na dumadaan dito. Mwaahhh…
Eto ang hitsura ng belly ko ngayon [6 months identical twins] alaga ni dok at shempre alagang-alaga ni mommy at daddy. Oh, boy palagi ang kungfu fighting sa tummy ko, super likot ng twins at ang sarap ng pakiramdam kahit uber yugyog yong belly ko .LOL

Another view ng belly babe ko, i tell you, dahil sa sobrang likot ng babies Braxton Hicks ang nararamdaman ko, minsan mga about 1 min. or seconds lang. Hindi masakit pero feeling ko may dalawang bowling ball sa tummy ko na super tigas, uncomforatable din nakakasira sa mood.
Read the rest of this entry »
7 Dec
Nung myerkules OB visit ko. As usual sinusukat lang yong babies siguro maximum 2 minutes lang tapos patayuin kana, every 2 weeks kase yong visit ko.
Tapos nung kaharap ko na si Dok sa table nya, sabi nya;
Ngayong Friday ok ba sayo na punta ka sa Maternity clinic tapos mag stay ka dun ng 4 days. Or ikaw mag desisyon kung kelan gusto mo.
Recent Comments